JhoNag take out ako sa pancake house. Dalawang porkchop, pancakes, iced tea. Bibili na lang ako ng vanilla ice cream sa mercury drug. Nilagay ko ang mga pinamili ko sa backseat at nagpunta sa mercury drug. One galloon vanilla ice cream. Nag drive na ako papunta sa condo ni Bea. Di sya nag t text, di rin tumatawag. Ano na kaya nangyari don?
TING! 14th floor na, bumukas ang elevator at lumabas na ako. Pagdating sa unit 15 ay kumatok ako. Tagal naman buksan. 'Sandali lang' narinig ko mula sa loob'.
Pag bukas nya ay pumasok ako agad at dumiretso sa dining table. Napanganga naman si Bea. Sinundan nya ako sa kitchen.
Bea : Hi! ano ginagawa mo dito.
Jho : Hello! Hindi ka po nag t text at mas lalong hindi ka tumatawag. Nakalimutan mo na ba ang purpose ng cellphone? At nakalimutan mo na ba na may kaibigan, correction, may bestfriend kang Jhoanna Louisse Maraguinot ang pangalan.
Nakapa meywang kong sabi. Nabigla ko yata sya don. Tulala pa rin, e.
Bea : B-busy lang.
Jho : REALLY?
Inilabas ko isa isa ang mga pagkain pagkatapos kong ilagay sa ref ang ice cream.
Jho : Upo!
Umupo naman si Bea. Nilagay ko sa harapan nya ang isang box na may laman na porkchop & rice.
Jho : Kain!
Binuksan ko ang isang box at kumain na kami. Nakatingin lang sya sa akin.
Jho : Kelan ka pa dito sa Manila?
Bea : Last week.
Jho : Last week pa? Bakit di ka nag text, para malaman ko na nandito ka na?
Tumayo sya at niyakap ako. She kissed my forehead.
Jho : I miss you.
Bea : I miss you, too.
At umupo na sya at kumain ulit. Simpleng hug lang, napapa ngiti na ako ni De Leon.
Bea : Bakit ka naka ngiti?
Jho : Wala lang. Nakita na kasi kita.
Tumango lang sya at kumain na kami. Ang tahimik. Naputol na yata mga dila namin. Bakit ang tahimik nya ngayon? Baka may problema sya.
Bea : I never saw this side of you. Mahinhin ka kasi palagi. Matapang ka rin pala.
Jho : Pag naiinis lang at na balewala.
Bea : Di naman kita benalewala.
Jho : E, anong tawag don?
Bea : Busy lang talaga.
Jho : Want some ice cream?
Ngumite sya. Ayon. Yon lang pala ang password. Binigay ko sa kanya ang mug na may lamang vanilla ice cream, our favorite.
Bea : Hmnn, sarap sarap!
Nilagyan ko ulit ng ice cream mug nya, at ako din. Nag joke ako na subuan sya ng ice cream, ngumanga naman kaya sinubuan ko na. May naiwan na ice cream sa baba nya. Pinahid ko ito ng tissue.
Jho : Kelan mo sinimulan ang script?
Bea : Last week lang.
Jho : Ano gagawin mo today?
Bea : Wala naman. Pinahinga ko muna brain ko sa pagsusulat. Wala na akong maisip.
Jho : Movie marathon tayo! Excited kong sabi.
YOU ARE READING
Falling for You (COMPLETED)
FanfictionShe's from a heartbreak. Can she find peace....peace of mind in this new place. 'Sana nga... sana nga' nasabi nito sa sarili..