Fuchsia Rainell Quivedo
We're currently standing in the middle of nowhere near this shady tall tree because I'm not yet familiar to in's and out's of the university.
Ang dalawa namang kasama ko ay kanina pa nagrereklamo dahil bakit hindi ko raw alam kung saan yung mga pasikot-sikot dito papunta sa designated rooms namin.
Mga timang, eh kita na ngang halos ngayon lang kami nakatapak dito.
Kung hindi ba naman mga loka.
I'm taking Accountancy, while Elysian is Information Technology. Clove on the other hand has her interests in Political Science.
Madaya.
Sabi nila nung papasok pa lang kami nung senior high, ABM strand din daw yung kukunin nila. Tapos nung nagpasukan, nag-ICT and HUMSS ang mga gaga.
Now playing: Traitor by Olivia Rodrigo.
"Ulan, 'di ba may binigay na sa'yong map yung secretary ng dad mo in case hindi mo pa kabisado rito?" Clove asked while busying herself looking around.
Hala, tanga.
Oo nga, ano? Bakit ngayon ko lang naisip?
"Bobo talaga. Buti pinaalala mo, edi sana kanina pa tayo naglalakad sa mga room natin ngayon."
Pasensya na, ganda lang.
"Gago kaba? Kasalanan ko bang pinaiiral mo na naman 'yang katangahan mo? Itsura nito." Edi tanga na.
Atleast kaya kong tumawid mag-isa. HAHAHAHAHAHAHA. Akala niya ha.
Independent woman kaya ito. I'm so proud of myself talaga.
Tiningnan ko naman si Elysian dahil nakapagtataka. Walang maingay ah. Ano kayang pinagkakaabalahan ng isa?
Walang hiya.
Saan na naman niya nakuha 'yang isang pack ng jelly-ace? Kanina pa pala kumakain 'yan kaya pala tahimik ang bruha.
"Gusto mo?" She stretched her arm and looked at me, sabay alok ng jelly-ace na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
"Hindi na. As if namang ibibigay mo sa'kin 'yan eh halata namang kulang pa sa'yo." Pagtanggi ko naman.
Basta talaga hawak niya yung favorite niya, kahit magulo sa paligid, tatawa pa 'yan nang mag-isa dahil nakuha niya ang gusto.
Adik.
"Tara na nga. Baka ma-late pa tayo nito." Dala ang mapa ay tiningnan ko naman ang oras sa suot na relo. Nagpapasalamat talaga ako na kahit papaano ay maaga kami ng 2 hrs sa oras ng schedule namin.
8:20 am ang start ng klase pero 6 am kami dumating. Mabuti na rin kahit perwisyo ang pag-gising nila sa akin nang sobrang aga.
Alam naman na namin yung room and section na pupuntahan since maagang ibinigay ng secretary ng mga magulang namin ito. Kadalasan kasing sila ang umaasikaso sa mga kakailanganin namin dahil mga subsob ang mga magulang namin sa trabaho.
Magkakaibigan nga talaga sila.
Pati mga anak hindi na masyadong nabibigyan ng oras.
Pero unlike me, close ang dalawa sa mga magulang nila kaya naman kapag may espesyal na okasyon ay talagang sinusulit nila yung araw na magkakasama ang pamilya.
Bakit ko alam?
Syempre tambay ako sa bahay nila e.
Para libre din foods.
Mindset ba, mindset.
At last, narating ko rin yung room ko na nasa 5th floor pa pala ng building nito. Kung hindi pa kami nagtanong- tanong ay hindi ko ito matutuntun.
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...
