Chapter 34

56 1 0
                                    

🍊 Chapter Thirty-Four 🍊

MAG-ISA NA LANG MULI SI MAYO SA kanyang kuwarto. Pero nananatili pa rin niyang tinitignan ang larawan ng dalawang lalaking nakamotor. Hindi niya alam kung anong klaseng tao ba ang mag-amang Sison? Hindi niya akalain na ganito kasama ang mga ito.

Si Joseph Sison, malaki ang tiwala ng mga tao rito. Maganda ang imahe nito sa publiko, pero napaka-itim ng budhi. Sa ilang taon niyang pag-iimbestiga rito, matuklasan niya ang ilang mga katiwalian nito.

Ang pagiging corrupt nito.

Hindi pa niya nasasabi kay Yuki o kay Lady Lyra, natuklasan niya ang tunay na humahawak rito ay walang iba kungdi si Norman Karihalan, Secret Agent Rank Number Three!

Wala sa loob na nilukot ni Mayo ang naturang larawan. Punong-puno siya ng galit para sa dati niyang kaibigan. Hindi niya lubos maisip na minsan siyang nagkagusto rito.

"Humanda ka sa akin, ako mismo ang papatay sa'yo. At aagawin ko ang ranggong kinuha ng Daddy mo sa Papa ko!" nanggagalaiti niyang bulong sa kanyang sarili.

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang tumunog ang wrist watch niya.

"Miss Mayo, nandito si Lady Lyra," ani ni Sydney.

"Sige, papasukin mo," tugon naman niya.

Pagkasabi niyang iyon ay bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto. Iniluwa roon si Lady Lyra.

"Inaasahan kong pupuntahan mo ako sa opisina ko matapos kong ibigay sa agent mo ang mga dokumento tungkol sa Papa mo," mahabang hayag nito sa kanya.

Isang marahas na hininga lang ang pinakawalan ni Mayo, "Alam ko naman po na confidential ang pagkamatay ng tatay ko. Ngayon alam ko na bakit nahihirapan akong maghanap ang information tungkol sa kanya."

"Sorry kung inilihim ko sa'yo ang lahat," lumapit sa kanya si Lady Lyra at hinawakan nito ang kamay niya, "Ten years ago, kinausap ko ang lolo at lola mo. Sa kanila ko unang sinabi ang tungkol sa Papa mo. Pero hiniling nilang ilihim ko ito sa iyo."

Gulat siyang napatingin rito, "Kaya ba pinayagan na nila akong sumama sa inyo?" tanong niya rito.

Tumango si Lady Lyra.

"B-Bakit sinabi n'yo sa akin ang totoo ngayon?" nagtatakang tanong ni Mayo.

"Dahil ayokong dumating ang araw na sa iba mo pa malaman. Hindi ka na iba sa akin, kung tutuusin para na rin kitang kapatid," tugon ni Lady Lyra.

"Lady Lyra," tawag ni Mayo rito, "Si Joseph Sison, parang matalik na kaibigan ni Papa. Kami ni Dominic magkababata kami, magkasama kami noon sa mga activity, mapa-school man o barangay. Si Dominic, ginagawa niya ang lahat para maging proud sa kanya ang Papa niya. Lagi siyang sinasaktan ng Daddy niya. Minsan pumapasok si Dominic sa school na may pasa."

"I see..." tumangu-tango si Lady Lyra, "...Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang gumawa ng mission na dapat ang Daddy niya ang gagawa."

"Ang kapal ng mukha nilang mag-ama!" napakuyom ang kamao ni Mayo, "May mga mukha pa silang magpunta noon sa burol ng Papa ko. Tapos nangako pa siyang ipapahanap ang taong pumatay sa Papa ko. Pero pinalabas niyang sangkot si Papa sa illegal drugs."

"Sa tagal na pag-iimbestiga mo sa kanila, may mga natuklasa ka bang mga kahinahinalang gawain nila?" tanong ni Lyra.

Natahimik si Mayo.

"Kailangan natin iyon, Mayo. Nakikiusap ako sa'yo," hiling nito, "Alam nating pareho na mababang uri ng agent si Dominic. At ang posisyon ni Yuki ang target niya."

Napakuyom ang kamao ni Mayo.

"At posibleng gamitin ka ni Dominic para makuha si Yuki," pagpapatuloy ni Lady Lyra, "Kaya nagdesisyon akong dumito ka muna. Mayo, tulungan mo kami."

"Kahit hindi n'yo po sabihin, tutulong po ako. Lalo na nalaman kong kasama ni Papa ang Papa ninyo sa Organization," tugon niya.

"Salamat, Mayo!" Ngumiti ito, "Si Papa at ang Papa mo...." may inabot itong isang lumang picture.

Nagtatakang kinuha naman iyon ni Mayo. At naramdaman niya ang paglingid ng kanyang luha nang makita ang nakangiting larawan ng kanyang Papa noong kabataan nito. Kasama nito sa larawan ang isang lalaki na may pagkakahawig kay Yuki at Cobi.

"Hindi lang sila basta magkasama noon. Kungdi matalik na silang magkaibigan," ngumiti si Lady Lyra, "Tinadhana ka talaga sa pamilya namin, Mayo!"

Ngumiti si Mayo. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag dahil sa mga narinig niya.

"Lady Lyra, si Norman Karihalan. Siya ang humahawak sa mag-amang Sison. Kaya madaling nakuha ni Senator Joseph ang posisyon niya sa politika," pag-amin niya.

"S-Si Norman?!" gulat nito, "S-Sigurado ka ba d'yan?"

"Opo," siguradong-sigurado niyang tugon. Saglit niyang kinontak si Sydney sa pamamagitan ng kanyang wrist watch para utusan itong kunin ang mga dokumentong nakuha niya sa mag-amang Sison.

"Copy po, Miss Mayo!" tugon ni Sydney sa kabilang linya.

"Nasa opisina ko po sa camp ni Yuki ang lahat ng dokumento. Sa totoo lang po, Lady Lyra. Nang matuklasan ko ang tungkol sa bagay iyon, natakot ako. Hindi po basta-basta kalaban si Norman," pag-amin niya.

"I know... I know..." napakagat ng ibabang labi si Lady Lyra, "...Alam mo bang kinukutuban rin ako na baka may kinalaman siya sa pagkakapatay sa magulang namin. Posibleng gawin niya iyon lalo na nalaman kong kapatid siya ni Mama sa labas."

"Ginagamit niya ang mag-amang Sison para unti-untiin ang grupo mo. Dahil alam nating lahat na apo kayo ng presidente ng organization. At si Yuki ang unang target nila!" nanlaki ang mga Mayo matapos niyang pinagdugtong-dugtong ang mga lahat ng hinala nila. Pero hinala palang iyon wala pa silang sapat na katibayan.

"May punto ka," tanging nasabi ni Lady Lyra saka ito napaisip, "Alam na ba ni Yuki ang tungkol kay Norman Karihalan?"

"Hindi pa po," tugon niya.

Eksakto naman nang mabanggit nila si Yuki ay saka naman ang pagdating ng mga ito kasama ni Jinuel at Ella. Dali-dali nilang sinalubong ang mga ito sa lobby.

"What happened? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni Lady Lyra kay Yuki nang mapansin ang magulong itsura nito.

"Muntik na nilang makuha si Yuki, ate!" si Jinuel ang sumagot.

"Tangay na nila ako, mabuti na lang tumawag ka!" sagot ni Yuki sabay ang tingin sa nananahimik na si Mayo, "Dahil doon nakabwelo ako para depensahan ang sarili ko. Niligtas mo ulit ako!"

Lihim na napalunok si Mayo.

"Ate, Ipatawag mo na ang ibang kapatid natin!" ani Jinuel, "Ate, may banda sa grupo natin! Alam kong hindi titigil ang mag-amang Sison! Lalo pa natuklasan namin na hawak sila ni Norman Karihalan!"

"I know! Ipagtapat na sa akin ni Mayo ang lahat," tugon ni Lady Lyra, "Inutusan na rin namin si Sydney para kunin ang mga dokomento sa camp ninyo Yuki."

Gulat na napatingin ang tatlo kay Mayo. Nagtatanong ang mga mata nitong tumingin sa kanya.

Itutuloy...
🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊

🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon