Chapter 8

56 9 0
                                    

🍊 Chapter Eight 🍊


HABANG PAPALAPIT si Mayo sa nasabing abandunadong amusement park ay lalo lamang tumintindi ang kabang nararamdaman niya. Wala pa siyang kasiguraduhan kung tama bang maniwala siya sa mga pahiwatig ng kanyang panaginip. Pero iba talaga ang kutob niya. At kapag hindi niya iyon sinunod, alam niya sa kanyang sarili na posible niya itong pagsisisihan. Pero nagtataka siya kung bakit si Yuki lagi ang napapaginipan niya? Ano bang mayroon sa lalaking iyon? Ano bang komukunekta sa kanilang dalawa?

Napatingala si Mayo sa maala-rehas na gate ng naturang amusement park. Madilim ang buong paligid. Sadyang nakakatakot at nakakakilabot. Ayon sa kanyang naresearch, isa ang amusement park na ito sa mga pinupuntahan ng mga vlogger na gustong mag-ghost hunting.

Private property ito, pero nakakapagtatakang walang gwardiyang nagbabantay?

Naisipan na ni Mayo ang tumalon sa bakod. Wala siyang anumang kabang nararamdaman nang tumungtong ang dalawang paa niya sa loob. Nagsimula na siyang maglakad-lakad.

Nilibot niya ang kanyang paningin sa tahimik na paligid. Natanaw niya sa hindi kalayuan ang isang lumang gasali. Kung hindi siya nagkakamali, ang gusaling itong ang pinuntahan ni Yuki sa kanyang panaginip.

Gamit ang kanyang flaslight, sinipat ni Mayo ang daan na nilalakaran niya. Magulo sa lugar. Iba na rin ang amoy ng paligid. Wala siyang ideya kung anong mayroon sa lugar na iyon, pero malakas ang pakiramdam niya na may mangyayaring hindi maganda.

Narating na niya ang silid na kanyang hinahanap. Eksaktong-eksakto ang itsura nito sa kanyang panaginip. Ibig sabihin, posibleng totoo ang mga pahiwatig sa kanya.

Nasa ganoong pag-iisip si Mayo nang makarinig siya ng mga kaluskos! Kinutuban siyang hindi na siya nag-iisa sa lugar na iyon. Wala naman siyang ideya kung ngayong gabi rin ba ang pagpunta nila Yuki sa lugar na ito. Ang gusto lang naman niyang malaman ay kung tama ba ang lugar na ito sa kanyang panaginip.

Dali-dali na siyang nagtago.

Lihim niyang pinakiramdaman ang buong paligid. Ilang saglit pa, nakita niya ang pagpasok ni Yuki sa silid.

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Mayo. Lalo nang makita niya ang kulay ng suot nito, at kung papaano nito hawakan ang bitbit nitong pana.

One hundred percent na tama ang mga pangitaing pinakakita sa kanya ng panaginip niya.

Napatingin si Mayo sa itaas ng kisame. Nakita niya ang CCTV. Sa pagkakataong iyon, naramdaman niya ang bahagyang pagkirot ng kanyang ulo. Pero bigla siyang natigilan nang makita niyang handa nang tirahin ni Yuki ng palaso nito ang naturang CCTV.

"Huwag!" malakas na sigaw niya.

Nagulantang si Yuki. At gulat napatingin sa dakong kinaroroonan ni Mayo. Mabilis rin nitong tinututok ang pana ang dalaga bilang pagdepensa sa sarili.

"Ikaw?!" bulaslas nito.

"H-huwag mong titirahin ang CCTV, may bomba d'yan!" babala ni Mayo rito.

"Ano'ng sabi mo?" gulat nito pero bigla itong natigilan na parang may bigla itong narinig sa suot nitong earphones, "Wait lang, kuya! Wala munang gagalaw sa mga pwesto ninyo!"

Saka may pinindot si Yuki sa suot nitong relo. Ilang saglit pa ay muling umarko ang mga braso nito, at matapang na tinutukan ng pana ang dalagitang si Mayo.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Yuki kay Mayo.

"Para balaan ka!" maikling tugon nito.

Napakunot ang noo ni Yuki.

"Kung ayaw mong maniwala, i-check mo ang CCTV na iyon!" matapang na tinuro ni Mayo ang naturang CCTV sa taas ng kisame.

"She's right!" bulaslas ni Arjhay sa pamamagitan ng wrist watch na suot ni Yuki, "This is a trap! Kailangan na nating makaalis sa building na ito, within one minute!"

Pagkarinig ni Yuki sa sinabing iyon ng kapatid ay dali-dali na itong binababa ang armas saka inis na nilapitan si Mayo. At marahas nitong hinala ang dalaga. Kapwa na sila tumalon sa bintana kung saan may kasunod niyon ang malakas na pagsabog sa bawat parte ng gusali.

Halos mabingi si Mayo sa kanyang mga narinig. Parang nagblangko bigla ang kanyang utak sa lakas ng impact ng pagkakasabog. Nandilim na rin ang paningin niya hanggang sa mawalan na siya ng malay-tao.

Wala nang ideya si Mayo kung gaano siya katagal na nawalan ng malay. Basta nang idilat na niya ang kanyang mga mata, nakapalibot na sa kanya ang anim na kapatid ni Yuki.

Napabalikwas siya ng higa.

"A-ano'ng ginagawa n'yo?" saka niya mabilis na sinuot ang hood sa kanyang ulo. At saka siya napatingin sa nagliliwanag na gusali. Nakita niyang kasalukuyan na itong nilalamon ng apoy.

Hindi alam ni Mayo kung ano ba ang dapat na mararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Mukhang nilagay din pala niya sa panganib ang buhay niya. Ibig sabihin posibleng mapasama siya sa pagsabog kanina kung sakaling nahuli siya ng ilang minuto?

Nasa ganoong pag-iisip si Mayo nang hinugot ni Yuki ang isang espada. Nanlilisik ang mga mata nitong nilapitan siya at nagawa siyang tutukan nito sa kanyang leeg.

Natigilan si Mayo. Hindi dahil sa gulat kungdi dahil alam niya kung gaano katalim ang hawak nitong sandata. At sa oras na gumalaw siya, posibleng katapusan na niya. Madilim ang paligid pero kitang-kita niya ang pagkinang ng talim ng espada nito dahil sa sinag ng apoy na nanggagaling sa gusali.

"Sino ka?" tanong ni Yuki sa kanya habang diretso itong nakatitig sa mga mata ni Mayo.

Hindi naman nagpatalo si Mayo. Nakipaglabanan siya ng titigan rito.

"Ikaw sino ka nga ba talaga?" balik na tanong niya rito.

"Ikaw ang unang tinatanong ko kaya ikaw ang unang sumagot!" singhal nito.

"Akala mo ba matatakot mo sa ako sa pagsigaw-sigaw mong iyan!" singhal din ni Mayo, "Ikaw na nga itong niligtas ng dalawang beses ikaw pa itong galit?"

"Dalawang beses?!" gulat ng mga kapatid ni Yuki.

"Kung sa tingin mong isa akong kalaban ninyo! Sige, patayin mo ako!" mapanghamon na turan ni Mayo sa binata.

Nakita niya ang nanggagalaiting mukha ni Yuki sa kanya. Halatang pinipigilan nito ang galit sa kanya. Pero ilang saglit lang ay umarko ang braso nito. Handa na siya nitong hampasin nang hawak nitong sandata nang pinigilan ito ng isa sa mga kapatid.

"Ano ba, Yuki! Hindi siya ang main target natin!" singhal na rin nito.

Natigilan si Yuki.

Pero hindi natinag si Mayo. Nanlilisik rin ang mga mata niyang tinitigan ang binata.

Itutuloy...

🍊🍊🍊🍊🍊🍊

🍊🍊🍊🍊🍊🍊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon