Chapter 17

1.9K 61 0
                                    

ERINAH'S P.O.V.

Nang sabihin ng Prof. ni Blaze na nandito ako ay nagulat sya.

Agad din yun nawala at napalitan ng pagkabagot at parang tamad na tamad syang naglakad palabas ng room nila.

Bakit ganon?Bakit parang hindi sya masaya na pumunta ako?

Ah tanga mo naman Erinah!Baka naistorbo mo ang pagfofocus nya!

Eh hindi naman sya ganyan eh!Tuwing pupunta ako dati dito sa room nya ay napapangiti sya agad!

Bakit ngayon ay hindi na,imbes nakasimangot pa sya.

T_T

"Blaze.."mahina kong tawag ng nasa harap ko na sya.

"Anong ginagawa mo dito?"diretsong tanong nya sakin habang nakakunot pa ang noo.

"Gusto lang kita makita,masama ba 'yon?"

Hindi ko na mapigilan ang inis.Bakit parang sya pa ata ang galit ngayon?

Dapat nga ay ako dahil sa ginawa nya sa akin nong isang araw!

"Hintayin mo ako sa rooftop.Mag-uusap tayo."seryosong sabi nya saka ako tinalikuran.

"Saglit lang!"pigil ko sa kamay nya.Nilingon nya naman ako ulit.

"Galit ka ba?"malungkot na tanong ko.Pakiramdam ko may ginawa na naman akong masama.

"Mag-uusap tayo mamaya.Sige na pumunta kana sa rooftop."sabi nya lang saka pumasok na ulit sa room nila.

Ano bang nangyayari sa kanya?May nagawa ba ako na ikagagalit na naman nya?

Pag-akyat ko sa rooftop ay sinalubong agad ako ng malamig na simoy ng hangin.

Imbes na mawala non ang lungkot na nararamdaman ko ngayon ay lalo pa nito itong nadagdagan.

Iba na sya sa Blaze na nakilala ko noon.

Hindi nya na siguro ako mahal.

T__T

Ilang minuto palang ang lumilipas pero hindi na ako mapakali.

Bakit parang pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda?

Mayamaya pa ay may narinig na akong yabag at nasisiguro kong si Blaze na nga iyon.

Seryoso syang nakatingin habang papalapit sa akin.Walang ekspresyon na mababasa mula rito.

"Malamig.Wala ka bang jacket?"tanong nya nang tuluyan na syang makalapit sa akin.

"Ayos lang makapal naman 'tong uniform ko."nakangiting sagot ko sa kanya,pilit na hindi ipinahahalata ang pagkakadismaya sa pakikitungo nya sa akin.

Sa kabila nang sinabi ko ay hinubad nya parin ang jacket nya at ipinatong yun sa likod ko na para bang isa akong batang hindi marunong makinig sa sinasabi ng magulang.

"Nangingig na ang mga labi mo,ayos lang?"galit na sabi nya pero may halo nang pag-aalala.

Niyakap ko sya agad.

Para bang ilang taon na kaming hindi nagkikita kaya ganon nalang ang pananabik ko sa kanya.

Miss na miss ko na sya.Yung dating sya.

"Erinah."gulat na sabi nya saka pilit na inaalis ang mga kamay kong naka yakap sa kanya.

"Namimiss na kita Blaze.Bakit kung kailan naging tayo ay parang doon na nag-umpisang lumayo ang loob mo sa akin?"hindi ko na maiwasang maging emosyonal.Agad na nangilid ang mga luha ko at tuluyang bumaksak ng iniangat ko ang paningin ko sa kanya.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon