Chapter 19

11.4K 223 201
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo



[Warning: Striktong patnubay para sa mga batang mambabasa. Ang mga mangyayari ay pawang imahinasyon lamang ng author niyong sabog. Kung gusto mong magpatuloy kahit sinabihan kana, just say ror.]







"What are you doing here?" Kinabig ko ng mahina si Elysian dahil ang pangit niyang magtanong.

"I'm here because Riah is here and you are here." Natawa lang ng mahina si Miss Carlssen bago niya ilipat ang tingin sa akin.

"Ok lang naman right, Miss Quivedo?" Omcm.

"Yes po, welcome po kayong lahat." Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagtataray ng dakilang Elysian.

Problema niyan?

Btw, nandito na pala kami sa resort kung saan gaganapin ang birthday ng kapatid ko. Pagkapunta kasi ni Mommy sa office ni Prof kanina ay niyaya niya akong sumabay sa kaniya kaya siya napadpad sa university. Sabi ko hintayin niya ako dahil magpapaalam ako sa mga kaibigan ko kaso lang, nung nasa parking lot na ako at hinahanap na yung kotse ng nanay ko, si Ma'am kinidnap ako.

De, ano lang, binalaan lang niya ako. Pag hindi daw ako sumabay sa kaniya, she'll wring my neck daw.

Si tanga na-excite.

Pumayag na lang ako, tapos ayun hahahahaha mag-isa yung nanay ko papunta dito.

Pagkadating nga namin ay saktong may dumating rin na iilang kotse at mukhang kumpleto ang mga kaibigan ni Ma'am ngayon dito, akalain mo yun? Nandito rin sila Miss Vallerio, Miss Davis, Miss Riley, ang pinsan kong si Ate Nelca, at itong si Miss Carlssen na kaaway ng babaitang si Ely.

In all fairness, ang gaganda ng itsura nila.

Pinauna ko na silang pumasok pero hindi nagpatinag ang mga mokong, sabay daw sila sa'kin at si Ma'am din, heto siya sa gilid ko, busy sa phone niya at paminsan-minsan ay sa mga kuko niya. Bored 'to sigurado.

"Ate!" Nakatawag ng pansin ang matinis na boses ng nakababata kong kapatid. Tumakbo ito papalapit sa akin mula sa entrance ng hotel at agad niyakap ang mga binti ko.

"Happy birthday cutie Fortune!" I hugged her also, binigay ko na rin yung dalawang gift na binili ko for her at tuwang tuwa siya. She's just 8 years old pero maganda din siya tulad ko.

"Thank you ate Rain! Muah!" She kissed my cheeks. Natawa naman ako.

Gusto ko rin sanang makatanggap ng regalo sa ate ko kaso naalala ko ako pala yung panganay, pusang inames.

"Ateee Reynn kooo!" Tumatakbong banggit sa akin ng bunso namin. Medyo maliliit palang ang hakbang nito dahil 3 years old pa lang siya pero napangiti pa rin ako dahil patuloy lang siya sa pagtakbo papunta sa'kin.

"Yeyyy! Forrest, my babyy!" Nabura ang mga ngiti ko ng mabilis na dinekwat ni Yesenia ang bata at kinarga, pisteng yawa.

"Ang cute ng bata potangina, sarap lamutakin." Binura ko ang bunganga nito dahil hindi matigil sa pagmumura, kita na ngang may mga bata eh.

"Ako yung kapatid mo, bakit kapatid ng iba yung kinakarga mo?" Ungot naman ni Yandrei.

"Ah magpapakarga ka? Tara dali, oh." Hamon sa kaniya ng kakambal. Napanguso na lang ito na siyang ikinatawa ni Clove.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon