AIRINAH'S P.O.V.
Nang malaman kong may masamang nangyari kay Erinah ay agad akong umuwi nang bahay para tanungin si Kuya kung ano ba talagang nangyari,kung bakit sya naospital.
Pero pagdating ko ay wala na si Kuya doon...nasa ospital na daw kaya naman pumunta ako doon agad kahit na hirap akong makalakad.
Sana okay lang si Erinah,sana hindi ganun kalala ang sinapit nya.
Nahulog daw sya sa hagdan kaya naman nag-aalala ako nang husto...tinulak daw sya nang mga babae at gusto kong malaman kung sino sino ang mga yun...at kung bakit nila ginawa yun sa kapatid ko.
Nang makarating ako ay agad kong tinanong kung nasaan ang kwarto nya.
"K-Kuya Eric..."pasok ko sa kwarto.Sinigurado ko munang walang ibang tao na nandoon bago ako pumasok.
Nakaupo si Kuya Eric sa tabi ni Erinah habang hawak ang kamay nito.
Nakabenda ang ulo ni Erinah at may mga aparato sa gilid nya.
Ngayon lang ako nakalapit ng husto nang ganito sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti sa saya...
Parang nakatingin ako ngayon sa sarili ko...magkamukhang magkamukha nga talaga kami lalo na sa malapitan.
"A-Airinah??Anong ginagawa mo dito??"gulat na tanong ni Kuya saka ako hinatak palabas ng kwarto ni Erinah.
"Nalaman kong may masamang nangyari kay Erinah...kamusta na sya Kuya??"hindi ko alam kong bakit kailangan pa akong hatakin ni Kuya palabas ng kwarto ni Erinah eh samantalang tulog naman ito...hindi nya naman ako makikita.
"Ayos lang sya...Hindi naman ganun kalala ang nangyari sa kanya...hindi ka na dapat pumunta dito...pano kung nakita ka nya??Kung may nakakita sayo??"
Hindi ko alam pero sa tono ng pananalita ni Kuya ay parang hindi nya gusto na nandito ako ngayon...
Bakit kasi hindi ako pwedeng makita ni Erinah??Na hindi ako pwedeng makita nang mga taong nakakakilala sa kanya??
Oo...pareho kami nang mukha pero hindi naman ibig sabihin nun pareho narin kami sa lahat!
Bakit ba ayaw parin nila ipaalam kay Erinah ang tungkol sakin??Dahil sa tingin nila ay hindi nya matatanggap ang katotohanan na yun??
Eh pano naman ako??Hindi rin ba nila naisip ang nararamdaman ko??Sa tingin ba nila masaya ako na hanggang malayo ko lang nakikita ang kapatid ko??
Kailan pa ba sasabihin ni Kuya kay Erinah ang tungkol sakin??
"Ano naman kung may ibang makakita sakin??Hindi naman ako invisible...Gusto ko lang naman makita kung ayos lang ang kapatid ko,Masama ba yun Kuya??"tanong ko sa kanya at medyo nataasan ko ang boses ko kaya naman nagulat sya.
"A-Airinah..."tawag nya pa sakin pero tumalikod na ako.
"Kailangan nya na malaman ang lahat Kuya...kung hindi mo kaya,hayaan mong ako na ang gumawa...magpapakilala na ako sa kapatid ko paglabas nya nang ospital."sabi ko at hindi na hinintay ang opinyon nya.
Ayokong maging anino ni Erinah habang buhay...Kung hindi nya kayang sabihin kay Erinah ang tungkol sakin??Mabuti pang ako nalang mismo ang humarap sa kanya...
Alam kong magugulat sya oras na makita nya na ako at makilala pero natural lang yun...ganun din naman ang naramdaman ko nung nakita ko sya...
Kung pipigilan parin ako ni Kuya...hindi ko alam kung para saan pa at hinanap nila ako kung ang sarili ko namang kakambal ay walang alam tungkol sakin.

BINABASA MO ANG
Miss Troublemaker [COMPLETED]
Teen Fiction"I don't do anything in order to cause trouble. It just so happens that what I do naturally causes trouble." - Erinah Lorraine Chunsean