Fuchsia Rainell Quivedo
"Gumising ka na at may maiambag ka naman sa mundong puta ka!" Ang walang hiyang si Elysian na akala mo nakalunok ng megaphone ang unang bumungad sa araw ko.
Hindi na masama para sa alarm clock kong minsan ay nakakalimutan kong i-on kahit naka-set naman na.
"Bunganga mo talaga Ely. Parang nakapagpalamon ka na ng isang barangay kung makapagsabi ka ng wala akong ambag sa lipunan." Baka isampal ko sa kanya yung 50 pesos na inutang niya sa'kin last year para bumili ng isang pack na jelly ace na hanggang ngayon ay hindi niya pa naibabalik.
Akala mo ah.
Ang gaga, ang laki na pero parang batang hindi napagbigyan kapag hindi nakakakain ng jelly-ace. Adik. Kaya no choice ako kung hindi ang magbigay ng pera sa kanya para sa ikapapayapa ng mundo ko.
Akala ba niya nakalimutan ko na 'yun. Ha! madami kaya akong alas.
Kaya kapag pumili kayo ng taong gagawan ng atraso, pwede bang 'wag ako. I have this motto in life na 'I forgive but never forgets'. Kahit anak ka pa ng kung sinong sperm sa mundo, kung may ginawa ka sa'kin, naku talaga.
Lintik lang ang walang ganti.
Pwede namang nag-sorry ka sa'kin tapos pinatawad kita or pwede rin namang nag-sorry ka sa'kin tapos napatawad kita, tapos may hawak na pala akong karayom at manika sa likod ko.
Kidding aside, Elysian is a hella smart girl naman. Sa aming magkakaibigan, siya yung bookworm type of student na hindi mo aakalain specially kung kalokohan ang pag-uusapan. She's a clever girl and a top-notcher as always in their class that's why mataas talaga ang expectations ng daddy nya mula sa kanya since siya yung unica hija sa pamilya.
Baka nga nasa sinapupunan pa lang 'yan ng nanay n'ya kabisado na niya yung periodic table of elements.
Mabuti na rin na nandito siya kahit pa ang sarap niyang ibalibag dahil may patalon-talon pa ang loka sa higaan tapos nauntog pa 'ko sa headboard ng kama dahil sa kagagawan niya. Result?
'Eto maganda pa din.
"Bumangon ka na nga diyan Quivedo, ang pangit mo talagang kausap. Akala ko ba sasabay ka?" Parang kailangan ko yatang iilag yung kagandahan ko, baka matamaan ng germs. Wala pa namang lunas sa rabies.
And yes, sinabi ko talaga 'yun sa kanya kagabi dahil tamad akong mag-drive lalo na sa umaga. Nakakaantok kaya.
"Late na tayo oh. Iiwan ka talaga namin, bahala kang mag-drive sa sarili mo." Ungot na naman niya.
"Wait...'namin'? "
"Oo, gaga ka nandiyan din si Clove sa baba nanonood na naman yata ng bold." Sumbong pa niya. Ewan ko ba, wala namang nagbago. Sa tagal tagal na naming magkakaibigan, hindi na yata uso yung salitang hiya o kahit pa privacy.
Lantaran ba naman magsalita ng kung ano-ano eh. Ayan tuloy, naba-bad influence ako. Ang bait ko kaya.
Kapag talaga nagse-set ako ng alarm sa gabi para pumasok kinabukasan, kung hindi a.m ang mapipindot ko ay p.m naman kaya minsan ay hinahayaan ko na lang ang mga kaibigan ko na bumulabog at gumising sa akin dahil sa katangahang naipapamalas ng aking braincells.
At least maganda.
Ang kumontra, hindi papasa sa exam.
Tumayo na ako at hindi na siya nilingon pa. Alam ko kase na siya ang magliligpit ng kama kahit hindi ko inuutos sa kanya. She's neat when it comes to her surroundings kaya hindi na nakapagtataka na malingat ka lang, kasing kintab na ng ulo ni Mr. Clean ang bahay mo.
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...