Chapter 15

12.5K 234 81
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo











Dalawang buwan.

Dalawang buwan na lang potangina mo ka.

Mababalik na yung access ko. Magkakapera na ulit ako at matatapos na rin ang punyetang punishment na iyan dahil sa wakas, hindi na ako maghihirap.

Ngayon pa nga lang napapangiti na ako sa isipan dahil namimiss ko nang hawakan yun sa palad ko. Iniisip ko na rin kung anong una kong bibilhin kahit wala pa akong pera kasi magastos ako minsan lalo na sa pagkain tapos may mga palamunin pa ako kaya hindi ko pwedeng kalimutan ang mga bibilhin ko.

Share the blessings daw kasi.

"I'm so excited yeah, yeah~" Kanta ko habang patalon-talon na nilalandas ang daan patungo sa room namin.

Sa mga nagsasabi nga pala sa akin na ang pera nandyan lang, please pakituro kung nasaan.

Kasi naman! Why is being alive so expensive? I'm not even having a good time in my life. Mamamatay rin lang.

Kung alam ko lang na ganito pala kahirap mamuhay habang nag-aaral edi sana nung kinder palang nag-ipon na ako.

Bakit ko pa kasi inuna yung pagkokorol-korol, hindi na lang ituro ng mga guro kung pano magkapera kahit five years old ka palang. Mabuti nang handa diba?

Medyo sinisipon lang ako ngayong araw kasi nga nag-aya sila na pumunta sa bahay ng kambal tapos ang mga hinayupak ay walang dalang kotse kaya naulanan kami kahapon. Good thing hindi ako nilagnat dahil mabilis akong kapitan ng sakit.

Epekto na yata ito kapag kulang ka sa tulog. Sabi ko kasi sa sarili ko hindi na ako magpupuyat.

Haha, hindi siya nakinig.

Puyat pero maagang nagigising. Don't touch me, I'm chicken.

Nga pala. Sa mga mahilig magpuyat diyan, paunahan na lang tumagos.

"Ay weakshit. Nagsasabi ng joke lang pagkatapos magsend ng risky chat." Bungad na bungad tinatangay na naman ako ng bunganga ni Nash sa sobrang ingay.

"Malamang baka totohanin. Paniwalain pa naman sila."

"May ka-bebe time ka na rin ba, Sen?" Tanong ko kay Yesenia pagkalapag ng bag sa upuan. Maaga akong nakarating sa university kaya medyo nakakahinga-hinga na rin ng maluwag. Muntik pa akong hindi magising nung nag-alarm ako tapos nakasilent pala kung hindi ba naman bobo...

ka.

Alam kong naranasan mo na rin yan kaya may karamay ako.

Hindi ako sinagot nito at natahimik lang. Sinulyapan ko si Nash ngunit napazipper lang ito ng bibig kaya nangunot noo kong pinagmasdan ang Galliego.

May tinatangi na ba ang bruha?

Tinatangi-na.

Sa harap na lang ako tumingin at hindi na sila pinagtuunan ng pansin. Nasan na ba si Prof at aral na aral na ako. Apat na linggo na rin ang nakakalipas nung nakitulog ako sa bahay ni Ma'am. Okay naman yung trato sa'kin, pinagbuhat ba naman ako kinabukasan ng mga makakapal na libro tapos nasa 3rd floor ng mansion niya yung library. Sobrang gaan nga e.

Yung magkaka-osteoporosis ka na't lahat pero sige lang kasi gusto mong paglutuan ka kaya mapapamura ka sa isipan kung bakit kailangan mong magpaalila kung pwede ka namang um-order ng pagkain imbes na magbuhat ng makakapal na librong mas makapal pa sa mukha ni Yandrei.

"Gala tayo, may tres ako dito." Diba? Ang kapal ng mukhang mag-aya nito.

Hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin at hinayaan silang magkulitan. Ang ingay kasi ng mga abnormal kaya naglagay na ako ng earphone sa tenga lalo pa't napapagitnaan nila ako. Hindi pa man ako nakakapili ng kanta sa phone ay may sumulpot bigla.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon