Part 25

110 1 0
                                    







Jho


Tinanggap ko na din yong offer ni Mrs. Waters.  Mini resort sa Zambales.   Fifteen cabanas, an olympic size swimming pool, poll for the kids, 30-room two story hotel with rooftop, and a three story residential house  para sa family nila.  Di naman sila nagmamadali.  Nasa London pa sila, thru zoom lang kami nag uusap,   sinabi na nila kung ano gusto nila sa resort at bahay nila.   May naisip na kong design, tyak magugustuhan nila ito.  Sinara ko na ang mcbook ko.  Pumunta sa kitchen at binuksan ang ref para kumuha ng tubig.  Nakita ko ang pork adobo cut at mga gulay.  Naalala ko na naman si Bea.  Nilutuan ko sya noon ng pork nilaga with so many veggies.  Pork adobo sa beach house nya. Kumuha na ako ng tubig at ininom ito.  Nagpunta na ako sa sala at binuksan ang tv.

Three weeks pa, three weeks pa sya sa states.  Ano na kaya ginagawa non ngayon.   Siguro namamasyal sila ng family nya.  Miss na miss ko na sya.  Na miss ko na tawa nya, at kung nag e smile sya sa akin, paglalambing at yong hug & kiss sa forehead ko.  Naalala ko ang usapan namin ni mama nong last na umuwi ako sa Batangas.


****FLASHBACK****


Naka upo ako sa sofa sa may sala namin.  Nagmumuni muni.  Napa bungtung hininga ako.

Lovel :  Iniisip mo sya, anak?

Jho :  Sino po?

Lovel :  Si Bea.

BIgla akong inubo sa sinabi ni mama.

Jho :  Bakit ko naman sya iisipin.  Masaya yon ngayon kasi kapiling nya family nya.

Lovel:  Alam mo, medyo matanda na rin ako.  Kaya madami na akong pinagdaanan.  Nakita ko kung pano mo tingnan si Bea.  At kung pano ka nya tingnan.  Kung pano mo sya alagaan nong pumunta sya dito.  Sa mga kilos nyo, anak. 

Jho :  Ano po ba mga kilos namin?

Lovel :  Actions speak louder than words,  anak.  Siguro di nyo pa alam, o di mo pa alam.

Jho :  Na ano po?

Lovel :  Na mahal mo na sya.

Napa nganga ako sa sinabi ni mama.  Naka ngiti naman sya sa akin. 

Jho :  Kaibigan ko lang po si Bea, 'ma.  Close lang po talaga kami kaya ganon.  Baka na misenterpret nyo lang po kami.

Lovel :  Okey.

Jho :  Malambing lang po talaga si Bea, maasikaso at maalalahanin.  Nature na po nya 'yon.

Lovel :  Siguro nga.  Pero kahit kapatid mo, napansin din mga tinginan nyo. 

Jho :  Si Jaja?  Ay nako nang aasar lang po yon.

Lovel :  Sure ka?  Iba ka pag kasama mo sya.  Alam mo anak, okey lang naman sa akin kung magka gusto ka kay Bea.

Jho :  Mama naman.  Matutulog na po ako.  Good night.

Lovel :  Good night, anak. 



*****END OF FLASHBACK**********


Napa isip na naman ako sa mga sinabi ni mama.  Masaya ako pag kasama ko sya.  Gusto ko na palagi syang nakikita.  Gusto ko rin kung ano sya.  Haaay, si mama talaga.  Ininit ko ang adobo at rice at kumain na ako ng hapunan. 

Pagkatapos ko maghugas ng pinag kainan ay nagpunta ako sa sala at binuksan ang tv.  Nilipat ko sa netflix.  Pagbukas ng netfix ay 'The fault in our stars' ang tumambad.    'Showing na pala  to sa netflix' sabi ko.  Pini press ko ang  'play'  button. 

Pinanood ko ulit ang TFIOS.   Tulad nong una ko itong napanood, ay umiyak ako sa lungkot ng story.  Pinahid ko ang luha ko.  Naalala ko nong  pinanood namin 'to ni Bea.  Niyakap nya ako kasi iyak ako ng ingak.   Sya na naman.   Ahhhh.  Pagkatapos ng TFIOS ay pinatay ko na ang tv.  Pumasok sa kwarto at natulog.


Nagising ako sa malakas ng katok.  Dahan dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto.  Sino ba naman to, ang aga aga pa, e.  Six thirty pa lang ng umaga.  Dali daling binuksan ko ang pinto.  Nanlaki mga mata ko ng makita kung sino ang nasa labas ng pinto.

Falling for You     (COMPLETED)Where stories live. Discover now