Chapter 21

70 4 8
                                    

🍊 Chapter Twenty-One 🍊

HAPON NA NG MAGISING si Mayo. Kung hindi pa niya narinig ang boses ni Boss Jinuel sa kanyang wrist watch ay hindi niya malalaman na naroroon pala ito sa kanilang training camp. Pinapalabas siya nito sa kanyang kuwarto dahil may kailangan itong idisscuss sa kanya.

Kahit tinatamad at wala sa mood ay nagawa pa rin niyang bumangon sa kanyang higaan. Nakita pa niya sa salamin ang namumugto niyang mga mata.

Marahas ang hininga ang kanyang pinakawalan. Pagkaraan ay kinuha niya ang kanyang kapa. At saka na siya lumabas ng kanyang kuwarto.

Naglakad siya sa hallway patungo sa opisina ni Yuki. Naroroon ang isa sa mga bodyguard nito na si Ferdinand.

Pinagbuksan siya nito ng pintuan.

Pagpasok niya sa loob, si Jun ang kaagad na nakita niya. Nakaupo ito sa mahabang sofang naroroon. Kumakain ng tangerine na nasa ibabaw ng center table.

"Hello, Ate Mayo!" masiglang bati nito sa kanya.

Matipid lang na ngiti ang ginanti niya rito. Pagkaraan ay napasulyap siya sa katabi nitong si Yuki. 'Ni hindi man lang ito nag-angat ng tingin sa kanya, o sulyapan man lang siya kahit isang segundo lang. Nakatuon ang atensyon nito sa binabasa nitong dyaryo.

Napangisi si Mayo. Lihim siyang naging proud sa kanyang sarili nang makita niya ang sugat sa labi ni Yuki dahil sa ginawa niyang pagsuntok rito kanina.

Nakita na rin ni Mayo na may kausap pa si Boss Jinuel sa cellphone nito. Kaya tahimik muna siyang umupo sa bakanteng sofa na katapat ng magkapatid.

"Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday, a week
Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, seven days a week!"

Napakunot ang noo ni Mayo nang marinig niya ang pagkantang iyon ni Jun. Para kasing pinaringgan siya nito base sa lyrics ng kinakanta nito. O masyado lang siyang natamaan sa lyrics? At lalo pang tumibay ang kutob niya nang makita niya ang palihim na pagtapik ni Yuki sa binti ng kapatid.

"Why?" natatawang react ni Jun.

Pero inis lang inirapan ni Yuki ang binata. Saka naman umupo na si Jinuel sa kabisera, at tumingin ito kay Mayo.

"Ano'ng nangyari sa last mission mo?" tanong ni Jinuel sa kanya.

Hindi kaagad nakasagot si Mayo. Maski siya ang nadismaya dahil sa dami ng kapalpakang ginawa niya sa mission na iyon.

"Kaya nga sa'yo ko iyon binigay dahil alam ko kung gaano ka kabilis at kalinis magtrabaho. Pero bakit, anong nangyari, Black Swan?" seryosong tanong sa kanya ni Jinuel.

Aktong sasagot na sana si Mayo nang sumabat si Yuki, "Masama ang pakiramdam niya 'nun."

Napakunot ang noo ni Jinuel, "Sana sinabi mo kay Yuki para...."

"Sinabi ko na 'yan sa kanya!" sabat ulit ni Yuki, "Naayos ko na rin ang kalat na ginawa niya."

Napabuntong-hininga si Mayo.

"Sandali, bakit ikaw ang sumasagot? Ikaw ba si Mayo?" sita ni Jinuel.

Napabungisngis naman si Jun.

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon