Chapter 25

62 5 0
                                    

🍊 Chapter Twenty-five 🍊

MALALIM NA ANG GABI pero nananatili pa rin pinakikiramdaman ni Yuki ang buong paligid. Kasalukuyan siyang nakatungtong sa bubong ng kapit-bahay nila Mayo. Kanina pa siya rito at lihim niyang pinagmamasdan ang dalaga mula sa kuwarto nito.

Nakita pa siya ni Sydney pero sinenyasan lang niya ito na huwag ipaalam kay Mayo na naroon siya. Nakuha naman iyon ng kanyang agent, pero nakita niya ang makahulugang ngiti nito.

Oo, madaldal si Sydney. Opposite sila ng ugali ni Mayo. Kahit inis na inis si Mayo rito dahil sa kadaldalan nito. Matalas ang paningin at pakiramdam ni Sydney. Wala rin siya masabi rito kapag oras ng trabaho, maganda ang performance nito. Ito ang dahilan kung bakit sa dami ng agent niyang babae ay si Sydney ang napili niya para magbantay kay Mayo.

Lumipat na ng bubong si Yuki nang makita niyang nakatulog na si Mayo sa kuwarto nito. Nagtungo siya malapit sa bintana ng kuwarto nito. At muli niyang pinakiramdaman ang paligid.

Tulog na tulog na si Mayo.

Napansin niya simula nang magdalang-tao ito, humina na rin ang pakiramdam nito sa paligid. At lumalim kaagad ang tulog nito.

Dahan-dahan nang binuksan ni Yuki ang bintana, at saka rin siya dahan-dahan na pumasok sa kuwarto nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang mukha ng dalaga.

Namumugto ang mga mata nito.

Sinabi sa kanya ni Sydney na humagulgol ito sa harap nila Lolo Danilo at Lola Esperanza. Naglabas ito ng sama ng loob dahil sa kanya. Nang nalaman niya iyon kay Sydney, natakot siya magpakita sa dalawang matanda. Kaya nagtyaga na lang siyang magmatyag sa ibabaw ng bubong.

Binaba ni Yuki ang kanyang katana, at ilang sandatang tinatago niya sa kanyang damit. At dahan-dahan siyang tumabi sa kama ni Mayo.

Lihim siyang nakahinga ng maluwag dahil hindi man lang siya naramdaman ni Mayo. Malalim pa rin ang pagkakatulog nito. Muli niyang pinagmasdan ang mukha nito, doon niya naramdaman ang pagkabog ng malakas ng dibdib niya.

Napadako ang tingin niya sa mga labi nito. At automatikong nagrewind sa kanyang isipan ang scenario na inangkin niya ito. Wala siyang pakealam kung open-area man ang gazebo niya, o may ibang agent ang makakita sa kanila noong panahon na iyon. Pakiramdam niya, sa kanilang dalawa ni Mayo ang mundong iyon. Silang dalawang lang, at wala nang iba.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Parang nasabik siyang halikan muli ito. Makontento muna siya ngayon sa pagkakatigtig sa mukha nito.

Pumikit siya. Sinubukan niyang matulog, wala siyang pakealam kung maabutan man siya ni Mayo roon. Iyon nga ang plano niya, para makapag-usap sila ng maayos.

Hindi na alam ni Yuki kung ilang oras na siyang nakatulog. Muli na lang siyang nagising nang marinig niyang umiiyak si Mayo sa kanyang tabi.

Nakita naman niyang nakapikit ito pero umiiyak. Wala siyang ideya kung bakit ito umiiyak? May nakikita ba itong hindi maganda?

"Yuki... " usal nito.

Napakunot ang noo niya nang marinig niyang tinawag nito ang pangalan niya.

Aktong hahawakan na niya ang pisngi nito nang biglang dumilat ang mga mata nito. Kumabog nang malakas ang dibdib ni Yuki dahil nagtama ang kanilang mga paningin.

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon