Chapter 21

605 15 4
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo



"Tanga, alam niyo ba muntik na akong mag-confess kahapon?" Medyo panget rin eh.

Isipin mo magtatanong yung anak namin sa future kung sino yung unang umamin tapos ikwekwento niya sa mga anak namin na ako yung nag-confess tapos nasa loob kami ng cr.

Kadugyutan, wala sa ayos ang pag-amin. Parang di memorable.

"Oh?" Nanlaki ang mga tenga nila at sabay-sabay lumapit sa'kin. Bumilog kami dito habang nakaupo sa buhanginan.

"Kanino ka nag-confess? Ikaw ha, wala kang kinukwento." Parang nagtatampong sabi ni Nash. Oo nga pala, pero sigurado naman akong may hint na sila Ely, Clove, Sen, Yandrei tapos si... Khian.

Hindi ko pa talaga nasasabi ng maayos, ang alam lang nila ay in-invite ko si Ma'am kasi wala lang. I've never really told them literally that I like my professor.

"So anong nangyari? Dali na, pano mo sinabi? Natuloy ba?" Sunod-sunod na tanong ni Drei.

"Yun nga e, buti na lang hindi pa lumalabas sa bibig ko kasi nagulat ako sa nangyari."

"Anong nangyari?" Kwenento ko sa kanila lahat. Not totally lahat, important details lang. Lalo na yung umpisa na i-ignore ko raw siya. Ba't ko ikukwento lahat eh pang-akin lang yung moments na iyon, baka magtanong sila ng magtanong.

Sinama ko na rin yung nahuli kami ni Miss Carlssen na nag-uusap kaya tawang-tawa sila sa kahihiyan ko. Medyo naiinis pa rin ako kapag naaalala yun. Sayang talaga yung chance.

"Grabe, nakakamatay sa kaba. Ayoko talaga sa confessions thingy na iyan e." Napahilamos ako sa mukha.

Lumabas kasi ako pagkatapos akong iwan ni Miss sa resto, sumunod ako sa mga kaibigan ko na nagtatakbuhan sa initan. Tinanong ko pa kung nasaan na ang mga Professors na kasama nila kanina papunta rito. Ang sabi nila, si Clove daw kasi yung nahuli sa pagtakbo noong lumabas na sila sa resto kaya siya yung pinag-twerk nila sa harap nila Miss. Pinilit lang daw siya kaya tumakbo siya papunta dito sa likod na bahagi ng beach dahil sa hiya. Ang ending, sinundan na lang nila at chinat ako kung nasaan sila, tapos iniwan nila ang mga propesora.

Ang Clove namin, pinagkakaisahan.

"Sanaol, may balak magconfess noh." Parinig ni Nash. Napangiti ako ng wagas.

"Syempre, matapang ako eh."

"Share mo lang?" Potaness.

Kahit ilang taon na talaga iyang sml na iyan, ang sakit pa rin kapag nasasabihan.

"Penge naman niyan ate, gusto ko yung sting." Buraot ni Drei sa kakambal niya. Naglatag kasi kami dito ng blanket para kunwari ay nagpipicnic kami. Picnic sa arawan.

May mga pagkain din silang dala sa basket kaya heto sila't nakahilata o kung hindi naman ay panay selfie tapos gumagawa rin ng sand castles. Ayaw pa nilang maligo sa lagay na iyan ha.

"Ateee!" Nagulat naman ako dahil may boses ng bata na nakaabot dito sa dulong bahagi ng beach.

"Hoy, tabi nga. Nakshie ko yan e. Hi baby Forrest!" Hala, yung kapatid ko. Bakit nandito yan?

"Ang papansin mo naman Sen-tury tuna, ako na diyan." Parang nanay na hinablot ni Ely ang bata at saka niya kinarga.

Ino-open close na lang ni Forrest ang mga daliri upang mag-hi sa akin na tunay niyang ate, mga bida-bida talaga kasing ito. Nakita ko naman na inabutan ni Khian ng gummies ito kaya ngayon ay nginangata na niya. Hindi naman strict si Mi pagdating sa sweets as long as limitado lang.

"Ate Rain!" Tumatakbo ring sigaw ni Fortune. Agad kong ibinuka ang mga braso at lumuhod upang magkapantay kami. Jusko, sa susunod matatangkaran na ako nito.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon