Fuchsia Rainell Quivedo
"Ate..." Nakayuko kong sabi. Nagkasalubong din kasi kami dito sa university ngunit mukha siyang nagmamadali kaya hindi ko alam kung pakikinggan niya ako.
"I got scolded again." Tinitingnan ko kung anong magiging reaksyon niya. Gusto ko lang magpakampi.
Salubong ang mga kilay nito habang bitbit ang mga gamit. "Do I look like I care? It's your fault naman." Ow, okay.
How does she even know that it's my fault? Kapag ba napagalitan, kasalanan ko agad?
"I have to do something, I don't wanna be late." Napabuga ako ng hangin nang lagpasan lang niya ako.
Akala ko magiging concern siya kahit kaunti. I guess, si kuya Icaru na lang ang pagsasabihan ko. I remember Miss Riley, kaso nga pili lang ang mga taong gusto kong pagkwentuhan, more on family members. But no one wants to listen. Bilang pa yang family members na yan.
Ang panget ng araw ko.
Lunes ngayon at friday noong huling kita ko kay Ma'am, sa tatay ko, sa nanay ko, at kay Miss Riley. Masaya naman bago ako ihatid ni Miss, ang ganda nga ng gising ko nun.
Ngayon hindi na naman ako natutuwa.
Lumakad pa ako ng kaunti dahil wala namang gagawin. Isang klase lang kasi ang pinasukan ko kanina at wala nang kasunod pa. Saan naman kaya ako pupunta? Gusto ko sanang makita ang pagmumukha nina Ely at Clove kaso baka hindi pa sila tapos dahil nga magkakaiba kami ng schedule. Yung iba naman ay nakausap ko kanina pero may mga ginagawa rin. Tapos ang pinakamasakit?
Hindi ko pa siya nakikita.
Isang klase lang ang meron ako at nagkataong hindi siya yung subject na iyon. Motivation ko talaga kapag siya yung nasa harapan ng classroom eh, kaso wala.
Nakakaiyak.
Pansin ko ang kumpulan ng mga estudyante dito, mapalalaki man o babae. Ang dami nila at may pa-banner pa kuno na tinta lang naman ng marker sa white board. Ang ingay rin nila at nagsisigawan. Nasa stadium kami kaya naman nilusong ko ang dikit-dikit na mga tao.
"Omg! Luluhuran." Tiningnan ko naman kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
I saw her, Olive.
"Tabi mga linta, pila sa likod!" She's playing dodge ball with the other players. Parang siya yung coach sa team, dalawa sila ni Miss Carlssen. On the other hand, si Miss Vallerio pati si ate Nelca naman ang kalaban nila na mukhang coach din ng ibang players.
Two versus two.
Members vs. Members.
Kaya pala mukhang nagmamadali ang pinsan ko kanina. Halatang kanina pa sila naglalaro dito dahil tagaktak na ang mga pawis nila ngunit ang gaganda pa rin. Kung titingnan, mas marami yung members na natira kay Miss Vallerio at ate Nelca kaya natawa ako kasi parang inis na inis na si Ma'am ganun din si Miss Carlssen. Ayaw pa man din niyang nagpapatalo.
Henderson nga naman.
"Girl, kung lalaki lang ako, I could date her anytime." Lumaki ang tenga ko dahil doon. Wala sa sariling nilingon ko ang nasa likuran ko at nakita ko kung kanino niya iyon pinapahiwatig.
"Tanga, kahit maging lalaki ka, walang papatol sayo." Sita ko.
"Tabi, hangal ka." Dagdag ko pa. Lumipat ako sa kabila upang tuluyan akong mapunta sa harap. Ang lalaki kasi ng mga ulo eh.
Ang ganda naman ng mameh ko. May headband ito sa ulo na tatak Nike tapos nakapony-tail din. She's wearing a sports bra kaya kita ko rin na may abs siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/339021778-288-k720858.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomantikFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...