🍊 Chapter Fifteen 🍊
AAMININ NI MAYO SA KANYANG sarili na sadyang may kagandahan ngang taglay ang Bride ni Boss Jinuel. Halos lahat ay namangha rito habang naglalakad na ito sa gitna ng aisle.
Para pa ngang nasilaw si Mayo sa kagandahan nito nang dumaan na ito malapit sa kinauupuan niya. Hindi talaga siya close kay Ella. Pero dahil sa lahat ng agent na babae na handle ni Lady Lyra, sila palang ni Ella ay may ranggo. Nahihinaan siya sa babaeng ito, minsan gusto niya itong yayaing makipag-dwelo sa kanya kaso nag-aalangan siya na baka magkaroon ng isyu. Ganoong hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may gusto itong si Yuki kay Ella!
Inis na napabuntong-hininga si Mayo. At wala sa loob na napatingin siya sa dakong kinaroroonan ni Yuki. Pero bigla siyang natigilan nang malaman niyang nakatingin rin pala ito sa kanya ng mga oras na iyon.
Ewan ni Mayo, pakiramdam niya ay biglang huminto ang oras sa pagitan nilang dalawa nang bigla itong ngumiti sa kanya.
"Teka, ano ba nakain 'nun?" nagtatakang tanong ni Mayo sa kanyang sarili.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang maramdaman ni Mayo na may humawak sa kanyang kamay. At nang tignan niya iyon, ang nakangiting mukha ni Candice ang sumalubong sa kanya.
Si Candice, isa sa mga kambal ni Lady Lyra. Malapit ito sa kanya dahil halos sampung taon rin siyang naging assistant ng Mommy nito. Halos isa rin siya sa mga gumabay rito sa pagte-train.
"You look so beautiful, Ate Mayo!" nakangiting bulong nito sa kanya.
"Thank you," ngumiti siya rito.
Hindi na umalis si Candice sa kanyang tabi. Kahit minsan ay nasusungitan niya ito ay sadyang malambing ito sa kanya. Thirteen years old na ito, at ilang beses na niya itong ginabayan sa mga nagiging mission nito.
Nang matapos ang wedding ceremony, doon na nakahinga ng maluwag si Mayo. Dali-dali na muna siyang lumabas ng venue, at dumiretso sa garden ng naturang hotel. Umupo siya sa isa sa bench roon, at mabilis niyang tinanggal ang suot niyang high heels!
"Itapon mo na iyan!" utos niya kay Syndey habang inaabot niya rito ang naturang high heels.
"Hala! Sayang naman ito, Miss Mayo!" gulat nito.
"Gawin mo na ang gusto mong gawin d'yan! Kung gusto mo sa'yo na lang iyan! Basta, ilayo na sa akin iyang sapatos na iyan!" utos niya rito na parang nandidiri pa siya sa high heels.
"Akin na 'to, Miss Mayo ah!" tuwa nito.
"Sige na! Ilagay mo na iyan sa sasakyan. At kinikilabutan ako kapag nakikita iyan!" pagtataboy niya rito.
Abot hanggang tenga naman ang ngiti ni Sydney. At tuwang-tuwa naman itong iniwan siya.
Naiwan na siyang mag-isa. Kasalukuyan na niyang sinisintas ang kanyang rubber shoes nang biglang umupo sa kanyang harapan si Yuki, at ito na rin mismo ang nagsintas ng kanyang rubber shoes.
"Diba sinabi ko na sa'yo dapat lagi kang may kasamang bodyguard! Pagsasabihan ko na 'yang si Sydney!" inis ni Yuki.
"Inutusan ko siya! Saka bakit masyado kang nag-aalala d'yan? Mas sanay akong mag-isa!" katwiran niya rito.
"Masanay ka na lagi may kasama! Pinalilibutan tayo ng mga buwaya ngayon! Dapat maging maingat ka!" pabulong na babala nito.
"Kahit sampung bodyguard pa iassign mo sa akin, kung oras ko na, oras ko na!" diin niya rito.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...