Chapter 20

2.1K 66 3
                                    

ERINAH'S P.O.V.

"Best Friend may atraso ka ba sa mga 'yon?"

"Bakit ba ang kulit mo!Sabi ngang wala eh."kahit ako nga ay paulit-ulit tinatanong ang sarili ko kung ano ang kasalanan ko bukod doon kay Blonde Girl para gawin nila sakin 'to.

"Hindi mo kasi alam BestFriend kung anong klaseng tao ang mga yon eh...Delikado silang tao!"

Grabe!Ang kulit talaga ni Kyle.Nakakailang tanong na ba sya?Samantalang yung mayabang na katabi nya parang wala lang!Tch!

"Hindi ko nga alam!Basta sabi nila may atraso daw ako sa kanila!Eh ni hindi nga pamilyar yung mga mukha sakin non kaya pano ako magkakaatraso sa kanila?"nakasimangot na sagot ko habang dinadampian ng yelo ang pisngi ko.

Waaaaahh!Ang precious cheeks ko.Humanda lang talaga sila sakin pag nagpasa 'to.

"Tsk..Mag-iingat ka sa mga yon BestFriend.."iling iling na sabi nya.

"Teka nga!Kilala mo ba ang mga yon?Kilala nyo ba?"nagtatakang tanong ko,kasi kung magsalita si Kyle parang kilala nya na ang mga yon,kaya ganon nalang sya magpaulit-ulit magpayo.

"H-Hah??Hehehe....BestFriend pa'no naman namin makikilala ang mga 'yon..."napakamot sya nang batok saka tumingin kay AJ."Ang mga gwapong tulad namin ay hindi makikipagkilala sa mga kamukha ni Kokey,saka galing kaming States BestFriend ano ka ba..."

"Tch!Gwapo ba kayo?"inirapan ko lang sya saka binato sakanya yung ice pack

"Teka paano nga pala ako napunta dito?niligtas nyo ba 'ko sa mga yon?"

"Tss..."rinig kong singhal ni AJ.

Tch!Sarap batukan!Di manlang magsalita -_____-

"Ano pa nga ba BestFriend!Kami ata ang Knight in Shining armor mo hehehe..."

"Tch Armor ka lang wag kang assuming!"

"Sungit mo talaga bestfriend!Pasalamat ka nalang matulungin kami!"

"Tchhh...."tinarayan ko lang sya pati si yabang.

Makaalis na nga!Nababatrip lang ako sa mga pagmumukha nila.

"Uy saan ka pupunta?!"biglang sigaw ni Kyle saka hinawakan ang wrist ko nang akmang aalis ako

"Uuwi na!Bakit tingin mo magtatagal ako dito kasama kayo?"sarcastic na sabi ko sa kanya

"Bestfriend masyado nang gabi mamaya mapaano kananaman sa daan.."

"Ah basta uuwi na 'ko!"

Paglingon ko ay biglang binato sakin ni Yabang yung helmet at maswerteng nasalo ko iyon kung hindi lalanding yun sa paa ko.

-_____-

"Ano ba!"inis na sigaw ko sa kanya.Nakakainis talaga sya kahit kailan.

Tignan mo wala nga talagang manners,Tinalikuran nya lang ako saka lumabas.

Grrrr...

"Tara Bestfriend."saka ako inakbayan ni Kyle at inalalayan palabas.

"Wag mo nga 'ko akbayan!Hindi tayo close."

"Sus magbestfriend na nga tayo eh.."tatawa tawa lang sya habang nakaakbay sakin kaya naman tinapakan ko ang paa nya.

"Arayyyy!Napakasadista mo talaga bestfriend ha!"rinig ko pang sigaw nya.

Feeling Close.Tss!

Paglabas ko nakamotor na si Yabang at halatang inip na inip na sya sa paghihintay.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon