Chapter 66

1.4K 47 5
                                    

ERINAH'S P.O.V.


"Waaaaaaaahhh!" sigaw ko nang may biglang humawak sa balikat ko!


Agad akong napatayo nang makita kong si Stanley yun.


"Tss...Anong ginagawa mo dito?"tanong nya pero hindi ko alam kong anong dapat kong sabihin.


"Ah--Ano....Wala---" napahinto ako sa sasabihin ko.


Bakit kailangan ko pang tumanggi kung sya naman talaga yung dahilan kong bakit ako nandito.


"H-Hinahanap kita!...Wala ka kasi doon sa cafeteria eh." deretsong sabi ko kaya naman napaiwas sya nang tingin.


Tch!If I know kinikilig lang sya...Yiiieee...


"May ginawa lang ako." sabi nya kaya naman agad akong nacurious.


Kasama nya kaya si Haie?Ano naman kayang ginawa nila?


"Ano naman yun?" tanong ko pero napakunot lang sya nang noo ng makita nya yung kabinet sa tabi ko na nakabukas.


"Ikaw ba ang nagbukas nito?" tanong nya habang sinasara yun.


"Nakita ko lang yan dyan eh!At saka sayo ba talaga yan?" tanong ko kung totoo nga talagang sa kanya ang kabinet nayun...


"Sinabi ko na sayo diba?Lagayan 'to nang chocolates na bigay sakin ng mga manliligaw ko." sabi nya saka pa ako binigyan ng isa non.


Ibig sabihin...


Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya saka sya hinarap sakin.


"Yung dito sa rooftop...nung nagtapat ako sayo...yung sinabi kong gusto kita....Totoo bang nangyari ang lahat ng yun??Hindi ako nananaginip lang??" tanong ko pero napa ngisi lang sya...


Ibig sabihin....Totoo nga talagang nangyari yun!Waaaaaaahhh!


Napaupo ako at tinakip ang dalawang palad ko sa mukha ko.


I can't believe na dalawang beses nga talaga ako nagtapat sa kanya at ang masaklap ay para akong tanga dahil hindi ko mismo alam yun sa sarili ko.


"Tss...Anong nangyayari sayo?" tanong nya pa kaya naman napatingala ako sa kanya.


"B-Bakit hindi mo sinabi sakin!" sabi ko sa kanya kaya naman taka syang napatingin sakin.


"Ang alin?" takang tanong nya.


"Na dalawang beses na pala akong nagtatapat sayo!Na totoong nangyari yung dito sa rooftop."inis na nahihiya na sabi ko.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon