Fuchsia Rainell Quivedo
Nakatunganga ako sa ilalim ng punong ito habang pinagmamasdan ang taong bukod-tangi sa paningin ko na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
Hindi nila ako mahahalata dito kahit kanina ko pa gustong magpapansin pero umiiral ang sama ng loob ko.
Inis kong sinipa ang mga damo kahit nakaupo ako dito at pinapatay sila ng tingin mula sa malayo.
"Sakit sa mata." Napairap na lang ako ng dumukwang ang malanding adviser nila Clove sa kaniya.
Yung panget na shokoy na kanina pa nagpapacute sa kaniya. Hindi na nga siya pinapansin pero masyadong epal. Nakiki-belong sa circle nila Ma'am.
Wala kang kaibigan?
Kawawa ka naman.
Mukhang magiging karibal ko pa ito ah, sino ba itong kakaibang nilalang na iyan? Pasalamat siya hindi ko siya pupuntiryahin dahil hindi siya pinapansin ni Ma'am na snob person at tanging kila ate Nelca lang nakikipag-usap kapag tinatanong siya paminsan-minsan.
Tama iyan huwag na huwag kang lilingon sa iba. Hindi ka giraffe, may asawa't anak kana lalandi ka pa?
Bawal yun.
"Bakit malungkot ang beshy ko?"
Natigilan ako saglit dahil dun.
Muli ko na namang narinig ang boses ng taong matagal ko nang hindi nakikita. Ang taong sobrang sabik ko nang makasama at kakampi ko sa mundong ito. Siya lang ang pinakamalapit na taong tumanggap sa akin ng husto at ang makasama at makita siyang muli ang nais kong gawin ngayon.
May bahid ng pang-aasar ang boses na iyon at siguradong ganun din ang mukha niya. Kahit pa ganon ay hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong sa iisang tao lang nanggagaling ang malalim ngunit komportableng tinig na ito.
Dahan-dahan, hindi nagmamadali at nanginginig ko siyang nilingon mula sa likuran ko. Doon na nagsimulang magsiagos ang luhang pinipigilan ko ng makumpirmang siya nga.
Nakauwi na siya.
Sa wakas.
"Kuya naman eh!" Mabilis kong tinakbo ang pwesto niya at dinamba siya ng yakap.
Yakap na mahigpit at may bahid ng pangungulila.
"Why? What's your problem ba?" Natatawa niyang tanong ngunit mahigpit paring nakayakap sa akin at hinihimas ang likod ko upang patahanin.
Namiss ko siya, sobra.
"I miss you too, baby. Kahit hindi mo sabihin, alam kong miss mo rin ako." Sinapak ko ang braso nito dahil nang-aasar pa.
Napaka-ano kahit kelan.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Nakakainis ka naman!" Kumalas na ako sa yakap at humalukipkip sa kaniya.
Kamot-ulo itong ngumiti bagay na mas ikinagwapo ng kuya ko. Syempre hindi ko iyon sasabihin sa kaniya, baka lumaki lang ang ulo kahit napakasiraulo niya noon pa.
"Kasi nga... surprise?" Hindi ko alam kung ngiti pa ba iyan o ngiwi.
Pinunasan ko ang mga luha ko. Baka lalo pa siyang mang-asar at tawanan ako dahil napakaiyakin ng kapatid niya.
Sayang make-up.
"Anong ginagawa mo dito kuya? Pano mo nalamang nandito ako?"
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-black long sleeve ito na itinupi sa braso at nakatanggal ang dalawang butones mula sa leeg. Masyado ring matangkad ang kuya ko pero kahit ganoon ay sakto sa kaniya ang black pants na hindi mo kakikitaan ng gusot.
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...