JhoJho : Bye, Bea. Thank you ulit.
Bea : Bye, Jho. Ingat kayo sa byahe, ha?
Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan sa magkabilang pisngi.
Jho : Ingat ka rin dito, ha?
Bea : Oo naman. Text mo 'ko pag nakarating ka na sa condo mo.
Jho : Okey.
BInuksan na nya ang pinto ng kotse ni Milo. Sumabay na ako sa kanila pauwi ng Manila. Kasama din namin si Aby at asawa nito na si Myla. Nauna na si Rick kaninang umaga. May a asikasuhin daw sya. Sumakay na ako sa backseat.
Milo/Myla/Aby : Bye, Bea.
Bea : Bye.
Kumaway naman sa amin si Bea. Pina andar na ni Milo ang kotse. Niingon ko si Bea. Kumakaway pa rin ito, hannggang sa mawala kami sa paningin nya. Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang gusto kong bumalik sa kanya. Malungkot akong nakatingin sa bintana ko. Tulog agad sila Myla at Aby. May hangover pa. Tahimik naman na nag drive si MIlo. Eight months, eight months ako nag stay sa beach house ni Bea. Parang feeling ko nga doon na talaga ako nakatira. I'll miss her, tiyak yon. Kinuha ko ang cellphone ko. Nag click ako sa photos. Nag browse ako sa mga photos namin. Napapangiti pag naalalako kung kelan ito kinunan. At ang mga kwento behind these photos.
Milo : Okey ka lang dyan, Jho?
Jho : Oo, Milo.
Milo : Pwede ka matulog. Gisingin na lang kita kung nasa Manila na tayo.
JHo : Okey lang?
Milo : Oo naman. Sige sleep ka na.
Sandali pa akong nakatingin sa mga pics namin ni Bea. Pinatay ko na cellphone ko at ibinalik sa bag ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Mukha ni Bea nakikita ko. Ang nakangiti nyang mukha. Napakaganda nya last night. Maganda at gwapo. White silk sleeveless na blouse ang suot nya at light blue na slacks. Para akong na magnet sa mga mata nya, habang kumakanta sya ng 'It Might Be You'. Lumakas din ang tibok ng puso ko. Halos lumabas na ito sa dibdib ko. Lalo na ng tingnan nya ang mga mata ko. Parang para sa akin ang kanta nya.
Bea
Nang di ko na sila matanaw ay naglakad na ako pabalik sa bahay. Mabigat ang mga hakbang ko. Gusto ko sabihin kanina kay Jho, na dito na lang sya. Dito na lang sya sa akin, forever. Pero tikom ang bibig ko na nakatingin lang sa kanya. Madami ako gusto sabihin sa kanya. Gusto ko sabihin kung ano nararamdaman ko sa kanya. Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Nag isip at nag isip, hanggang sa makatulog ako.
BIgla akong nagising. Akala ko umaga na, ng maalala ko na after lunch ako natulog. Tiningnan ko ang time sa cellphone ko. 4:30 pm. Bumangon ako at nagpunta sa kitchen. Nakita ko na may note na nakadikit sa door ng ref. 'Bea, maaga ako umalis, may pupuntahan lang kami mag asawa. Balik ako bukas'. Kinuha ko ang note at tinapon sa basurahan. Kumuha ng tubig at uminom. Kumuha din ako ng beer. Hawak hawak ko ang beer na papunta sa may tabing dagat. Sumunod naman sa akin si George. Umupo ako sa buhangin at ininom ang beer. Nakatingin lang ako sa dagat. Napatingin ako kay George, tahimik itong nakaupo sa tabi ko. Hahaha, pati aso naiintindihan nararamdaman ko. Usually, nakikipag habulan na ito lalo na pag nasa dagat kami. NIyakap ko si George at tumulo na ang mga luha ko. Uminom ulit ako ng beer. Si Jho pa rin laman ng isip ko. Nn maubos ang beer ay bumalik ako sa bahay para kumuha ulit ng beer, nakasunod lang sa akin si George. Isa na lang ang beer. Nakita ko ang red wine. Kinuha ko ito ang nag iisang beer. Bumalik na kami ni George sa tabing dagat. Umupo at uminom ulit ng beer. Hahaha, parang tao 'to si George, tahimik pa rin, parang dinadamayan nya ako. Nang maubos ang beer ay tinungga ko na naman ang wine. Ting!!! Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng shorts ko. May message;
YOU ARE READING
Falling for You (COMPLETED)
FanficShe's from a heartbreak. Can she find peace....peace of mind in this new place. 'Sana nga... sana nga' nasabi nito sa sarili..