Chapter 31

9.6K 191 129
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo




"Just push it harder, Sia."

"Like this, Miss Riley?"

"Uhmm yeah, you're so easy to teach. I'm embarrassed, I was actually gonna do it myself but you entered my room so..." Pagpasok ko kasi sa office niya ay nakita ko siyang mukhang nahihirapan sa sarili.

"It's okay, Miss. Nandito naman ako, I can help you with that. Pwede po bang umurong ka ng kaunti dito, baka masaktan ka po."

"Sure, slid that over, and then put that on top—yeah, that's perfect." Sinunod ko ang gusto niya, it was a success.

"Ayan, naurong ko na po yung cabinet niyo, pwede niyo na pong patungan ng mga gamit."

"Thank you so much, darling." Niyaya niya akong maupo sa visitor's area. Magkaharap kami ngayon.

"Bakit ka nga pala nandito? You need something? You need me?" Her eyes is sparkling.

"Pinapabigay po kasi ni Professor Quivedo itong mga papeles, sabi niya kayo na raw pong bahala. Ito po." Inabot ko ang ang isang clear folder na singkapal ng mukha ni Yandrei ang laman.

"Oh? I thought gusto mo akong makita." She pouted. Natawa naman ako.

"Given na po iyan, sino po bang ayaw kayong makita?" Ang daming nagkaka-crush kay Miss Riley, hindi niya lang yata alam.

"I ordered foods, can you stay? Wala akong kasama. Pretty please?" Napakamot ako ng kilay, mabuti at wala pang class hour ngayon. Mamaya-maya pa.

Ngayon lang din ako nakapasok sa office ni Miss Riley na puro blue and white ang kulay tulad nung nasa bahay niya. Sobrang bango rin at elegante ng ayos at furnitures na nandito.

"Say ahh." Kamot-ulo akong lumapit.

"Miss, huwag niyo na po akong subuan. Malaki na po ako." Nahihiya kong sambit habang ngumunguya. Umayos ito ng upo.

"Okay, ako na lang subuan mo."

"Po?" Bigla niyang hinapit ang kamay kong may hawak na kutsara at chicken sabay lagay sa bibig niya.

"Hmm, it's delicious. I can't believe it'll be this flavourful than eating alone." Her eyes was shut for a moment.

Ang ganda niya talaga.

"What are you waiting for, Sia? I need to eat, feed me please." Kung kanina ay magkaharap kami, ngayon ay nakadikit na kami sa isa't-isa habang sinusubuan ko siya.

"Miss Riley, wala ka bang ibang kasama kumain?" I asked suddenly. Napahinto ito bago ngumiti ng marahan.

"I'm used to it, tsaka you're here, may kasama na ako."

"Ayaw niyo pong sumabay sa mga kaibigan mo? Si ate Nelca tapos yung iba pa." She playfully rolled her eyes.

"Nah, I'm fine with you. Here take a bite." Masarap din talaga 'pag sinusubuan.

Kung may papasok man sa office na ito tapos nakita kami sa ganitong sitwasyon, hindi ko alam kung paano pa ako magpapaliwanag kahit isa akong butihing mag-aaral.

"May klase pa po ba kayo?"

"None. I'm going to Nelcafeigh's office, how about you?"

"Doon din po, may pinag-uusapan po kasi sila ni Professor Henderson, bibilhan ko na rin po ng ice coffee para hindi uminit ang ulo ni ate Nelca sa dami ng gagawin. Sasabay na lang po ako sa inyo." Nakatitig lang siya habang hinahalo ko ang pagkain ko. Hinayaan ko na lang kasi nasanay na ako pero may kaunting ilang pa rin.

Ikaw kaya tingnan habang kumakain.

"Darling..."

"Yes, Miss Riley?" I looked at her.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon