Chapter 6

477 13 23
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo

         "Guys, anong pwedeng gawin ngayon? I'm bored." Yesenia said while frowning beside me.

"Manglalake tayo para masaya ang buhay." Sabi ni Nash na takot naman sa commitments. I mentally roll my eyes.

Talandi.

"Tara, lundag." Aya ng kapatid niyang walang magawa sa buhay. Good suggestion.

"Tumalon ka sa tulay." Si Clove. Nice one.

"Bilangin mo yung butil ng bigas or yung butas ng skyflakes. Tanggal 'yang boredom mo." Ani ko. Pwede, pwede.

"Ikaw butasan ko diyan makita mo." Sungit. Di naman niya kaya.

"Magreview ka na lang Sen, may matututunan ka pa." Si Khian naman ngayon na nagbabasa ng makapal na libro. Mas makapal pa mukha ni Yandrei diyan.

"No thanks, anong mapapala ko sa grades? Nakakain ba 'yan? Mapapalamon ba ko niyan?"

"Mapapalayas." Sagot ko.

Kasi naman, nagpapasuggest tapos aayaw sa review. Ewan ko din pero naging salutatorian ang babaeng 'to noong highschool days. Matalino naman, tamad lang.

We're currently inside the cafeteria. Oo, ginawa na talaga naming tambayan 'to every free time. Tapos naman na ang third subject namin na sunod-sunod ang mga activities na pinagawa tapos maliit magpa-grades. Ganyan naman sila eh.

Madamot.

"Omg! Akala ko eyeglasses yung nakakalinaw ng mata. Pogi pala!" Tiningnan ko naman yung pinagtitilian ni Sen sa likuran ko. Parang tanga kasi.

"I think he's walking towards us. Maayos ba make-up ko? Okay naman siya diba?" Dalawa na sila ngayon ni Nash na hindi mapakali kakaayos ng sarili. Banlandi talaga.

"Mukha kang unstable teh." Natawa naman ako sa banat ni Drei sa kakambal. Sa true lang, mukha siyang ewan.

Tiningnan ko naman ang tatlo. Si Clove may sariling mundo na kumakain na naman ng shanghai. Si Ely na paubos na yung jelly-ace na hawak habang nagtitipa sa laptop. Si Khian naman na tahimik lang na nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape. Mga walang pakialam sa paligid kahit may tumatahol na mga aso sa tabi ko.

Ang harot.

"Hi, Ely. I'm Jake." Lumapit ito kay Ely at naglahad ng kamay ngunit hindi naman pinansin ng isa. Siniko pa siya ni Nash at bahagyang bumulong.

"Kilala mo? Ireto mo naman ako oh." She whispered on her.

Nag-angat ito ng tingin at hindi rin pinansin ang maharot na si Nash.

"What do you need?" Ang lamig. Yung totoo, masama ba gising nito? Okay naman yan kanina ah.

"You look dazzling today, like I admire your beauty alongside with the wisdom you have. So gifted." He awkwardly smiled while looking at Elysian.

"Go straight to the point, Jake." Ely said habang walang kabuhay-buhay na nakatingin dito. Bored din ba siya tulad ni Sen? Bakit hindi na lang nila alamin kung anong dulo ng π. Curious din ako.

"Uhmm...I know we barely talk to each other but..." May pa kamot pa sa batok ang isang ito. Nahihiya ba siya?

"Kakapalan ko na yung mukha ko. Can I borrow your notes? Kukuha lang sana ako ng ideas." At ayun nga. Mga galawan ng bawat estudyante. Narinig ko na yan eh. Tapos hindi lang pala ideas yung kukunin, pati sagot na rin.

May kilala akong ganyan.

"Tunog ba iyon ng isang hayop na humihingi ng tulong?" Kanta ni Clove.

"Kakawonder-pets mo yan. Itigil mo na." Tumatawang sabat ni Drei.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon