🍊 Chapter Twelve 🍊
"MISS MAYO! SANDALI LANG PO! Nasasaktan po ako!" Daing ni Sydney.
Pero parang walang nadinig si Mayo. Lalo pa nga niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ng agent niya habang kinakaladkad ito patungo sa lugar kung saan naroroon si Yuki ngayon.
Nagtungo sila sa malawak na taniman ng tangerine. Sa gitna ng taniman nito ay may maliit na gazebo na gawa naman sa mataas na uri ng kahoy. Open area iyon kaya kitang-kita sa paligid ang mga maliliit pero mayayabong puno ng nasabing prutas.
Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya si Mayo kung ano bang mayroon sa prutas na iyon, at parang obsessed na obsessed roon si Yuki. Hindi rin naman niya ito maitanong dahil hindi niya ugaling mag-usisa sa buhay ng iba.
Tulad ng kanyang inaasahan, naabutan ni Mayo si Yuki na nag-iisa sa lugar na iyon habang hawak nito ang paborito nitong gitara. Galit na niyang nilapitan ang binata, at pabalang niyang binitawan si Sydney.
Muntik pa ngang mapasubsob sa sahig ang dalaga niyang agent.
"Diba sinabi ko na sa'yo na ayoko ng assistant!" inis na sabi ni Mayo.
Huminto si Yuki sa pagtipa sa guitara nito, at nag-angat ito ng tingin, "Diba, sinabi ko rin sa'yo ang dahilan? Saka hindi lang si Sydney ang magiging assistant mo. Sampu sa mga baguhan ang maa-assign sa'yo. Plus, dalawa sa agent kong lalaki, ibibigay ko sa'yo! Si Ferdinand at Renz!"
"Ayoko nga!" diin niya.
"Sa ayaw mo o sa gusto, ako pa rin ang masusunod!" singhal ni Yuki, at mariin din siyang tinitigan nito.
Napakuyom ng kamao si Mayo, "Huwag mong akong itulad sa girlfriend ng Kuya Jinuel mo! Hindi ako kasing hina at kasing duwag niya!"
Napakunot ang noo ni Yuki.
Alam ni Mayo na natamaan niya ang damdamin ni Yuki nang mabanggit niya ang girlfriend ng Kuya Jinuel nito. Hindi rin naman lingid sa kanyang kaalaman na may lihim itong pagtingin sa babaeng iyon.
"Isa pang banggit mo sa akin tungkol kay Ella, matatamaan ka na!" pagbabanta ni Yuki, at nakuha na nitong itabi ang hawak na guitara.
Umarko ang isang sulok ng labi ni Mayo, "Kahit ilang beses mong itanggi, kitang-kita pa rin sa mukha mo na may nararamdaman ka pa rin sa kanya!"
Tumindig na si Yuki. Nag-iba na rin ang naging timpla ng mukha nito. Nakangiti pero nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
Wala namang naramdamang anumang takot si Mayo. Hindi rin siya natinag nang sinimulan na siyang sugurin ni Yuki. Mabilis niyang nadepensahan ang kanyang sarili. Pagkaraan ay gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Talagang hinahamon mo ako?" saad ni Yuki nang mapansin nito ang pagkakangiting iyon ni Mayo, "Ibang klase ka talaga! Ako ang mas mataas sa'yo pero ayaw na ayaw mong inuutusan kita!"
"Agent mo ako, hindi yaya!" katwiran ni Mayo, "At alam mo iyan, Mister Infantes! O baka gusto mong magpustahan pa tayo! Kapag natalo kita, ipupull-out mo ang lahat ng agent na inaassign mo sa akin!"
"Heto na naman tayo, eh!" napakamot ng ulo si Yuki, "Pero sige! Kapag natalo ka! Within seven days! Lahat ng utos ko susundin mo!"
"Deal!" pagpayag ni Mayo.
Napangiti si Yuki.
Hindi naman ito ang unang beses na nagkaroon nila ng ganitong pustahan. Pero aaminin ni Mayo, kahit maraming beses na nilang ginagawa ang ganito ay madalang lang siyang manalo. Pero hindi siya susuko, alam niyang magagawa rin niyang talunin ang mayabang na lalaking ito.
"Go, Miss Mayo!" pagcheer pa ni Sydney.
Natawa pa si Yuki sa narinig. Pero hindi iyon nagustuhan ni Mayo. Ang isa pang kinaiinis niya, sa daming agent na babaeng pwedeng gawing assistant niya, bakit itong pang si Sydney ang napili ni Yuki? Alam na alam naman niya kung gaano kaingay ang babaeng ito. Opposite side niya ito, eh! Noong magkasama pa lang sila sa training ay iritang-irita na siya sa kadaldalan nito!
Nagsimula nang umatake si Mayo sa kanan, ganoon din sa kaliwa! Pero nagagawa ni Yuki na depensahan iyon. Halos umecho rin sa buong paligid ang kalansing ng kanilang mga katana sa tuwing magsasalubong ang talim nito.
Lumalalim na ang gabi, pero naroroon pa rin sila sa lugar na iyon at naghahabulan.
Muling umatake si Mayo, at hindi niya sinasadyang matamaan ang isa sa mga halaman ni Yuki. Nalagasan iyon ng ilang dahon at bunga.
Natigilan si Mayo.
"Hoy!" bulyaw ni Yuki saka mabilis siya nitong inatake. Nag-iiba talaga ang ugali nito kapag nadadamay na ang pinaka-iingatan nitong mga halaman.
Sa lakas at bilis ni Yuki, nabitawan ni Mayo ang hawak niyang katana. Pagkaraan ang mabilis rin siyang kinabig nito, at hinala papalapit rito. Nawalan na siya ng kontrol sa kanyang katawan. Naramdaman din niya ang pagpalupot ng mga braso niya kaya hindi na niya iyon maigalaw pa. Pero daig pa niya ang natuklaw ng ahas nang magkalapit na ng husto ang katawan nila ni Yuki sa isa't isa.
Naramdaman ni Mayo ang pagkabog ng dibdib niya. Naramdaman rin ang init na mabilis na gumapang sa bawat ugat niya.
Bumababa ang tingin ni Yuki sa mga labi ng dalaga.
Naramdaman naman iyon ni Mayo. Ewan niya pero nagawa niyang pumikit at umaasa siya sa susunod na hakbang na gagawin ni Yuki. Pero taliwas sa kanyang isipan, nagawa na siyang tutukan nito ng katana sa leeg.
"I got you again!" nakangising saad nito.
Nagawa muling dumilat ni Mayo. At nakita niya ang mapang-asar na ngiti sa kanya ni Yuki. Kaagad siyang ginapangan ng hiya. Namula ang magkabila niyang pisngi, at inis siyang pumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng binata. Pagkaraan ay nagawa niya ito itulak papalayo sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay para siyang mapapaso sa tuwing magkakadikit ang katawan nila.
"Ang pula ng pisngi mo!" pang-aasar pa nito.
"Sira ulo ka!" tinangka pa ulit niya hampasin ng katana si Yuki pero mabilis itong nakailag.
"Talo ka na! Huwag mo nang pagpilitan!" natatawang sabi ni Yuki.
"May araw ka rin sa akin! Kakalbuhin ko iyang mga tanim mong kalamansi!" nanggagalaiting banta niya saka inis na tinalikuran ito.
"I don't believe you! Ilang beses ko nang narinig iyan sa'yo! At kalamansi pa talaga, ah! Huwag kang pipitas dito, ah!" natatawang saad nito.
Padabog nang umalis si Mayo sa lugar na iyon habang dinig na dinig niya ang malakas na pagtawa ni Yuki sa kanya.
Itutuloy...
🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...