ERINAH'S P.O.V.
Kahit wala ako sa mood ngayon ay pinagbigyan ko nalang si Hillary na pumasok ako sa next class namin which is Chemistry.
Hindi narin masama...
"Ah Bessybest wag ka sanang magalit ha?"nakapout na sabi sakin ni Hillary ng nasa pinto na kami ng room.
"Bakit may kasalanan ka na naman?"taas kilay na tanong ko.
Wag nyang sabihing bukod sa pagpapasabay nya sa dalawang kutong lupa na yun sa table namin kanina ay may iba pa syang kasalanan...
"Aheheehehe...K-Kasi....."
ngumuso sya saka tumingin sa loob ng room kaya ganun din ang ginawa ko
at hindi ko nagustuhan ang nakita ko.
What the hell!!!
Classmate nga talaga namin silang dalawa at...at...
Bakit nakaupo yung Kyle na yun sa upuan ko????!!!!!
"HIL@#$%&!!"
bigla nyang tinakpan ang bibig ko nang isisigaw ko sana ang pangalan nya.
"Ah Bessybest yan na nga ang gusto kung sabihin sayo hehehee....Sorry naman bessybest kawawa naman kasi si Kyle kaya pinaupo ko nalang muna sya sa upuan mo.Wag ka nang magalit bessybest meron pa namang vacant seat sa likod."sunod sunod na paliwanag nya.
Pinalo ko naman agad ang kamay nyang nasa bibig ko.
"What?Sa likod mo ako papaupuin?E kung kutusan kaya kita dyan!"kukutusan ko na sana sya ng may biglang dumating si Miss.
"Why are you still here?Bakit hindi pa kayo pumapasok sa loob?"tanong ni Miss.
Binigyan ko nalang ng masamang tingin si Hillary saka nagmartsa papasok ng room.
Nang dahil sa lalaki nya nagawa nya akong traydorin....Grrrr...
Pagpasok ko sa loob prenteng prenteng nakaupo yung Kyle na yun sa upuan ko!Grrr...Kaasar talaga!
Kalbuhin ko kaya 'to!
"Whoooaa!Bakit ganyan ka naman makatingin Miss Beautiful?Friends na tayo diba?"
Friends?
Ngayon pa kung kailan lalo akong nabwisit sa kanya!
At napaka imposibleng maging friends kami!
"Sinong may sabi?!"inis na sigaw ko sa kanya.
"Miss Chunsean bakit ka sumisigaw?Hindi ka pa ba uupo?"
"At saan naman ako uupo?Sa sahig?"sarcastic na tanong ko kay Miss saka tinignan ng masama si Hillary.
Lagot ka sakin mamaya Hillary!
"May vacant seat sa likod,dun ka na muna maupo."napatingin ako sa likod at hindi ako makapaniwala ng makita kong sa tabi yun ni AJ!
Tatabi ako sa Jerk na yan???
NO WAY!
"Miss Chunsean!Magkaklase na 'ko kaya pwede bang maupo kana?"pigil na inis na sabi ni Miss.
Gusto ko sanang lumabas nalang ng room kaya lang wala naman akong gagawin doon,mamaya mapagbintangan na naman akong may ginawang kasalanan,maging isang buwan pa ang paggrounded sakin.
Inis akong naglakad papunta sa vacant seat sa tabi ni ARROGANT JERK!
Kaasar!Andami naman atang nangyaring nakakainis sa araw na ito!
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker [COMPLETED]
Teen Fiction"I don't do anything in order to cause trouble. It just so happens that what I do naturally causes trouble." - Erinah Lorraine Chunsean
![Miss Troublemaker [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/26765570-64-k975224.jpg)