Jho
Nakahiga na ako. Sanay na talaga mag isa ni Bea. Yong mga nag iisa daw, malalalim na tao. Sila yong tunay na matatapang. They're very deep. Nakakasulat sya ng mga kwento, mga kanta. She's really something. Naalala ko yong sinabi nya. In love pala sya ngayon, kaya lang di daw pwede. One sided yata. HIrap non, ikaw lang nagmamahal. Naka move on nga, pero sa di naman sya mahal siya nagmahal. Haaay, life. It's so complicated.
'Good morning, world' nasabi ko ng magising, nag unat pa ko at napa hikab.. Inayos ko na ang higaan at nagpunta sa cr. Hilamos, at toothbrush. Lumabas na ako ng kwarto. Wala pa si Manang, napa tingin ako sa wall clock, 8:15 am na pala. May message na nakadikit sa ref. Di pala sya makakapunta ngayon. Nagluto ako ng breakfast, bacon, eggs at hormel luncheon meat. Nag sangag din ako ng rice. Inihanda ko na ang mesa.
Kinatok ko ang kwarto ni Bea. Tok! Tok! Tok! Bumukas din ito.
Jho: Good morning po, kain na po tayo ng breakfast.
Bea : Good morning.
Pumunta na ako ng kitchen, nakasunod naman si Bea.
NIlagyan ko ng sinangag ang plato ni Bea, tsaka bacon, egg at luncheon meat. Kumuha naman ako ng coffee sa coffee maker.
Jho : O, kain na.
Kumakain na si Bea pero nakapikit ang mga mata nito.
Jho: Puyat ka yata. Maaga naman tayo natulog.
Bea : Di naman ako natulog kaagad.
Jho : Bakit naman?
Bea : Di ako makatulog, e.
Jho : Bakit naman di ka makatulog?
Bea : Madami iniisip.
Jho : Ano naman mga iniisip mo?
Bea: Secret.
Jho : Bakit naman secret?
Nagkatinginan sila.
Bea : You don't wanna know.
Jho : Uwi na pala ako pagkatapos natin mag almusal.
Bea : Okey.
Napatingin ako kay Bea, biglang lumungkot ang mga mata nito. Tumigil na rin ito sa pagkain. Nakatingin sa kawalan.
Jho : Pero, wala naman ako gagawin sa condo. Matatapos na rin ang project ko.
Napa tingin bigla si Bea sa akin.
Jho : Pwede kaya? Ako, mag stay pa dito?
Ngumiti ng malapad si Bea.
Bea : Of course, kaw pa.
Kumain na ulit ito. Nilagyan ko ulit ng luncheon meat ang plato nya. At tsaka sinangag. Ni refill ko rin coffee mug ni Bea.
Jho : Masarap?
Bea : Syempre, luto mo, e. Sabay kindat sa akin.
Napa irap naman ako, pero lihim na nangiti. O my G. Nakakaba ang kindat na yon.
Nagbabasa ako ng novel sa may patio. Si Bea naman ay nasa kabilang mesa. Nagsusulat na naman. May naisip daw sya bigla na story. Mabilis itong nag ta typre sa mcbook nya. Maya maya ay nilagyan ko ng juice sa tabi ng mcbook nya.
Bea : Thank you. Sabi nya na nakatuon pa rin sa mcbook ang mga mata.
Nang humapon ay naglakad lakad kami sa tabing dagat kasama si George. Nakipag habulan kay George. Ng mapagod ay umupo muna kami sa buhangin. Tahimik lang kami, tanging ang ingay lang ng alon ang maririnig. Napa tingin ako kay Bea. Nakatungo ito.
Jho: Hey, ang ganda ng dagat nakatungo ka.
Nang i angat ni Bea ang kanyang ulo,
Jho: Umiiyak ka ba? Tumutulo ang kanyang mga luha. Pinahid naman nya ito.
Jho : Bakit ka umiiyak?
Bea : N-na miss ko lang sila mommy at daddy.
