Fuchsia Rainell Quivedo
"Review tayo guys."
I heard them talking as I entered the room. Ang aga ng mga kumag ngayon dahil may pre-test kami mamaya sa mga professor namin at naghahanda na sila kasi what if may recitation tapos wala silang masagot? Kung hindi ko pa pinaalalahanan kagabi ewan ko na lang.
Kasabay ko rin sila Elysian at Clove bago dumiresto sa kaniya-kaniyang room dahil dala ko ang kotse ko kaya ipinagdrive nila ako. Astig ko ba? Sasakyan ko pero sila ang driver.
Panis.
"What is the color of the sky." Tanong ni Khian. Siya na ang nagpresinta dahil sigurado akong nakareview na siya.
"Black?" Ani Yesenia.
"White?" Sabi ni Nash.
"Blue?" Kamot-ulong sagot ni Yandrei.
"Yellow?" Nakisali na rin ang iba. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin dahil sa ilang beses na pag-iling ni Khian hudyat na mali ang bawat sagot nila. Inayos ko muna ang bag tsaka napagpasyahang umupo.
"Alam ko na! Purple yan!"
"Ano daw?" Hindi ko kasi masyadong narinig yung sinabi ni Lea. Nasa unahan siya, kami nakaupo sa medyo likuran.
"Purpol daw, bingi mo naman Pres." Lah sorry ah.
Saad ng lalaki kong kaklase. Napatango na lang ako.
"Correct." Ay weh? Totoo?
"Purple is the real color of the sky but it cannot be totally seen due to the sunlight that passes through the Earth's surface which affects the way we see it." Paliwanag nito sa amin.
"Ang galing, hindi ko alam yan e."
Namangha ang lahat maging ako. Akala ko talaga blue iyon. All this time ang tanga ko pala.
"Teka nga, ba't yan yung pinag-aaralan niyo? Master niyo na ba yung pre-calculus mga teh? Yung gen-math niyo gets niyo ba? Math ang priority natin dito mga teh, ano na?"
"Pake ba namin sayo Lea Binene. Ito gusto namin eh. Kaniya-kaniyang trip ito." Napabusangot si Lea sa pambabara ni Nash.
May point din naman ang treasurer niyo. Bakit ba kasi iyan ang inaaral nila? Basta kami ni Khian nakapagreview na. Sila na lang ni Nash at kambal ang hindi pa yata. Matalino rin naman sila kaya bahala na kung anong mangyayari mamaya.
After a while dumating na rin si Prof. Henderson, first subject namin siya tapos adviser pa. Hala ka late!
Joke lang, maaga lang kami ng onti.
The lecture hall was still, as the students waited for their professor to arrive. The air was thick with anticipation, and even the slightest movement seemed to send a chill down their spines. Their senses were fully engaged, and they could feel their hearts pounding in their chests. They looked nervous.
Same as mine.
Finally, the door at the front of the room opened, and she walked in. Time seemed to freeze as the students laid eyes on her. My knees began to tremble as I realized who was standing in front of us.
Is she really a human?
Maririnig mo ang mga bulungan ng ilan tungkol sa pagkamangha sa babaeng nasa unahan. Kahit sila Yesenia ay hindi maiwasang magbigay ng compliment sa kaniya.
"Ganda ng type mo Ulan. Kung si Ma'am ang magpapabaliko sa'kin, aayaw pa ba ako?" Hindi iyon nakatakas sa aking pandinig. Pinaningkitan ko siya ng mata kaya napatawa siya.
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...
