Fuchsia Rainell Quivedo
"Hoy! Alam niyo ba? May nakita kasi akong babae sa labas ng mall nung nakaraan." Si Clove. Nasa lilim kaming lahat ng puno dito dahil maaga pa naman at hindi pa nagsisimula ang klase ng dumiretso na agad kami rito after makitambay nila Ely, Clove at ng kambal sa bahay ko kahapon.
"Oh tapos?" Tanong ni Nash. Nandito rin si Khian, so bale pito kaming nakatambay lang ngayon dito sa field.
"Nagkakalat kasi siya kaya lumapit ako tapos sinabi kong ilagay yung mga basura niya sa trash can." Paliwanag ni Clove.
Concerned citizen naman pala.
"Wow, makakalikasan ang ferson." Papuri ni Yandrei habang may hawak na burger at milktea sa magkabilang kamay. Kumakain na naman.
"Oo, haha! Mukha pa naman siyang mayaman kaso kinulang sa utak tapos alam niyo ba yung sabi sa'kin?"
"Ano ba?" Tanong ko.
"Ganto oh." She cleared her throat at ginaya ang expression ng babaeng nakita daw niya.
"I don't care. Mind your own business, girl!" Clove said with a duh-tone after mimicking the girl that she encountered.
"Eh tanga-tanga pala siya. Wala nga akong negosyo e, bobo." Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya. Nakipag-apir pa kay Nash. Payag ka nun ate gurl? Sinabihan kang bobo ng kaibigan ko.
"Ayun hinayaan ko na lang. May guard naman sa tabi kaya bahala siya diyan." Dagdag pa niya at hinablot ang chips na nginunguya ni Sen. Pag-kwento, kwento lang dapat. Walang hablutan ng pagkain. HAHAHAHAHAHA.
"Ako din may kwento." Saad ni Ely.
"Sige, ano?" Nilingon namin siya ngayon.
"Kilala niyo yung anak nung babaeng masungit? Yung lagi tayong pinapaalis sa puno ng manggahan nila nung bata pa tayo?" Tanong nito sa amin. Ang kambal naman ay napaisip ng malalim at inaalala kung sino ang mga taong iyon.
"Ah, si Mrs. Ford? Yung anak ba niya na si Mira?" Natandaan ko na. Iyon yung mga panahon na tumatambay kami sa puno nila in our childhood days.
"Oo, yun nga."
"Bakit daw?" Usisa ni Khian.
"Diba laging bida-bida yun kesyo andaming achievements daw ng anak niya sa school kaya lagi tayong sinasabihang walang mararating sa buhay?" Oo. Laging bumuboses iyon samin na wala nga kaming maaabot sa buhay. Buti abot ko yung kisame ng bahay namin, ewan ko lang sa iba kung may naabot na sila.
"Tama! Natatandaan ko iyon. Grabe manglait e matatalino rin naman tayo." Ani Drei na kinulang naman sa aruga. Matalino daw? Hindi ko alam.
"Yun nga e. Sabi nung anak niya na si Mira, study first daw. Pero nagpa-ultrasound? Nu yan?" Paliwanag ni Ely.
"HAHAHAAHAGAGHAHAHA. Blessing."
"Highly recommended talaga ang teenage-pregnancy ayon sa mga experts. BWAHAAHAHWHAHAHA."
"Batang-ina siya."
Nagsitawanan kaming lahat sa samut-saring komento nila sa anak ni Mrs. Ford na inaaway kami noon tapos hindi kami sinasali sa luto-lutuan. Ayan tuloy, siya ngayon ang kinain. Naging mother of the year pa.
Hala pasmado. 'Wag.
"Yung kakilala ko nga study first rin daw e, pero handang magpabuntis sa 99+ and others na koreano. Actors and Kpop daw shutangina. HAHAHAHAAHAHAHHA." Si Nash na napapahagalpak na sa tawa ang nagsalita. Haluh marami rin akong kakilalang ganyan. Name drop ko ba?
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...
