Chapter 18

2.2K 65 2
                                        

ERINAH'S P.O.V.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Blaze ay bumalik na sya sa klase nya at ako naman,gaya nang huli naming pagkikita dito sa rooftop ay nagpaiwan.

Hindi ko parin magawang maipaliwanag ang naramdaman ko kani kanina lang,Kaba dahil sa posibilidad na baka makikipaghiwalay na sya at kilig dahil sa ginawa nyang...paghalik sakin.

Waaahhh!Totoo ba talaga yun?Hinalikan nya ako?

Hindi ko man lang napaghandaan ang bagay na yun.

Eh hindi naman talaga pinaghahandaan yun eh!

-__-

Sabay batok ko sa sarili ko.

Hindi ko parin magawang ialis ang mga ngiti sa labi ko.First time ko maramdaman ang ganitong klaseng saya at hanggang ngayon ay para parin akong nakalutang.

"Tss.."

Napakunot agad ako ng noo nang marinig ko ang pamilyar na pagngisi na yun!Hindi ko pa man nakikita ang mukha nya ay nababadtrip na agad ako.

Panira nang moment!Tch!

"Sobrang saya mo naman."sinabi nya yun na para bang kumakausap lang sya ng walang kwentang bagay.

Inis ko syang nilingon pero nagulat ako nang wala sya sa likod ko.

Ginala ko ang paningin ko at nakita ko syang nandoon sa pinakasulok at prenteng prenteng...nakahiga?

"Hoy!Kanina ka pa ba dyan?"gulat na tanong ko.

Waaaahhh!Baka nakita nya yung.. kiss eehh...

>///<

"Bakit kung kanina pa 'ko?Problema ba 'yon?"sinabi nya yun ng hindi manlang tumitingin sakin.

Ako ba talaga ang kausap nito?o may iba syang kausap na hindi ko nakikita?

O_O

Nanlalaki lang ang mga mata ko habang nakamasid lang sa kanya.

-___-

Sinasabi ko na nga ba!Nakakahawa ang pagiging baliw ni Hillary..

Kailan ba ako naniwala sa mga multo multo na yan?Tch!

"Tinatanong ko kung may problema ba sa'yo kung kanina pa ako nandito."

Sa sobrang kabaliwan ko ay hindi ko na namalayang nakalapit na sakin si AJ at ngayo'y parang tangang sobrang lapit na nakatayo sa harap ko.

"Ano ba!Lumayo ka nga sa'kin!"gulat na sigaw ko saka sya tinulak.

Hindi manlang sya natinag sa pwesto nya -__-

"Bakit ba sa twing malapit ako sa'yo ay pinapalayo mo'ko?Wala naman akong nakakahawang sakit..."seryosong sabi nya habang nakatitig ng deretso sa mga mata ko.

Hala!anong nangyari sa kanya?

"Hindi naman ganon ang ibig kong sabihin."kakaba kaba ko nang sagot.

Paano kasi napakaseryoso nya habang titig na titig parin sa'kin.

"Natatakot ka ba?"nanlaki ang mga mata ko.

"Kanino naman?"

"Sa akin?"patanong na sabi nya saka ngumisi.

"Hoy bakit naman ako matatakot sa'yo ha!"sabi ko habang dinuduro duro pa sya.

"Tss..Natatakot ka."

Napatawa lang ako nang walang tunog.

"Natatakot ka na baka malipat sa 'kin ang nararamdaman mo."

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon