Chapter 30

104 5 9
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo



"Hi, gorgeous."

"Anong ginagawa mo dito?" Salubong ang mga kilay ko. I am dumbfounded. Bakit nandito iyan?

He showed his perfectly white teeth, a radiant smile that momentarily transformed his entire face. May hawak rin itong isang bouquet ng rosas habang nasa tapat ng pintuan ko.

"Your dad called me. Sabi niya siguraduhin ko raw na makakaalis at makakauwi ka ng buo. I'm here to be your driver, and I will not complain kung gusto mong araw-arawin."

"May mga kasabay ako, Cloud. Pwede ka nang umuwi." Isasara ko sanang muli ang pinto ngunit hinawi niya ito gamit ang kaniyang kamay.

"Oh? Sinabihan ko na kasi yung kapatid ko na ako na ang maghahatid sayo, pinadiretso ko na siya sa school kasama nila Ely pati na yung kambal." Nagpanting ang mga tenga ko.

"Why would you do that?!" I did raise my voice for a bit. Nakakainis lang na hindi matutuloy ang usapan namin ng mga kaibigan ko na sila ang kasabay ko tapos siya pala ang dahilan.

He was taken aback before lowering his hands down, letting the door in my control. "Gusto lang naman kitang makita..." He murmured. I tried to calm myself. 

Medyo na-guilty ako sa bungad na inasta ko sa kaniya. Marahil gawa ito kahapon kaya masama pa rin ang timpla ko. Hindi pa yata ako nakaka-recover sa gusto ni Dad na mangyari at siya ngayon ang napagbubuntungan ko.

Hindi ko naman sinasadya.

"Nasaan yung kotse mo?" Nabuhayan ang mga mata nito.

"Next time, bago ka mag-decide para sa'kin, sabihan mo naman ako in advance. You know na ayaw kong pinangungunahan ako, Cloud. You know me well." Saad ko pagkapasok sa sasakyan.

"I'm sorry, na-excite lang ako lalo pa't may permission ng Dad mo. You don't know how happy I am to be this close to you. Sa susunod, I'll consult you first. That's how much I respect you, I'm really sorry." Nahihiya niyang abiso. Tumango lang ako.

"Nevermind, sa parking lot mo na lang ako ibaba pagkarating natin sa university."

Buong oras ng byahe ay mas madaldal pala talaga ang lalaking ito kaysa sa babae. Ang ayaw ko lang kasi sa kaniya ay yung pagiging mayabang niya minsan pero minsan lang naman. Isama mo pa na childhood friend ko rin siya noon kasama ng kapatid niyang si Clove kaya parang hindi ko makita ang sarili ko na maikasal sa kaniya. Actually, habang nagsasalita siya ay medyo napapahanga ako dahil alam mong may pinag-aralan ang taong ito. 

Sinong palag, may manliligaw ba kayong ganito? Wala?

Kawawa.

"Dito na lang, salamat." Hindi ko na ito inantay na pagbuksan pa ako ng pinto dahil kaya ko naman. 

Before I completely left him in the parking lot, naramdaman ko ang kamay na humawak sa aking braso.

"Fuchsia..." Nagdadalawang-isip ito ngunit matiyaga ko lang siyang tiningnan.

"Pwede bang... ako na lang yung sumundo sayo mamaya? I have lots of free time, gusto ko lang maihatid ka pauwi nang safe. Okay lang ba sayo?" Ako naman ang hindi makatingin ng diretso.

"Hindi ko sigurado ah? Baka gabihin na kasi ako." Pagsisinungaling ko.

"Okay lang! Promise, I'll fetch you. Basta sabihan mo lang ako kung anong oras yung labas mo, pupuntahan agad kita." Paano ba ito?

"Please?" Pambihira.

"S-sige." Akmang yayakap ito ngunit napahakbang ako paatras. Hindi naman siya mukhang na-offend bagkus ay nahiya lang ng sapat dahil alam niya ngang ayaw kong nagpapahawak basta basta.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon