🍊 Chapter Nineteen 🍊
HALOS HINDI MAIPINTA ANG mukha ni Mayo nang bumababa siya sa kanyang sasakyan. Hindi pa nga siya nakakapasok ng tuluyan sa bahay nang salubungin siya ni Yuki.
"What happened? First time mong pumalpak sa misyon!" galit na tanong nito sa kanya, "Kakatawag lang ni Ate Lyra, at sinabi niyang ligtas ang Ambassador! Sa balikat mo lang siya natamaan!"
"Mamaya na lang tayo mag-usap," inis niyang ganti rito at tinangka niyang lagpasan ito.
"No!" pilit nito at nagawa pa siya nitong pigilan sa kanyang braso, "Pasalamat tayo na hindi ka nahuli ng mga security at pulis doon!"
Inis na tinanggal ni Mayo ang pagkakahawak ni Yuki sa kanyang braso.
"Sir, masama po ang pakiramdam ni Miss Mayo kanina pang umaga," sabat ni Sydney.
Matatalim na tingin ang binato ni Mayo sa kanyang assistant. Kahit kaylan talaga, hindi mapigilan ng babaeng ito ang sumabat sa usapan ng iba.
"Masama pala ang pakiramdam mo, bakit hindi mo sinabi. Sana--"
"Kilala mo ako, Yuki! Ayoko pinapasa sa iba ang mission ko!" katwiran na niya, at naramdaman niyang bigla ang pangingilid ng kanyang luha sa mga mata niya.
"Then I'll give you one night para linisin ang kalat mo! Or else, mapipilitan akong parusahan ka, Black Swan!"
Napakuyom ang kamao ni Mayo. Hindi na siya nakapagsalita. Nakita na rin niya ang galit sa mukha ni Yuki, at nagawa pa siya nitong lagpasan. Naramdam rin niya ang bahagyang pagbangga nito sa kanyang balikat.
Matatalim na tingin ang binato ni Mayo kay Yuki. Hindi na rin niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha.
"Miss Mayo," nag-aalalang nilapitan siya ni Sydney. Tinangka pa siyang hawakan nito pero inis din niyang hinawi ang kamay nito.
Dumiretso si Mayo sa kanyang kuwarto. Doon siya umiyak. Hindi naman ito ang unang beses na pinagalitan siya ni Yuki. Pero ewan niya kung bakit parang ang sama-sama ng loob niya rito. Hindi rin niya alam kung bakit umiiyak siya ngayon. Pakiramdam niya, aping-api siya sa sitwasyon niya.
Masamang-masama pa rin ang loob niya habang inaalam niya kung nasaan ang kanyang target ngayon. Halos hindi na rin niya namalayan na madilim na pala sa labas, at kailangan na niyang tapusin ang mission na binigay sa kanya.
Hindi na niya kinontak si Sydney. Tumakas na siyang mag-isa. Nagtungo na siya sa isang private hospital kung saan nakaconfine ang Ambassador ng Vietnam. Tulad ng kanyang inaasahan, napakaraming security ang nakabantay sa bawat sulok ng hospital.
Gamit ang binocular, sinapat niya ng tingin ang gusali kung saan naroroon ang kanyang target. Kasalukuyan siyang nasa kabilang building lang, naghihintay ng magandang tyempo.
Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makita na niya ang kanyang target. Pagkaraan ay sinuot na niya ang kanyang mga gloves at facemask.
Gagawin niya ang kanyang mission ng tahimik at malinis.
Dinukot niya mula sa likod ng kanyang kapa ang kanyang pistol whip. Binaril niya ang isang punong kahoy para kapitan nito. Nang matiyak na niyang matibay iyon ay saka siya nagslide palipat sa punong iyon. Para na siyang itim na ibong lumipad sa madilim na gabi.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...