Chapter 23

1.9K 61 8
                                    

ERINAH'S P.O.V.

Pabalik na 'ko sa venue ng makita kong papunta si Yabang sa gawi ko.

Napahinto ako saka sya tinitigan.

Halatang may hinahanap sya at bakas sa mukha nya ang pag-aalala.

May ganyang expression din pala sya?Akala ko kasi puro kayabangan lang ang alam nya.

"Hoy!Sinong hinahanap mo?"tanong ko na halatang ikinagulat nya.

Napahinto sya saka gulat na napatingin sakin.

"Saan ka galing?!!!"napaatras ako sa gulat ng bigla nya 'kong sigawan.

"D-Dyan lang."inosenteng sagot ko saka tinuro pa yung pinanggalingan ko kung saan iniwan kong luhaan si Steven :3

"Dyan lang?Hindi mo ba alam na kanina ka pa namin hinahanap?"galit na sabi nito kaya naman nainis ako bigla.

"Eh bakit galit na galit ka naman yata!"lumapit lang sya sakin saka ako masamang tinitigan.

"Atsaka bakit nyo naman ako hinahanap?Sa tingin nyo ba aalis na lang ako basta basta?"inirapan ko lang sya habang sya naman ay parang tanga lang na nakatayo sa harap ko.

"Dyan ka na nga!"asar na sabi ko sa kanya...

saka sya nilagpasan ng biglang akong matapilok.

O__O

"Aaahh..."muntik na 'kong madapa ng bigla nyang nahapit ang bewang ko kaya naman hindi ako tuluyang nasubsub sa semento.

Napatitig ako sa kanya dahil sa ginawa nya.Saglit akong napanganga...

Paano nya nagawang masalo ako?Samantalang hindi nya naman nakita ang pagkatapilok ko?

Atsaka...anong nangyayari sa puso ko?bakit biglang naging abnormal ang tibok?

"Tss..."rinig kong singhal nya kaya Dali dali agad akong kumalas sa pagkakakapit nya sa bewang ko saka napatayo ng deretso.

"A-ahh...ahh" hindi ako makapagsalita..feeling ko may nakabarang kung ano sa lalamunan ko at hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.

>__<

What the hell is happening to me?

"Tss..Mag-ingat ka naman!Pa'no kung hindi kita nasalo?"mahinahon ngunit may diin na sabi nito.

"W-Wala namang nagsabi sayong saluhin mo 'ko ha!"utal-utal na singhal ko

Aarrgghh!What the heck is happening to me?Bakit hindi ako makatingin sa kanya.

Nakayuko lang ako at naghihintay sa sasabihin nya nang bigla syang yumuko para masilip ang mukha ko.

Gulat akong napaatras ng magtama ang paningin namin sa isa't isa at dahil doon ay naout of balance ako.

And as expected,for the second time naalalayan nya nanaman ako para hindi tuluyang matumba.

>___<

Napayakap ako sa kanya at dahil doon rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso nya!

O_____O

>____<

Naitulak ko sya dahil doon saka walang lingon lingon na naglakad ako pabalik sa venue.

Narinig ko pang tinawag nya 'ko kaya naman nilakihan ko ang mga hakbang ko.

Nakakainis!Ano bang nangyayari sakin!Bakit sobra akong kinabahan saka bakit ganon kabilis yung tibok ng puso ko nung magdikit ang mga balat namin?Bakit para akong nakuryente?

Miss Troublemaker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon