Chapter 29

58 4 0
                                    

🍊 Chapter Twenty-Nine 🍊

NAKITA NI YUKI ANG gulat sa mga mukha ng kanyang limang bisita nang makita siya ng mga ito. Pagkaraan ay automatikong nagplay sa malaking screen ang CCTV Footage sa naganap na ambush sa bahay nila ni Mayo. Pinindot niya ang remote control para i-pause ang video kung saan kitang-kita roon ang mukha ng limang lalaki.

"Siguro alam n'yo na ang dahilan ko kung bakit ko kayo inimbitahan sa teritoryo ko?" nakangisi pero nanlilisik ang mga mata ni Yuki habang isa-isa niyang tinititigan sa mata sa mata ang limang bisita niya, "Kilala n'yo ba kung sino ang binangga ninyo?" tanong muli niya sa mga ito.

Sinenyasan muli ni Yuki ang mga agent niya para tanggalin ang masking tape na nakadikit sa mga bibig ng mga ito.

"Napag-utusan lang kami!" malakas sa tugon ni Lito na ito ang pinakamalaking katawan sa lahat pero ito ang nakikitaan ni Yuki na matinding takot.

"S-Sumama lang ako sa kanila kasi sabi malaki daw ang ibabayad sa amin," katwiran naman ni Renato sabay ang tingin sa nananahimik na si Orlando.

Nagsimula na ring magsalita sila Victor at Gio para depensahan ang sarili. Nagkasabay-sabay na ang mga ito sa pagsasalita. Para na itong mga bata nangangatwiran sa kanilang magulang, at takot maparusahan.

Pero iritable na kinamot lang ni Yuki ang kanyang kanang tenga.

"Shhhhhhhhh!" singhal niya sa mga ito.

Sabay-sabay ring napatikom ang bibig ng mga ito maliban kay Orlando na nananatiling tahimik lang.

"Ang ingay ninyo!" reklamo ni Yuki saka na siya tumindig sa kanyang kinauupuan. Kinuha niya ang kanyang itim na katana. Pagkaraan ay para na siyang kidlat sa bilis nang lapitan niya ang kinaroroonan ni Orlando.

Dahil sa kanyang liksi, nagulat na lang ang apat na lalaki nang napagtanto ng mga ito nasa harapan na siya ni Orlando, at nakatutok ang dulo ng kanyang katana sa leeg nito.

"Kilala n'yo ba kung sino ang binangga ninyo?" mariin na tanong ni Yuki, at kay Orlando talaga siya nakatingin.

Nakita pa niya ang paggalaw ng adam's apple nito, pati na rin ang butil-butil nitong pawis. Naramdaman din niya ang takot na dumadaloy ngayon sa kalooban nito.

"Sino'ng nag-utos sa inyo?" nanlilisik ang mga mata ni Yuki habang tinititigan niya si Orlando.

Hindi ito nakapagsalita.

Inaasahan na iyon ni Yuki kaya napangisi siya, "Small time smuggler!" panunuya niya rito saka niya binababa ang kanyang katana, "Alam kong malakas ang loob ninyo dahil alam ninyong may humahawak sa inyo!" pagpapatuloy niya habang naglalakad siya palalapit kinaroroonan ni Renato.

"W-wala akong alam! Maniwala ka! Sumama lang ako kay Orlando dahil sabi niya malaki ang kikitain namin sa mission na iyon!" depensa ni Renato.

Bahagyang natawa si Yuki. Wala pa kasi siyang ginagawa pero todo na pangangatwiran nito sa kanya.

"Relax!" pang-aasar na tinapik ni Yuki ang balikat nito, "Gusto ko lang naman malaman kung sino ang nag-utos sa inyo para banggain ang pader na katulad ko?"

"Si Boss Dominic! Si Dominic Sison! Anak ni Senator Joseph Sison!" biglang sabi ni Gio.

Natigilan si Yuki sa kanyang narinig. Kahit may kutob na siya kung sino ang gumawa, hindi pa rin niya maiwasan ang magulat lalo na nadinig niya mismo ang pagkanta ng isa sa mga tauhan nito.

Nakita ni Yuki ang gulat sa mukha ni Orlando. Napamura ito ng wala sa oras, "Kahit kaylan talaga, hindi ka nag-iisip!"

"Sinagot ko lang tanong niya!" katwiran ni Gio, "Iyon lang naman ang kailangan niya sa atin!"

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon