Chapter 25

638 16 27
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo





"Mommy, mommy aalis ka na po ba? Iiwan mo na po ako? Mommy saan ka pupunta?" Pilit kong hinahablot ang laylayan ng damit ni Mi kasabay ng pagpipigil ko sa mga nagbabadyang luha sa aking mata.

Tila wala itong narinig at pabalik-balik ng lakad mula sa kaniyang closet at maleta. Nandito kami sa loob ng kwarto nila ni Daddy, umiiyak siya ngunit wala akong tunog na naririnig. Maski ang kausapin ako ay ayaw niya.

Pinipilit ko namang pakalmahin ang sarili dahil baka mali lang ako. "Mommy, aalis ba tayo nila Daddy? Mag-iimpake rin po ba ako?" Halos kinakausap ko lang ang hangin.

Nahagip ko si Dad sa gilid ng pintuan, nakatayo at nakasilip lang sa sulok patungo sa direksyon namin. May isang tingin lang ang iginawad niya, walang ekspresyon at hindi na ninais pumasok pa.

Akmang isasara na ni Mi ang maleta niya ngunit ipinasok ko ang maliliit kong mga kamay upang pigilan siya. Napadaing ako sa sakit ngunit hindi ako umiyak. Nagulat naman si Mommy at agad kinuha ang mga kamay ko.

"Oh my god, Rain!" Inilapit niya ito sa kaniyang mukha.

"What did you do? Ayos ka lang? Saan masakit?" Sunod-sunod na tanong ni Mi habang binubusisi niya ito.

Pinagmamasdan ko lamang siya habang napapakagat-labi. Her eyes is wet from crying pero bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Mommy, saan ka pupunta?" I asked for how many times again.

Nahinto siya sa ginagawa, ang lungkot rin ng mga mata ng Mommy ko. Hinawi niya ang buhok ko at marahang ngumiti. Kahit ganon, alam kong may kulang sa mga ngiting iyon.

"I'm not going anywhere, anak." She kissed my forehead. "Hindi ako aalis."

Lie.

"I'm always here. Remember that." Turo niya sa dibdib ko.

"Pero bakit ka po magdadala ng mga gamit? Malulungkot po si Daddy, malulungkot po ako, kaming dalawa. Kulang na po sa bahay. Ayoko pong kalaro sila yaya eh, ikaw po gusto ko Mommy. Ikaw lang." Umiling-iling ako ng paulit-ulit kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Hinigpitan ko ang kapit sa mga damit niya.

Hindi aalis ang Mommy ko. Hindi ako papayag, ayaw ko. Kung aalis siya, sasama na lang ako. Ayoko rin namang maiwan kasama si Daddy. Pinapatahan niya ako ngunit mas lalo lamang akong umiyak.

Noong sanggol tayo, kapag humahagulgol tayo ng malakas, binibigay nila ang kailangan natin. Gatas, kumot, towel, diaper, laruan, yakap. Nakukuha natin agad-agad.

Noong maliit pa ako, iniiyakan ko ang mga bagay na gusto ko. Pagkain, laruan, atensyon, kahit ano pa iyan. Wala kasi silang magagawa. Lumaki ako sa pribelehiyo. Spoiled kung tawagin. Ako lang kasi mag-isa, at ang tanging paraan upang makuha ko ang gusto ko ay umiyak.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon