Chapter 32

10.4K 207 178
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo









"Ano, alis na ba tayo?"

"Guys, gusto niyo ba commute na lang tayo? Para may thrill, katamad kasi mag-drive." Tanong ni Ely habang nakatihaya dito sa sofa nang madaanan ko.

Um-agree kaming lahat dahil kung nasaan ang isa, dapat nandun ang lahat.

Nakita ko naman si Clove na pababa mula sa kwarto ko. "Shala, naghalungkat ako ng gamit mo dun sa cabinet. Infairness, ang gulo." Napailing ako.

"Pero maganda. Yun ba yung binili ni ate Idril para sayo?  Pangitan mo nga, mahuhulog na naman yung kuya ko niyan." Dagdag niya.

Foundation day kasi namin ngayon tapos mamayang gabi gaganapin yung event, bale papasok lang kami para tumulong dahil nag-volunteer ang gagang Yesenia tapos dinamay kami na walang kamalay-malay.

Nagulat na lang ako yung pangalan ko nasa listahan na ng mga volunteer at may additional points kaya sige lang.

Tsaka kaya lang naman ako nagpapaganda dahil may pinapagandahan ako, yung mga wala diyan, wag na kayo. Mga trying hard na butiki.

"Five plus six?" We're inside the jeepney.

Ang init shukinangina.

"Eleven." Sagot ni Drei sa tanong ni Clove.

"Ilan kamay mo?"

"Sampu."

"Gagi, dalawa lang." Binatukan ito ni Ely. Medyo naaawa nga ako minsan sa lalaki namin kasi minsan siya yung napagbubuntungan kapag bored si Clove.

Kamot-ulo itong ngumuso dahil sa sadistang babaeng iyon habang masama ang tingin sa babaeng mahilig sa shanghai.

Ganyan ang Galliego na iyan, in game naman lagi. Kaya hindi mo talaga masasabing bullying kasi kusa iyan eh.

Nasa terminal pa kami at nag-aantay ng mga pasahero. Katabi ko si Sen at Clove habang kaharap namin sila Ely at Drei.

"Naalala niyo si Epoc?" Ako ang nagsimula ng topic.

"Epoc?"

"Yung lalaking nakita natin nung isang araw na kasama ni Professor Henderson." Mukhang naliwanagan sila.

"Ah, si Epoc." Pag-uulit ni Sen.

"Infairness ambantot ng apelyido."

"Pfftt.."

"Tingin kayo sa sahig, may epoc."

"BWAHAHAHAHAHAHAHA."

"Tanga, wag kayong maingay. Epoc-pok ko sa inyo itong notebook."

"Kapag nasa katwiran, Epoc-laban mo."

"Diba yun yung kanta ni Miguel sa Disney? Epoc-coloco." Hahahahaha.

Napahagalpak ako ng tawa sa sunod-sunod na entry nila. Magtatanong lang sana ako kung may nakakaalam ng bahay ng lalaking iyon, reregaluhan ko sana ng bomba.

Turns out, hindi nila kilala.

"Bayad ho." Nagsisimula na ang mga tao na mag-abot ng bayad. Todo abot naman ako hanggang makarating sa driver ang pera.

"Bayad kuya, future attorney, with honors." Clove.

"Kuya, bayad. With latin awards, future software engineer." Elysian.

"Bayad nga po, estudyante lang, future ceo po." Yesenia.

"Ako rin po kuya, bayad po, isang estudyante, part time model, sa tabi lang po ako." Yandrei.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon