Chapter 13

9.6K 219 113
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo








"Nasan na sila Nash?" Tanong ko. Kaming lima palang ang narito sa cafeteria.

"Papunta na, sinamahan si Khian magsubmit ng papers sa faculty." Napatango na lang ako. Maya-maya pa ay naaalibadbaran na ako sa nasa harap ko na kanina pa nagpapacute sa harap ng screen niya.

Imbes na magbreaktime na, inuuna pa iyan.

"Nak, sabi ko naman sayo tigil-tigilan mo na iyang pagnguya mo ng lyrics sa tiktok." Pangunguna ni Elysian. Napansin rin pala niya ang ginagawa ng bruha.

"Edi wag mong panoorin. Sama ng ugali mo!" Aba't ang tapang ng Galliego na ito ah.

"Sama ng mukha mo!" Balik sa kaniya ni Ely. Inirapan na lang siya ni Sen.

Ako naman ngayon.

Ewan ko ba pero parang nanghihina ako kapag wala akong inaaway.

"Nak, nakita ko yung katigasan ng katawan mo nung nagbody-rock ka, nakavelocity pa." Napahinto siya sa pagpapacute sa camera at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Ano ba?! Wag niyo na kasing panoorin, deputa!"

"Nak, sabi ko naman sayo huwag kang sasayaw sa tiktok, nagmumukha kang lamok na uhaw sa atensyon." Napa-apir naman kaming dalawa ni Clove sa sinabi niya. Siya ngayon ang napagtripan kaya sorry siya.

Padabog siyang tumayo at malakas na tinapik ang table. Muntik pang matumba itong juice ko punyemas.

"Drei, tumayo ka diyan. Damayan mo naman ako."

"Pakealam ko sayo, kumakain ako." Pabalang na sagot ni Yandrei at patuloy lang sa pagkain ng cake. Attitude din iyan e.

"Starbucks, libre kita."

"Bye, mga tao." Ang bilis.

Natawa na lang kami habang papaalis sila. Nagbad-finger pa ang Yesenia niyo bago tanga-tangang natapilok dahil hindi siya tumitingin sa daan.

Buti nga. Magbabad-finger ka pa ha?

Mannerism ba iyon ng mga Galliego?

"Bakit lumabas yung kambal? Nadaanan namin bago kami pumasok dito." Naupo na silang dalawa at humanap ng pwesto. Magkatabi si Ely, Clove, at Nash tapos kaharap nila kami ni Khian.

"Inaway namin." Aminado po kami.

"Why?" Tinignan ko si Khian dahil binigay niya sa akin yung chuckie na nilagyan niya ng straw. Inabot din niya yung brownies na hindi ko naman inorder pero tinanggap ko na lang. Napangiti ako bago lagukin ang choco drink na bigay niya.

Sarap sa lalamunan.

"Kasi nauumay na yung mga pagkain sa table tapos todo ngiti pa siya sa camera. Yung kapatid niya nga lamon na lamon sa tabi. Ayun, inaway ni Ely." Sumbong ko.

I bit my lower lip to suppress my laugh even though my mouth is full. Gulat naman ang dakilang Elysian niyo na parang pinagtaksilan ang itsura.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon