Chapter 29

192 8 12
                                    

Fuchsia Rainell Quivedo




I'm here in our house.

Yes, my family's house. Actually, ito yung bahay na ipinamana ng mga grandparents ko kay Dad. And speaking of, uuwi na rin sila dito finally. I really missed them. Ang tagal na rin noong huli ko silang nakita. Ito rin kasi ang araw ng family reunion namin.

Ito yung sinabi sa akin ni Yandrei noon na narinig niya si ate Nelca na may sinabing family reunion kuno at may important announcement daw ang ama ko. Makikita ko na naman ang mga relatives ko na ayaw kong makita. Bakit ba kasi ako pumayag? Si Kuya kasi mapilit eh. Akala ko mawawala na yung kaba ko once na makaharap ko ulit sila pero bigla na lang nanunumbalik yung mga memories kung paano nila ako pakitunguhan.

I thought kaya ko na. Ma-oout of place lang ako mamaya. Hindi ko sila ka-close.

"Suppp." Napatingin ako sa pintuan.

I snorted my nose when I saw my brother peeking like a thief.

"Ano na naman ba, kuya?" Asik ko sa tamad na boses. Buti walang assignments.

Pumasok agad siya kahit hindi ko sinasabi. Ganyan naman iyan eh, ang lakas ng sapak sa utak.

Nagkukulong muna ako sa kwarto ko. Yep, may kwarto ako dito malamang, naging bahay ko rin ito noh. Maaga ako kanina to the point na tulog pa raw ang ama ko kaya napahinga ako ng maluwag dahil ayaw ko pa siyang makita. Napag-isipan ko kasing mamaya na lang lumabas ng kwarto kapag nandyan na ang mga bisita. Hindi ako magpapakita ng basta-basta, mahal ang fee ko.

He didn't utter a single word kaya hinayaan ko na lang. Nakadapa naman ako at tutok sa laptop upang manood ng movie. Narinig ko na lang na may mga natutumbang gamit mula sa vanity table tulad ng salamin, make-up, brushes, perfume at iba pa. Sinusundan ko lang siya ng tingin kasi nga siya ang may gawa. Pagkatapos niyang patumbahin lahat ng mga nakalagay doon, sumampa naman siya sa higaan na animo'y isa siyang contestant sa wrestling event. Muntik pang tumaob ang laptop ko sa force na natanggap ng kama. Nginitian niya lang ako sabay lapit sa akin.

Pota talaga.

Iipit ba naman sa leeg ko yung mga braso niyang pagkalaki-laki. Hindi naman masakit pero hindi rin comfy yung pakiramdam. I tapped his arms repeatedly as a sign that I surrender kahit wala naman sa plano kong sumali sa trip niya sa buhay. Wala eh, hindi ako makapagsalita ng ayos.

"Kuya! Paepal ka sa buhay ko, alam mo ba iyon?!" Inuubo kong sigaw. He laughed hard at my face while I'm still here, choking like he did nothing to me.

Napakapapansin.

"Bye na, baby sis. Love you." Inang tawa iyan. Ako nga hirap na hirap na dito, gusto ko lang namang manood ng pelikula.

Napagdesisyunan na niyang tumayo at halikan ako sa noo. Bago pa siya umalis, mas lalo akong inubo sa kagagawan niya. He farted inside my room before closing the door. As in sinadya niya kasi naririnig ko pa yung tawa niyang nakakaloko sa labas habang papalayo. Wala na akong nagawa kung hindi tiisin ang amoy at tumayo saglit upang ayusin yung mga bagay na tinumba niya sa table ko.

Kanino bang kapatid iyan. Ang baboy potek.

Mga ilang oras pa ang lumipas, nakatapos ako ng apat na movies dahil sa boredom. Doon ko lang narinig ang pagkatok sa aking pintuan, the maid told me that everyone is already here in the mansion. Nasa dining area na raw at nagkwekwentuhan.

I looked at the clock. It's eight pm.

Bumangon na ako at nag-ayos ng kaunti, hindi ko na napiling magpalit pa ng damit because I don't dress to impress. Mukha pa rin naman akong tao sa white sundress na suot ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang lampas balikat na buhok ko bago huminga ng malalim. Bakit ako kinakabahan?

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon