Fuchsia Rainell Quivedo
"Gusto kong bumuo ng halal." Nakahalumbabang sabi ni Clove.
"Alin?" Tanong ni Ely.
"Halal, yung marami kang asawa tulad sa mga nababasa kong novel." Excited siyang nagpaliwanag. Medyo napaisip pa ang dakilang Elysian dahil halatang loading ang utak nito.
Mahina niyang hinampas ang braso ni Clove nang sa wakas ay naproseso na niya.
"Harem yun tanginang bobo neto hindi ka nag-aral?" Napahalakhak ako sa sagutan nila.
Lagi na lang, everytime. Every day, all day.
Basta naabutan ko na lang silang lahat dito pagkababa sa sala katanghaliang tapat. May afternoon class kami pero nag-stop by muna ang mga loko upang halughugin ang penthouse.
Si Sen at Drei ay nasa kusina, nagluluto ng kakainin nilang dalawa dahil inuna nilang pumunta dito. Nasa sala si Clove at Ely kasama sina Nash at Khian na nanonood ng tv. Sukbit ko naman na ang bag upang maghanda na papuntang university.
Saglit na pinasadahan ako ni Nash ng tingin.
"Malamig ba?"
"Bakit?" Tanong ko.
"Eh nakasuot ka niyan, ang kapal kaya ng tela. Nasa Pilipinas tayo baka nakakalimutan mo." Pansin ko naman ang mapanuring tingin ni Ely at Khian sa gawi ko.
"Oo nga, ano ka? May balat ng penguin?" Sumipot naman bigla si Sen sa gilid ko.
I gulped hard. Gagi, pano ba ito? Alangan namang sabihin ko yung totoo, napakabalasubas niyo naman.
Itinago ko ang mga kamay sa aking likod at ngumiti ng may kumpyansa. "Ano ba? Huwag niyo akong tingnan ng ganyan, uso ito! Palibhasa kasi mga mukha kayong nanay." Yesenia just gave a shrugged.
"Sabagay, pinaninindigan mo kasi talaga iyang pagiging clout chaser mo eh. Okay naman tingnan, mukhang aesthetic kaso hindi ako magsusuot niyan at isakripisyo ang comfortability ko." Lumapit naman si Yandrei.
"Edi wag, hindi naman ikaw ang magsusuot. Ang ganda ganda nga niyan. Hayaan niyo nga si Ulan diba?" Napaapir ako sa kaniya ngunit pasimpleng bumulong ito. Inabutan ko ng 500 dahil may parcel daw siya. He smirked at me na parang walang natanggap na kung ano.
May kapalit ang bait-baitan.
"Gusto ko sanang um-absent bukas kaso wala na akong maisip na sakit." Tumabi si Drei sa kanila, mukhang tapos na siyang kumain.
"Suggestions nga, dali." If I know, gusto lang niyang takasan ang klase niya tapos sa clinic yan tatambay para kay doktora. Masyado akong matalino para hindi mahulaan ang palusot niya.
Akala ko pa nga ay aapila ang kambal niya ngunit sa akin ito tumabi.
"Teh, 'lam mo ba—"
"Tama na teh ang dami ko nang nalalaman." Pagpipigil ko kay Sen.
Inaayos ko pa kasi itong damit ko, naka-turtle neck ako para ano, kasi ano, basta ano.
Kanina kasing umaga ay nagpahatid ako kay Ma'am dito pauwi dahil kailangan kong pumasok kahit sobrang sakit pa ng katawan ko simula kagabi. Nakatanggap kasi ako ng text sa mga kaibigan ko na dadaan daw sila sa bahay, ano na lang ang iisipin ng mga hangal kung wala ako dito diba? Pinilit ko lang talaga ang sarili ko na makauwi at makapag-ayos ng sarili dahil sabog ang itsura ko.
Jusme, anong oras kami natapos. Siguro after nung unang beses, medyo nakapagpahinga ako ng maayos pero hindi talaga ako nakakatulog ng sapat dahil sa mga kamay niyang kung saan-saan napupunta. Gustuhin ko mang pumikit ay hindi talaga, ang likot niyang katabi at hindi mapirmi. We're very close next to each other. Aaminin ko, gusto ko rin.
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...