THIRD PERSON'S P.O.V.
"Nagawa na namin ang pinapagawa nyo Boss!Sa ngayon ay sigurado kaming wala nang hininga ang mga nakasakay sa kotse na yun." sabi nang isang tauhan nya kaya hindi nya mapigilang mapangiti.
Sa wakas ay nakaganti narin sya sa taong dahilan nang pagkamay nang mga magulang nya.
"1 down...only 1 to go..." nakangising sabi nya saka sumimsim nang wine sa kanyang wine glass.
Kung iniisip nilang basta nalang syang susuko ay nagkakamali sila...Pursigido syang makapaghiganti at walang makakapigil sa kanyang gawin yun kahit ang mismong asawa nya.Masyado nang binalot nang sama nang loob ang puso nya kaya naman hindi sya uupo at mananahimik nalang.
Hindi lang magulang nya ang nawala sa kanya...Pati ang Ate nya at ang masayang buhay meron sya...at lahat yun ay dahil sa magkakambal na yun...
12 years ago...
Bata palang ay magkakaibigan na sila Erinah,Airinah at Joshin.Walang oras na hindi sila magkakasama at naglalaro bilang mga bata.
"Erinah sayo nalang 'tong ice cream ko!Strawberry 'to favorite mo yun diba??" masayang abot ni Joshin sa kanya nung ice cream.Kasalukuyan silang nasa park ngayon at naglalaro.
"Akin nalang!Ayaw naman yan ni Erinah eh!" kukunin na sana yun ni Erinah nang bigla yung agawin ni Airinah.
Hindi nalang umimik si Erinah at naupo nalang sya sa isang sulok.Gustong gusto nya nang strawberry ice cream na yun pero hinayaan nya nalang si Airinah...ganun naman ito lagi...Laging inaagaw ang dapat na para sa kanya.
"My god!Airinah my daughter!Look at you..." buhat ni Mrs.Chunsean kay Airinah saka nito pinunasan ang madungis nitong mukha...noon palang ay halata na kung sino ang paborito nito...at si Airinah yun,dahil ganun nalang ito ingat na ingat dito.
"Why your Yaya let you eat this??" tanong nito sa batang si Airinah pero patuloy lang ito sa pagdila nang ice cream.
"Joshin give it to me." sabi nya kaya naman masamang tinignan ni Mrs.Chunsean si Joshin.
"Naku Ma'am pasensya na po,kumuha pa po kasi ako nang towel sa kotse." humahangos na sabi nang Yaya nila Erinah na si Yaya Josie...Nanay ito ni Joshin.
Tulad nang palaging nangyayari ay nakatikim na naman ito nang sermon mula kay Mrs.Chunsean...Sa kadahilanang pinabayaan daw nyang mamantsahan ang damit ni Airinah.
Nakatingin lang ang batang si Joshin pero sa loob loob nito ay ayaw nyang sinisigawan ang Mama nya.
Nakayukom ang mga kamay at masama ang tingin ni Joshin na pumagitna sa kanyang Mama at kay Mrs.Chunsean.
"Wag nyo po sinisigawan ang Mama ko!Wala syang kasalanan!" sabi ni Joshin kaya agad nang hingi nang tawad ang kanyang nanay kay Mrs.Chunsean.
"Naku pagpasensyahan nyo na po ang anak ko Ma'am...Hindi nya po sinasadya." paulit ulit na hingi nang tawad nito.
"Bakit kayo nagsosorry Mama??Si Airinah po ang may kasalanan!Hindi ko naman yan sa kanya binigay kay Erinah naman dapat eh!" masamang ibinaling ni Mrs.Chunsea ang tingin nya kay Erinah na tahimik lang na nakaupo sa isang sulok.
BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker [COMPLETED]
Teen Fiction"I don't do anything in order to cause trouble. It just so happens that what I do naturally causes trouble." - Erinah Lorraine Chunsean
![Miss Troublemaker [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/26765570-64-k975224.jpg)