Chapter 13

72 9 3
                                    

🍊 Chapter Thirteen 🍊

"MISS MAYO, MISS MAYO!"

Kasalukuyang nag-eensayo ng mga sandaling iyon si Mayo ng anchery nang marinig na naman niya ang boses ni Sydney. Automatikong nagpintig ang dalawang tenga niya dahil sa tinis ng boses nito na para bang nanunuot hanggang sa sulok ng kanyang tenga! At bago pa ito tuluyang makalapit sa kanya ay nagawa na naman niyang itutok ang hawak niyang pana sa dalaga.

Nagulat naman si Sydney, at natigilan ito.

"Ang aga-aga! Ang ingay-ingay mo!" naiiritang sabi niya rito.

"A-Ano po kasi may pinapaabot po si Sir Yuki," anito saka inabot sa kanya ang isang puting envelop.

Nakakunot ang noo ni Mayo na kinuha naman ang naturang envelop na iyon. Kaagad niyang naamoy ang mabangong aroma na nanggagaling sa naturang papel.

Amoy-rosas!

"Wedding Invitation galing kay Boss Jinuel at Lady Ella!" kinikilig na turan ni Sydney.

Naningkit ang mga mata ni Mayo nang sulyapan niyang saglit ang kanyang assistant. Hindi pa nga niya nababasa ang loob parang nagkaroon na siya ng ideya sa nilalaman nito dahil pinangunahan na naman siya ng kadaldalan ng magaling niyang assistant.

Mukhang nakuha naman ni Sydney ang pagkakatitig niyang iyon kaya napatikom ito ng bibig.

Nagawa nang buksan ni Mayo ang naturang envelop. At halos magtaasan ang mga balahibo niya sa katawan nang mabasa niya ang kanyang pangalan sa listahan ng mga secondary sponsor. At hindi lang basta abay, kungdi Main of Honor!

"Nahihibang na ba ang babaeng iyon? Ako pa talaga ang ginawa niyang Maid Of Honor? Kaylan ba kami naging close ng babaeng iyon? Nakakairita, ah!" nanggagalaiting nilukot ni Mayo ang naturang invitation card.

"Ganyan na ganyan rin po ang naging reaction ni Sir Yuki nang malaman niyang siya ang Bestman!" kinikilig na turan ni Sydney.

"Humanda sa akin ang babaeng iyon!" galit na galit pinaglulukot niya ang iba pang papel at saka niya iyon itinapon sa kung saan.

Nagulat si Sydney sa ginawa niya.

"Nabasa mo na ba kung sino ang mga nasa listahan?"

Napabaling ang tingin ni Mayo sa kanyang likuran nang marinig niya ang boses ni Yuki roon. Nakita pa niyang pinulot nito ang mga nilukot niyang papel.

"Bakit sino ba ang nasa listahan?" nagtatakang tanong ni Mayo.

"Si Senator Joseph Sison," tugon nito, "Huwag mong sabihin kinalimutan mo na siya?"

Napakuyom ang kamao ni Mayor nang marinig na naman niya ang pangalan ng taong kinamumuhian niya. Isa sa mga taong pinanghihinalaan niyang nag-utos na ipapatay ang Papa niya. Sa paglipas ng sampung taon, mabilis nitong nakuha ang posisyon sa gobyerno bilang kilala at ginagalang na Senator sa bansa.

"And guess what?" humakbang si Yuki papalapit sa kanya.

"Ano?"

"Believe it or not! Kabilang na siya sa mga High Rank!" muling inabot ni Yuki ang isang pirasong papel sa kanya.

Tinignan iyon ni Mayo. At kaagad niyang nabasa ang pangalan ni Joseph Sison sa nakalista sa mga Principal Sponsors.

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon