Chapter 9

528 18 34
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo


"Hindi naman kasi ganyan. Bobo ka bang punyeta ka? Kasi mukha kang potangina e!"

"Silence!"

Magkakasama kaming muli dito sa library dahil busy kami sa paggawa ng project na ibinigay sa amin ng mga propesor kaya nandito na naman sila at nag-iingay.

Isama mo pa na narito rin sina Ely at Clove na hindi ko alam kung bakit nandito dahil alam ko ay magkaiba ang oras ng pasok nila sa amin. Hindi naman namin sila kaklase so baka tumakas ang mga ito? Kelan pa nila natutunan yan?

Lakas ng trip sa buhay.

"My love for you is like a diarrhea." Ani Clove at taas-baba ang kilay na nakatingin sa amin.

"Bakit?" Tanong ni Nash.

"Hindi ko mapigilan."

"Tangina dugyot ng pagkatao mo, kumakain ako." Ginawang cafeteria ni Yandrei itong library. Nasa dulo kasi kami kaya hindi pa kami naririnig ng nagbabantay dito at may gana silang mag-ingay.

Kanina pa sila sa mga pick-up lines na yan kaya hindi ko alam kung kelan pa sila matatapos at bakit nga ba nila sinimulan yan? May sinisinta na ba ang mga gaga?

"Khian ikaw nga. Parinig nung best banat mo kahit anong trip mo sa buhay okay lang." Paanyaya ko dito dahil gusto ko ring marinig kung ano ang maaaring sabihin ng isang tahimik na magandang tulad niya.

Mana sakin yan e.

"Go, Leigh dapat maganda yan!" Si Nash.

"Quiet!" Paninita sa kanya ng kung sino. Malay ba namin e hindi naman kami close sa mga empleyado dito.

Bawal ngang mag-ingay, ang kulit kasi.

"Okay, I'll try." Nagkatinginan kaming lahat.

Ayan na. Ayan na.

"Ikaw ang Lunes ng buhay ko."

"Bakit?" Tanong naming lahat.

"Kasi hindi kita gusto." Ay straight forward pala ang beshy ko. Ang lala naman kapag may nagkagusto dito.

"Nu ba yan! Ang panget niyo naman bumanat."

"Paano ba? Pakita nga Drei." Sabi sa kanya ng kakambal.

"Ganito dapat. Ehem. Ehem." Nagwarm-up pa, parang tanga.

"Milktea ka ba? Kasi ililibre kita. Boom! Mic drop!"

"Labas!" Nakakagulat ang biglaang pagsulpot ng isang matandang propesora sa pwesto namin. Grabe naman, sila lang yung maingay ba't naman nadamay ako, gumagawa lang ng project yung tao. Wala tuloy kaming nagawa kundi ang lisanin na ang library.

Habang naglalakad dala ang mga gamit ay napansin kong nanahimik ang mga loka. Wala na rin siguro silang maisip na gagawin kaya tulala lang yung itsura nila papunta sa kung saan. Ni hindi ko nga din alam kung saan naman kami next na tatambay dahil hindi sila nagsasabi.

"Anong gusto niyong gawin ngayon? Boring." Ako na ang nagsalita dahil isang nakakabinging katahimikan lang ang namamayani sa pagitan naming lahat. Himala na ba ito? May dumaan bang anghel dahil sa katahimikan?

Naninibago ako e.

"Nagcracrave ako ng kape pero gusto ko yung galing sa lamay. Normal pa ba ito?" Hindi na normal yan Drei, malala kana. Siraulong 'to.

"Pumunta na lang tayo sa labas. Maraming matinong pagkain kesa sa lamay, baliw." Inakbayan na siya ng ate niya pagkatapos sabihin iyon at nauna na silang dalawa sa amin.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon