Part 26

128 3 0
                                    



"Hi" 


Di pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko.  Pumasok na agad ito at isinara ang pinto. Nilagay sa table mga dala nya. 

Bea :  Hello, Jho.

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan forehead ko.  Itinaas nya ako at pina ikot ikot. Mayamaya ay  ibiinaba din nya ako.

Bea :  I miss you.

Jho :  Bakit andito ka na?

Bea :  Parang ayaw mo ko dito.

Jho : HIndi naman.

Niyakap ko sya ng mahigpit, niyakap din nya ako pabalik.

Jho :  I miss you, too.

Bea :  May pasalubong pala ako sa yo.

Nilapitan nya mga dala kanina.  Iniabot nya ang isang malaking plastic.

Jho :  Ano 'to?

Bea :  Buksan mo.

Binuksan ko at inalis ang balot.  Tumambad sa akin ang isang malaking winnie the pooh.

Jho :  Oh my G.  WINNIE THE POOH.          

Niyakap ko ito ng mahigpit.  Niyakap ko rin si Bea.

Jho :  Thank you, thank you dito ha?

Bea :  Meron pa.

Tiningnan ko ulit ang plastic, may laman pa pala.  Kinuha ko ito.  Nakita ko ang tshirt at caps na winnie the pooh din, at may hershey drops at cadburry.

Jho  :  Thank you, Bea, ha ng madami.

Bea :  Your welcome.

Jho :  Kelan ka nga pala dumating.

Bea :  Kaninang 5:30 am.

Jho :  Hah? dumiretso ka agad dito.

Bea :  Di ba, I miss you na, at excited akong ibigay yan sa yo.

Jho :   Sandali.  Upo ka muna dyan, ipagluluto kita.

Dali dali akong nagluto ng sinangag, bacon at hormel lunchon meat at eggs.  Nag brew na rin ako ng coffee. Pagkatapos ay inihain ko na  ang mga ito.

Jho :  Lika ka na, upo ka na dito, kain na tayo.

Umupo naman si Bea.  NIlagyan ko na agad ng pagkain ang plato nya.  Nagsalin naman ako ng coffee sa dalawang mug at ibinigay kay Bea ang isa.  Di ako maka paniwala na andito sya ngayon sa condo ko.

Bea :  Hmn, sarap sarap.

Uminom sya ng coffee.

Jho :  Bacon, eggs at luncheon meat lang naman, yan.  Timplado na.  Tsaka sinangag.

Bea :  HIndi, e.  Parang may special na ingredient.

Jho :  Ha ha ha.  Ano naman kaya 'yon.

Bea :  Pagmamahal.

Nabilaukan ako bigla.  Uminom ako agad ng tubig.  Ano ba pinagsasabi nito.  Bigla uminit ang mukha ko.  Namumula na naman ako.

Jho :  Pagmamahal ka dyan.

Bea :  Pagmamahal ng isang kaibigan.

Napairap na lang ako.  Tuliro ang isip ko kaya di alam kung ano isasagot. 

HInugasan ko na pinagkainan namin, pagkatapos ay nakita ko si Bea na nakahiga sa sofa.  Nilapitan ko ito.

Jho :  Bea, lika mag half bath ka muna bago matulog.

Falling for You     (COMPLETED)Where stories live. Discover now