Chapter 20

206 9 8
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo

"Ate Idril, anong pwedeng gawin kapag may taong ayaw sayo, yung parang pinagtatabuyan ka ng hindi mo alam. Yung wala namang dahilan? Basta ganun, gets mo?" Ilang beses na akong napapakamot ng ulo ngayong umaga.

Hindi nga ako makatulog ng maayos kagabi sa kakaisip niyan. Ano bang problema niya, nakakainis.

"Girl or boy?" She looked up through the mirror. Nagme-makeup kasi ito habang nakaupo lang ako sa kama.

"A woman." Saad ko. Napaisip ito saglit.

"I see. Friend or a lover?" May pagdadalawang-isip din ako. Hindi kami friends, hindi rin lovers.

Ano lang... ano... basta.

Mukhang na-sense niya yata ang magulong takbo ng utak ko kaya mula sa salamin ay humarap siya ng kaunti sa akin.

"If it's a friend, buy her a gift since she's a girl and girls loves to see surprises, but if it's a lover..." She smirked.

"Surprise her on your own." Napakunot noo ako.

"How?" I said. Napahinto siya sa pagkikilay.

"Fuck her." Nanlaki ang mga mata ko.

"Ate Idril!" Omayghad ka, sa lahat ng tao bakit ikaw pa ang may ganang magsabi niyan?

Ganyan ba ka-liberal sa Canada?

"Ano ka ba Rainell? You're on the right age naman na, so clearly, you know this sort of things that I'm talking about. Isa pa, if you're worried about Icaru na malalaman niya, it's fine, akong bahala. I got you, sissy." She got up from her vanity table at tsaka inayos ang bag niya na nasa paahan ko lang.

"My brother—our brother wouldn't mind it, he's just overprotective to us. Ang alalahanin mo, is kung paano mo mapapaamo iyang girl friend mo. Basta I already gave you a hint, ikaw nang bahala." She shrugged her shoulders.

"Wala akong girlfriend!" Pag-alma ko.

"Girl friend, Rainell. With a space." She emphasized with a duh-tone.

Bago pa man ito magsara ng pinto ay sumabay na ako sa kanya pababa. Nasa first floor kasi ang iba dahil kumatok kanina ang mga kaibigan ko para daw mag-almusal na. Isa pa, hindi rin ako papayag na mabulok na lang dito kakaisip sa sinabi ng Prof ko kagabi, at tsaka ayoko ring mag-isa sa kwarto. Baka makita niyo na lang, nagtwetwerk na ako dito sige.

Pagkababa, naabutan ko silang nakahilera sa isang mahabang lamesa dahil ang hotel ay may restaurant din sa loob kung saan hindi lang kami ang laman ngunit marami pang iba. Siguro ang iba ay mga bisita nila Mi at Tito Louie kahapon.

Speaking of them, nag-message sa akin si Mi na may pupuntahan lang sila ngayon kasama sila Fortune at Forrest pero babalik naman daw agad sila mamayang gabi. Dadalaw lang daw sa puntod ng mga namayapang magulang ni Tito Louie kaya lahat sila ay hindi ko muna makikita ngayon.

"Nangyare sayo?" Tumabi ako kay Yandrei samantalang sa harap ko naman naupo si ate Idril.

"Wala." Luh ang cold.

Kaming pito ay magkakatabi habang nasa harap namin ang mga Professors ngunit hindi sila kumpleto, malay ko ba. Bale ako ang nasa dulong upuan tapos si Drei ay nasa kaliwa ko.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon