Chapter 24

11.2K 212 154
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo









"Seriously, wala bang magtatanong kung kumain na ako? Landiin niyo naman ako, masyado na akong uhaw sa atensyon niya." Tumayo ako sa kalagitnaan ng classroom. May mga sariling mundo naman ang ilan at hindi ako pinakinggan.

"Ulan." Tawag sa'kin ni Drei.

"Oh?"

"Ganda mo."

"Ulol."

"Kita mo? Paanong may lalandi sayo eh hindi ka marunong tumanggap ng compliment? Lakas mong manumbat na wala man lang lumalandi sayo. Trial palang yung ginawa ko, pano pa kaya kapag may sumulpot diyan? Hirap mong landiin."

Eurtness.

Bumait na sa'kin iyan eh. Nakipagbati nung isang araw at pumunta sa penthouse na may dala-dalang cake. Dahil madali naman akong kausap, binigyan ko siya ng advice tungkol sa nililigawan niya.

Sabi ko pumunta siya sa bahay nila doktora. Magsibak siya ng kahoy at sindihan niya sa labas ng gate pagsapit ng gabi kasi malamok at siguradong doon siya patutulugin sa labas ng bahay nila ate Idril. Nagmamalasakit lang naman ako.

Si tanga, tinotoo.

Masaya naman daw dahil nakita at nakilala niya yung pamilya ni ate tapos pinakain pa daw siya after niyang magsibak. Hindi rin naman daw siya nagtagal doon at inantay lang niyang makauwi si ate Idril mula sa duty tsaka siya nakangiting nagpaalam. Ang hindi niya alam, may isang tao pa siya na dapat paboran.

Si kuya.

Ang kaso hindi ko pa rin sinasabi. I'll let him discover it himself. Ano kayang magiging reaksyon niya? Bwahahaha.

"Pres, bilhin mo na ito!" Sigaw ni Lea papalapit dito sa pwesto ko. May hawak siyang pencil case na mukhang maraming laman. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yoko nga, wala akong pera." Umupo siya sa unahan ko at humalumbaba sa sandalan.

"Hindi ako naniniwala."

"Edi wag, sa iba ka na lang. Huwag ka magulo." Nag-aayos ako ng gamit, baka may quiz ngayon.

"Dali na, may quota ako. Kailangan kong makabili ng iphone. Bilhin mo na, Pres. Maganda ka naman."

"Ano ba yan, magkano?" Mabilis kong usisa.

"Ballpen, sampung piso na lang." Binuksan niya ang pencil case na puno nga ng mga ballpen. Ano namang gagawin ko diyan? Kumpleto na ako sa gamit.

"Teh piso lang iyan sa TikTok, huwag mo akong niloloko, sungalngalin kita diyan." Ngumuso ito.

"Teh ang mahal ng shipping fee nito. Overseas ito teh oh. Galing China iyan, kailangan ko ng tubo. Parang sampu lang eh." Sinundot-sundot pa niya ang mga braso ko.

"Mas lalong hindi ako bibili. Dapat boycott, sa atin ang West Philippine Sea." Nagbago bigla ang itsura niya. Nagmumukha siyang tsanak sa angry face at small height niya.

"Nakita ko nga yung mga post mo nasa beach kayo, tapos ito mura na lang ayaw mo? Bilhin mo na, ikakahirap mo?" Sinamaan ko ito ng tingin.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon