Chapter 37

52 1 1
                                    

🍊 Chapter Thirty-Seven 🍊

KASALUKUYANG NAGAGANAP ANG pulong ng mga magkakapatid na Infantes ng mga sandaling iyon kasama ang ilang agent nilang may mga ranggo na. At nasa kalagitnaan na sila ng plano para kanilang sekuridad nang makatanggap sila ng e-mail sa mula sa Secret Organization.

Kaagad nilang binuksan ang naturang email. At mayroon doon nag-iisang files na may subject na...

"New 100 Rank List."

Pinabuksan iyon ni Lady Lyra. At nag-appear sa malaking monitor nila ang isang video kung saan naroon ang bagong listahan ng mga rank list.

Ganito lagi ang eksena nila sa tuwing may nagaganap na agawan sa posisyon. Hinahayag ng kanilang organization ang bawat ranggo ng mga agent. Daig pa nila ang mga istudyante na nag-aabang ng kanilang grade mula sa nakakataas.

Lahat ay tutok na tutok sa monitor.

May narrator na babae ang nagsasalita sa video kung saan binabanggit roon ang mga pangalan at codename ng mga agent na pasok sa ranggo hanggang isang daan.

Sa First Ten, nabanggit roon ang pangalan nila Jinuel at Lyra.

Sa pangalawang sampu, kabilang na roon ang anim pang magkakapatid na sila Yuki, Cobi, Arjhay, Jimmy, Tata at Jun.

Halos wala naman nagbago sa listahan maliban sa ika-walong batch kung saan binanggit roon ang pangalan ni Dominic Sison a.k.a Black Sheep.

Napatayo sa gulat si Yuki dahil sa nakita. At nang matapos ang 100 rank list, lumitaw sa kanila minitor ang mukha ni Dominic.

"Ako si Dominic Sison. Secret Agent Rank number 82. Codename: Black Sheep!" nakita pa nila ang pagngisi sa mga labi ni Dominic bago natapos ang video nito. Kasunod ang clip kung sana nakasulat ang Rest In Peace, at pangalan ni Senator Joseph Sison na nabasa nila.

Lihim na napakuyom ang kamao ni Mayo. Pakiramdam niya, naghahamon ang mga mata ni Dominic na nakatingin sa kanila.

"Rank 82?!" gulat ni Yuki. At saka rin ito napatingin kay Mayo. Dahil alam nila pare-pareho na ang ranggo iyon ang dating posisyon ni Romeo na inagaw noon ni Joseph Sison. Kung ganoon, paano napunta ang rito ang posisyon ng ama nito?

"Ano iyon? Pinasa niya ang posisyon sa anak niya?" nagtatakang tanong ni Tata, "Pwede ba iyon?"

"Hindi iyon, pwede!" tugon ni Lady Lyra.

"May sakit ba ang senator kaya biglaan ang pagkakamatay niya?" nagtatakang tanong naman ni Jimmy.

"Kahit namatay sa sakit ang senator, kapag namatay siya magiging bakente ang posisyong iniwan niya. Tapos may malaking pagpupulong sa Organization. Pagbobotohan o paglalaban kung kanino mapupunta ang ranggong iyon," paliwanag naman ni Lady Lyra, "Hindi iyan kayaman na pwede mong ipamana sa kamag-anak mo."

"Saka malakas pa ang senator. Nakita n'yo naman noong wedding namin," tugon ni Jinuel, "Mapapasakanya lang ang ranggo kung pinapatay niya na ang may hawak ng titolong iyon."

"Ibig sabihin, pinatay ni Dominic ang sariling ama niya?" gulat naman na Jimmy na nanlalaki pa ang singkit nitong mata.

"Iyon ang tamang sagot!" pagsang-ayon ni Lady Lyra.

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon