🍊 Prologue 🍊
"KUYA, GUSTO KO SI ELLA! Matagal na. Simula pa noong mga bata pa tayo. Believe me, ilang beses ko siyang iniwasan noon dahil alam kong gustong-gusto mo rin siya. Pero Kuya, gusto kong magalit sa'yo noong dalhin mo siya ulit rito! Akala ko, wala na ito pero bumalik lang din ang naramdaman ko nang makita ko ulit siya! Sinasabi ko na 'to ngayon sa'yo, dahil hindi ko na kayang itago."Matapang na pag-amin ni Yuki sa kapatid niyang si Jinuel. Wala naman siyang ibang gusto sa mga sandaling iyon kungdi ang mailabas ang matagal na niyang tinatago sa kanyang kalooban simula pa noong mga bata sila.
Si Ella, ang girlfriend ng Kuya Jinuel niya, at ang secret crush naman niya. Kaya nga nagpumilit siya noong sumama kina Jinuel at Arjhay sa Rizal Park. Matagal niyang itinago iyon. Ang buong akala niya hindi na niya makikita pa si Ella. Pero laking-gulat niya nang makita niya ang dalaga sa mismong bahay nila.
Una, natakot siya na baka mag-iba ang tingin sa kanila ni Ella matapos nitong matuklasan ang katotoohan tungkol sa kanilang magkakapatid. Pero, lihim siyang nagdiwang nang maging myembro na ito ng kanilang organization.
Ang buong akala niya ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman niya rito. Pero sa paglipas ng mga buwan, pakiramdam niya ay unti-unti na namang nagigising ang damdamin niya rito. At lalo pa itong lumalalim sa tuwing nasisilayan niya ang mukha nito.
Nakita ni Yuki ang pagbabago ng ekpresyon ng mukha ng kanyang Kuya Jinuel matapos niyang ipagtapat iyon. Alam niyang nasaktan ito.
Napatingin rin siya kay Jun na natulalang nakatingin lang sa kanya. Para nga itong istatwa habang may subo-subong potato chips sa bibig.
Parang doon lang natauhan si Yuki na hindi lang pala silang dalawa ng kanyang Kuya Jinuel ang nasa silid na iyon.
Lihim siyang napamura.
"Kaya ba sinabi mo kay Ate Ella na kung ayaw na niya sa department ni Kuya Jinuel, kukunin mo siya?" tanong ni Jun sa kanya.
Siya naman ang nagulat. Hindi niya akalain na naroroon pala si Jun ng mga oras nang biniro niya si Ella ng ganoon. Ang biro niya na may himig na katotohanan.
Napakuyom ang kamao ni Yuki. Parang gusto niyang ipasubo sa bunso nila ang buong junk food na kinakain nito para matigil lang ang kadaldalan.
"Napadami na yata ang inom ko," pag-iwas nalang ni Yuki. Saka na siya tumayo, at lumabas sa opisina ni Kuya Jinuel niya. Parang ngayon niya pinagsisihan kung bakit nag-open siya ng ganoon sa Kuya niya. Itong bibig niya, hindi rin niya mapigilan kapag nakakainom na siya.
Nakokonsensya siya.
Alam niyang pinahirapan lang niya ngayon ang nararamdaman ng Kuya niya. Nagtungo na siya kanyang silid, at doon niya tinuloy ang pag-inom ng mag-isa. Wala sa loob na napasilip siya sa bintana at nakita niya si Ella at Mimi na papasok sa bahay.
Inis niyang sinarado ang kurtina.
Alam kasi niya kung saan ang punta ng mga ito.
Kinabukasan, kaagad na hinanap ng paningin ni Yuki si Ella. Pero hindi niya ito nakita sa medical team. Wala ito sa pila pero naroon si Mimi. Pati ang Kuya niya ay wala rin.
Lihim na napakuyom ang kamao niya. Parang alam na niya kung nasaan ang mga ito. Imposible sa isang mission dahil ang grupo ni Cobi ang nakaschedule ngayong araw para sa misyon.
Tanghali na nang maglakad si Yuki patungo sa opisina ng Kuya Jinjin niya. Pero bigla siyang natigilan nang masilayan niyang sabay na lumabas roon ang kapatid niya at si Ella.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
Hành độngTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...