Jho: Kelan ba sila magbabakasyon dito?
Bea : They're so busy, e. Pero punta ako sa states para sa Christmas vacation, December to January.
'Tagal naman non' bulong ko sa sarili ko. Tumulo na naman mga luha nya. Pinahid ko ito gamit ang kamay ko. Niyakap ko si Bea
Jho : Wag ka na umiyak. Next month, makikita mo na sila.
Umiiyak pa rin si Bea, medyo nabasa na ang tshirt ko. YInakap nya ako ng mahigpit. Parang may iba pang dahilan kung bakit sya umiiyak. HInaplos haplos ko ang kanyang likod.
Bea
Nakaupo ako sa sofa, sa kwarto ko habang nag bro browse sa cellphone ko. May message si Ged, kelan daw kami magkikita. Nangumusta naman si ate Ly pati sila Jia at ate Den. Ayokong mag reply sa kanila. Wala ako sa mood. Mamaya na lang.
Di ko na napigilan kanina ang umiyak, my God, sa harap pa ni Jho. Buti naka isip agad ako ng sagot. Nami miss ko sila mommy at daddy, pero di naman ibig sabihin non na iiyak ako. Habang nakikita ko si Jho na masayang nakikipag habulan kay George at sa akin. Mas bumigat ang pakiramdam ko. Gustong gusto ko syang yakapin, at halikan. Gusto kong mayakap sya ng mahigpit. Sabihin na 'mahal na mahal na mahal ko sya'. Nasa harapan ko lang sya pero di ko magawang yakapin sya. My hands are aching to hold her, aching to hug her, and kiss her. Galing kong umarte, ah. Siguro pasukin ko na rin pag a artista. I was acting that wala lang, na nandito sya. But my heart says otherwise. Bakit sya pa, bakit? Tumulo na namn luha ko. Sobrang sakit na, ang sakit sakit na. Ang makita sya pero di naman pwede, di pwede mayakap. Siguro paminsan minsan pwede, pero limitado, and as a friend lang.
Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig. Nasa sala pa pala si Jho, ang sa may side table lang ang nakabukas na ilaw, nagbabasa sya. Tinungo ko na ang kitchen at kumuha ng tubig. Pabalik na ako ng kwarto na may dalang isang basong tubig ng,
Jho : Bea?
Bea : HI, kumuha lang ako ng tubig.
Nagkatitigan kami ng 5, 10, 15, 20, 30 seconds.
Bea : S-sige b-balik na ako.
Jho : Sandali lang.
Pinatay nya ang ilaw sa sala at,
Jho : Sa kwarto mo na ako matutulog, ha?
Nauna na syang pumasok sa kwarto ko.
Bea : O-okey.
Humiga na kami, bumaling sya sa akin at niyakap ako. GInawa nyang unan ang braso ko.
Jho : Paki hagod naman ng likod ko, o. Hanggang sa makatulog lang ako, please.
Bea : Okey.
Jho : Ganyan ginagawa ni mama pag hindi ako makatulog. Madali akong nakakatulog pag hinahagod ang likod ko.
HInagod ko na ang likod nya. Napapikit naman ito na parang natutulog na. Parang nanigas ang buo kong katawan. 'Lord, ano ba to. Help me, please. Please give me the strengh not to kiss her' matiim kong dasal. BIglang dumilat si Jho.
Jho : Okey ka lang?
Bea : Bakit naman?
Jho : Parang naninigas ka, e.
Bea : Di kasi ako sanay na may katabi.
Jho : Ngayon masanay ka na. Good night.
HInalikan nya ang pisngi ko at pumikit itong muli. Uminit buong katawan ko. 'Lord, help please'. HInahagod ko pa rin likod nya.
YOU ARE READING
Falling for You (COMPLETED)
أدب الهواةShe's from a heartbreak. Can she find peace....peace of mind in this new place. 'Sana nga... sana nga' nasabi nito sa sarili..
