Chapter 17

1.1K 23 25
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo




"Ma'am sama ka na kasi!" Nakabuntot kong lintanya.

"Libre 'to, pramis walang bayad." Nauuna na naman itong maglakad dala-dala ang mga gamit papunta sa opisina niya. Tapos na kasi ang klase namin dito pero heto ako at nagmamakaawa sa babaeng walang pakealam.

Kahit kelan talaga!

"I can't." Maikling tugon niya.

Malamang hindi ako papayag. Tinakbo ko siya upang masabayan tsaka humarang ako sa daraanan nito. Napahinto siya at muntikan pang masubsob sa akin ngunit mabilis niyang inayos ang sarili. Kahit samaan niya ako ng tingin hindi ako titigil. Makulit na kung makulit.

"Sige na Ma'am, minsan lang kaya ito. Once in a year lang." Pamimilit ko pa. She rolled her eyes on me at humanap ng daan upang makaalis sa harap ko.

"I'm busy." Anong busy? Hindi ako papayag, dapat kasama kita.

Nakarating na kami sa tapat ng pintuan ng office niya kaya ibinigay muna niya ang mga gamit na dala sa akin para mabuksan ang pinto. Sus, kaya naman niyang pihitin yung doorknob gamit ang isang kamay lang dahil hindi naman ito naka-lock, bakit kailangan pang ipabitbit sa'kin? Hindi na lang ako umalma.

"Mag-eenjoy ka dun Prof sinasabi ko sayo, tapos makakawala ng stress. Don't drown yourself with your work Ma'am, boring kaya nun." Sabi ko na lang tsaka kami pumasok.

"And?"

"Pero naman kasi—"

"Hi!" Natigil ako sa pag-ungot dahil may ulupong na malaki ang ngiti ang sumulpot. Hi mo mukha mo hindi ako natutuwa.

Sadyang naka-focus lang ang mga mata nito kay Prof at hindi iniiwan ng tingin, makalipas ang ilang segundo ay nabaling naman sa akin ang mga mata niyang may pagtataka.

"Who are you?" Minsan talaga snobber ako, minsan mentos. Depende sa mood.

Dumiretso ako ng lakad palapit sa table ni Ma'am at nilagpasan siya. Hindi ako bastos ah, nabibigatan lang. Nakalimutan kasi yata niya yung pinasang gamit sa akin dahil sa bisita niyang ewan ko kung bakit nandito. Ah basta, dito muna ako.

Wala naman siyang sinabing lumayas ako diba?

#Karapatan.

"What are you doing here Mr. Calleza?" She curiously asked before sitting in her swivel chair. Pinagsaklop nito ang mga kamay, hinihintay na masagot ang kaniyang katanungan.

"Uhm, I just wanna invite you later. Everyone will come to the resto-bar I owned, so baka gusto mong sumama?" Tumingin si Ma'am sa mini-calendar na nakapatong sa table niya bago ibalik kay Sir.

"Too bad, my schedule is quite tight this week. I'm afraid I can't." She casually informed. On the other hand, nasa tapat ako ng pintuan, pinagmamasdan sila habang nakahalupkipkip. Tumayo ang lalaki at lumipat sa upuan na malapit sa table ng propesora kung nasaan siya. Tumaas bigla ang kilay ko.

"Just a minute or twenty? Para naman makapagbonding ang lahat ng faculty members. They agreed kasi, ikaw na lang ang hindi. Please?" Pagmamakaawa niya at pinagsaklop pa ang dalawang kamay. Busy lang ang propesora sa pag-cocompile ng mga folders na bitbit ko kanina. Hindi man lang nag-thank you?

You're welcome.

"Is there any celebration? Did I missed something?" Sumulyap ito sa'kin dahil naramdaman niya yata na parang kinalimutan niya ang magandang ako. Naabutan pa akong nakatingin sa kanila tsaka nagtaas din ng kilay.

Problema nun?

Tumindig ang kausap niya tapos proud pang ngumiti. "Oh well, kaka-open lang ng resto-bar ko so it'll be great if nandun kayong lahat. It means a lot to me syempre as the owner and your co-worker narin kung pupunta kayo. What do you think?" I hissed at the back of my mind sa kakulitan ng kasama. Lumaki ang mga tenga ko ng marinig ang hindi inaasahang sagot ng propesora.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon