Chapter 11

11.6K 252 93
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo







Napabalikwas ako ng higa ng ilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Doon ko lang napagtanto na wala nga pala ako sa bahay ko.

Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya naisipan kong lumabas ng penthouse sakay ng motorbike at bumisita sa bahay ng pinsan ko upang mambulabog kahit ala-una na ng madaling araw. Siya naman ay pupungas-pungas na pinagbuksan ako ng pintuan pero bago ang lahat ay nasermonan muna niya ako tsaka pinatuloy sa loob.

Kung hindi lang daw siya inaantok na at kung hindi ko lang din daw siya kadugo ay hinayaan niya na lang sana ako sa labas. Lakas manumbat parang hindi pinsan ah.

Bumaba ako ng hagdan at nadatnan ko pa ang pinsan kong maldita na nakaupo sa couch habang naka-on ang tv sa crime documentary show na lagi niyang sinusubaybayan kaso lang nakatutok naman ang mga mata nito sa kaharap niyang laptop at mga paper works na tambak sa table nitong living room.

Parang ginawa na niyang opisina itong bahay niya.

"Oh, goodmorning ate Nelca! Maganda bang bumangon kahit hindi umiinom ng nesc—" Napahinto naman ako sa pagsasalita ng aakmang babatuhin ako nito ng heels niya.

Gagi wag, masakit yan.

"Eat your breakfast and shut up. My co-professors will be here later so move your ass and clean up your mess after."  Napasaludo naman ako sa sinabi nito. May dadating pala mamaya, dapat maganda ako.

Charot. Aalis nga pala kami ng mga hangal kong kaibigan mamaya.

Nagtungo na ako sa kusina upang kumain pero syempre babalik ako sa living room para samahan si ate. Kawawa naman at mag-isa lang, manggugulo lang ako ng araw niya.

"Ate may tanong ako." Panimula ko. Bitbit ko ang platong may laman na fried rice and usual na morning dishes tulad ng eggs, hotdog, at bacon. Hindi mawawala yung hot choco drink kasi malamang nga ayoko ng kape diba?

Magaling din magluto ang isang ito kahit suplada iyan.

Heavy eater din ako pero mabilis magutom kaya kailangan ko ng mapapangasawa na halimaw sa kusina. Sana ganun din si ano.

Naupo ako sa gilid ng sofa at ipinatong sa lamesa ang mga dala. Lumingon naman ito sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.

"Curious talaga ako dito e." Dagdag ko pa. Tinusok ko muna ang hotdog na nasa plato tsaka nginuya ito bago magsalita muli kahit na naiinip na siya sa kung anong itatanong ko.

"Antagal ko nang pinag-iisipan 'to kaso hindi ko lang alam kung pano itatanong." I even held my chin at tila may malalim na iniisip. She was just sitting there, fidgeting the pen on her right hand while eyeing me.

"For sure kasi mahirap sagutin ang bagay na 'to kaya—"

"Can you just tell me what it is? Andami pang sinasabi, God!" Maarteng wika niya.

"Kapag ba nahulog yung bisita may dadating na kutsara?" Mabilis kong tanong dito dahil mukhang naiinip na siya.

"Tapos kapag ba yung tatay nagsimba sa anak niyang pari, father na ba itatawag niya dun or son pa din?"

"Tsaka bakit cargo yung tawag sa ship tapos shipment naman sa car?"

"Kapag ba ang uod namatay, inuuod din?"

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon