Chapter 23

172 9 18
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo




"Utang na loob Yandrei tigilan mo ako." Anas ko ng makapasok sa cafeteria. Natanaw ko naman kung saan nakaupo sina Sen at Nash.

"Dali na, ilakad mo naman ako sa kaniya oh."

"May paa ka." Mahina itong napamura. Nauna akong maglakad dahil gutom na talaga ako. Lunch time na eh.

"Malapit na tayong grumaduate, gusto mo bang ikasal ako sa taong hindi ko gusto?" I tapped their shoulders nang makaupo.

"Ain't my problem. In short, amp!" Itinuro naman nila ang mga na-order na pagkain. Abala silang dalawa sa kaka-scroll sa phone habang hindi pa rin ako tinitigilan ni Drei at napili pa talagang tumabi sa'kin.

Jusko, kumakalam na ang sikmura ko, baka makasapak ako ng tao.

"Kaibigan ba talaga ang turing mo sa'kin? Hindi mo ba ako mahal? Wala talaga?" I grab the hamburger and took a bite. Ngumuya muna ako, todo kapit naman ito sa braso ko.

"Tigilan mo ako Galliego, mukha kang ingrown." Hindi ko naman inasahan na magdadabog ito at magta-tantrums na parang bata.

"Kapag ako talaga kinasal at hindi kay doktora, sisisihin kita buong buhay ko. Kahit magkaanak na ko't magka-apo, ikukwento ko sa bawat henerasyon kung paano mo ako tratuhin, kung paano mo ipagkalulo ang sarili mong kaibigan. Hinding hindi kita makakalimutan hanggang sa hukay ko! Kahit mamatay na ako mumultuhin kita. Hindi kita patatahimikin! Tandaan mo iya—" Sinalpakan ko ng hotdog ang bibig nito. Nanggi-guilt trip ang siraulo kumakain ako.

Wala itong nagawa kundi sumimangot ngunit nilalasap naman ang hotdog na nasa bibig. Favorite niya yan, hindi naman obvious.

"Sama ka? Tara bar tayo mamaya." Tanong ni Nash. Tumango lang ako.

"Sige kelan ba?" Tanong rin ni Sen.

"Ewan ko sayo, 'wag ka nang sumama, hangal ka." Hindi kasi nakikinig eh.

Wala si Clove, Ely at Khian today. Hindi namin kasama at mas lalong hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit. Baka may priorities sa buhay kaya ganun. Basta kung hahanapin nila kami, nandito lang kami sa cafeteria, nagbre-break time kahit gipit pa rin ako.

"Ano bang mas importante? Yung pera o yung destinasyon?" Si Sen habang hinahalukay ang pagkain niya.

"Parent's permission." Sagot naman ni Nash bago ako sulyapan.

"Ta mo hindi na naman relate yung isa diyan." Takte talaga, gusto ko lang namang kumain.

"Hey guys, do you mind if we join you?" May tatlong lalaki ang lumapit sa amin. Kunot-noo ko lang silang tinapunan ng tingin habang ang dalawang malalandi na gahol sa lalaki ay kinikilig na parang bulate.

"Oh I'm sorry. I haven't introduced myself." Paunang sabi nung lalaking may hawak na gitara. He smiled at me which is ginantihan ko rin ng maliit na ngiti.

"My name is Tristan and these two beside me is Kurt and Yuan. Do you know that you guys are so famous here? Maybe hindi niyo lang napapansin but anyways, we're so glad to finally meet you." Pagpapakilala nito. Narindi naman ang tenga ko dahil kay propetang Isaiah.

"Omg! Naaalala ko na. Kayo yung mga varsity player na panlaban ng school sa basketball, am I right?" Pabebeng wika niya. I look at her with disgust. Talaga lang ha?

Nginitian siya nung Kurt ata yun. Nag-blush ang bruha.

Oa, oa. Sobrang oa, napaka-oa.

"Yeah kami nga. I'm happy na kahit papaano ay may nakakakilala sa amin specially you, uhmm...Miss?" Inabot ng nagpakilalang Tristan ang isang kahon ng chocolates.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon