🍊 Chapter Twenty-Eight 🍊
FIRST TARGET, Victor Cenvantes. Isa sa mga kaibigan ni Orlando Forteza. May-ari ng isang maliit na KTV Bar sa lugar nila Mayo na minsan ay pinagsisimulan ng gulo ng barangay. Ilang beses na napabarangay pero malakas ang kapit kay Kapitan.
Madilim ng gabi iyon, lumabas sa kanyang KTV bar ang naturang lalaki para manigarilyo. Wala itong kamalay-malay na may itim na van ang biglang dumating. Bumababa mula roon ang tatlong lalaki na kapwa mga nakaitim. Mabilis na hinampas ng isa ang batok ni Victor na kaagad nitong kinawalan ng malay-tao.
Mabilis ding naipasok ng tatlong lalaki si Victor sa loob ng itim na van.
"Mission Accomplished!" anang isang lalaki na siyang nagmamaneho ng naturang van.
Second target, Renato Torres. Isa sa mga tauhan ni Orlando Forteza. Madalas umuuwi ng lasing para maiwasan ang mabungangang asawa. Lulong sa sabong, at may malaking utang kay Orlando kaya nagagawang sumunod sa utos ng amo.
Malalim na rin ang gabing iyon. Tahimik na pumasok sa loob ng bahay ni Renato ang tatlong lalaki na kapwa mga nakasuot ng itim. Nakaramdam ang ilang manok na alaga ni Renato kaya nagsimulang mag-ingay ang mga ito. Pero dahil sa kalasingan, mahimbing pa ring natutulog matabang lalaki.
Dahan-dahang kumilos ang mga di kilalang lalaki. Nadidinig pa nila ang malakas na paghilik ni Renato sa maliit nitong kuwarto. At bago pa magising ang ibang kasama nito sa bahay ay nagawa nang takpan ng panyo ng isa sa mga ito ang bibig ni Renato. Halos hindi ito makapalag dahil kaagad rin nitong nalanghap ang aroma sa telang pinantakip bibig nito.
"Mission Accomplished!" anang tatlong lalaki matapos maisakay sa itim na van ang naturang lalaki.
Third Target, Gio Cortez. Sa lahat ng tauhan ni Orlando, ito ang pinakabata at pinakamaliksi. Mahilig itong magpupunta sa night bar sa Malate palibasa'y binata pa kaya nagagawa nito ang lahat ng gustuhin nito. Madalas itong kumukuha ng barayang babae.
"Boss, may bago ako! Virgin na virgin!" anang baklang bugaw kay Gio. At kahit gabi, litaw na litaw ang makapal na make-up sa mukha nito.
Pagkarinig ni Gio sa salitang virgin ay kusang nagliwanag ang mga mata nito. At hindi na nagdalawang-isip na kunin ang naturang babae at dalhin ito sa pinakamalapit na motel.
At bago pa may maganap sa dalawa ay mabilis nang kumilos ang babae. Bisaha pala ito sa martial arts.
"Iyan ang gusto ko sa babae, palaban!" naeexcite pang turan ni Gio.
Aktong maghuhubad na sana ito ng damit nang biglang sinipa ng di kilalang babae ang ulo ni Gio. Bumagsak ito sa kama, at kusang nawalan ng malay-tao.
"Papunta palang tayo sa exciting part, darling!" sabi ng babae saka nito ginapos ang lalaki, "Mission Accomplished!"
Fourth target, Lito Bonna. Isang martial Art Wanna be. Halos lahat na yata ng movie ni Bruce Lee ay napanuod nito. May kalakihan ang katawan nito kaya siya ang madalas na inaatasang magbantay sa pasagulan ni Orlando. Masipag pero malakas ding mangupit sa amo nito.
Maliit lang ang naturang pasugalan ni Orlando. Ang target ng naturang pasagulan ang maliliit na mamamayang nakatira sa barangay na iyon. Mga mamamayang naghahanap ng libangan at swerte.
Naroroon din sa pasagulan si Orlando kasa-kasama nito ang kabit nitong si Lucila. Habang abala sa lalaki sa ibang negosyo nito ay saka naman dumating ang mga police.
"Raiiiiddd!" sigaw ng isa sa tauhan ni Orlando.
Nagsimulang magkagulo ang lahat.
Naging maagap naman ang ilang tauhan ni Orlando kabilang na si Lito para protektahan ang kanilang pinuno.
Nag-ala Bruce Lee pa si Lito sa mga police na humabol sa kanya. Aaminin nilang malakas nga ang naturang lalaki dahil nagawa nitong mabalibag ang isa sa mga police.
Pero sadyang maliliksi at batak sa training ang mga police na sinabak sa raid na iyon. Nagawa pa rin ng mga ito patumbahin si Lito.
"Ampaw ka lang pala, eh!" anang isa sa mga napatumba ni Lito sabay ang pagpunas sa nagdugo nitong labi.
Marami ka lang kakampi!" galit na tugon ni Lito at sinusubukan pang pumalag. Bakas na bakas sa mukha nito ang galit habang sinusubukan ng ilang police na posasan ito.
Ang ibang police naman ay dumiretso kay Orlando kung saan naabutan pa nilang may katalik nito ang dalagang si Lucila na minsan nang nakaaway at nagpabarangay kay Mayo noon.
Dahil sa kalagitnaan ng pagtatalik ng dalawa kaya hindi namalayan ni Orlando ang kagulahang naganap sa kanyang pasugalan. Madali lang din siyang nacorner ng mga police.
Nahinto sa kanyang ginawa si Orlando nang mapagtanto nito ang limang baril na nakatutok sa kanyang ulo. Wala na itong nagawa kungdi ang itaas ang dalawang kamay.
Nagulantang naman si Lucila at takot na lumayo. Mabilis rin tinakpan ang hubad nitong katawan.
"You are under arrest!" anang police.
Napangisi si Orlando. Kampante ito dahil alam nitong may malaking tao ang tutulong sa kanya para makalaya. Hinayaan niyang posasan siya ng mga police.
Pero natigilan siya nang mapagtanto niyang bakit hindi police car ang gamit ng pulis na nagraid sa kanila.
"Mission Accomplished, Boss! Hawak na namin si Orlando Forteza!"
Gulat na napabaling ng tingin si Orlando sa lalaking naka-itim.
"Hindi kayo totoong pulis?" nanlalaki ang mga mata ni Orlando.
"Gulat ka noh?" anang isa sa mga lalaki.
Natigilan si Orlando. At sa ilang iglap ay lumabas sa noo nito ang butil-butil na pawis.
Victor Cenvantez, Renato Torres, Gio Cortez, Lito Bonna, at Orlando Forteza.
Isang gabi lang, nagawa ng mga agent ni Yuki na madukot ang mga ito na walang kahirap-hirap.
Hindi maiwasan ni Yuki ang mapangiti nang makita niya ang limang itim na van na papasok sa kanyang bakuran. At bago dumating ang mga ito ay naabot na sa kanya ang magandang resulta na ginawa ng kanyang mga agent.
"Dalhin sila sa Gazebo," maikling utos niya sa iba niyang mga agent.
Nagsipag-yuko ang mga ito sa kanya bago niya tinalikuran ang mga ito.
Sa Gazebo niya hihintayin ang pagdating kanyang limang bisita. Kampante siyang makaupo sa kanyang sofa habang nasa tabi lang niya ang kanyang katana.
Ilang minuto pa ang kanyang hinintay. Dumating na, isa-isa ang kanyang mga agent niya bitbit ang limang lalaking bisita niya.
Kapwa mga nakaposas ang mga ito habang nakatalukbong ng itim na katyang maliit ang mga ulo ng mga ito.
Sumenyas si Yuki sa kanyang mga agent na ihelera ang mga ito sa kanyang harapan. Pagkaraan, persahang pinaluhod ang mga ito sa lupa. Muli siyang sumenyas sa kanyang agent.
Sabay-sabay ng mga itong tinanggal ang itim na telang nakatalukbong sa mga ulo nito.
Halos iisa ang naging reaksyon ng mga ito nang makita ng mga ito si Yuki.
Itutuloy...
🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...