Chapter Thirty
MALALIM NA ANG GABI pero kasalukuyan pa rin nakatambay si Yuki sa isang Convenient Store na pagmamay-ari iyon ng isa niyang secret agent na si Karzon. Tahimik lang siyang naghihintay ng update mula sa iba pa niyang agent na palihim na nagmamatyag sa kinikilos ng kanyang target.
"Boss, I got the location of our target!"
Dinig ni Yuki sa kanyang earphone. Pagkaraan ay natanggap na niya sa kanyang tablet ang location ni Dominic. Nang maconfirm na niya ang location ay saka na siya tumindig.
Tumango lang siya sa empleyado ni Karzon na isa rin sa mga secret agent. Lumabas na rin siya sa naturang Convenient Store, at sumakay na siya sa kanyang motorsiklong nakapark roon. Seryosong binuhay niya ang makina, pagkaraan ay pinausad na niya ito.
Hindi maiwasan ni Yuki ang mapakunot-noo nang matuklasan niya kung saang location naroroon ang kanilang target.
Isa sa mga sikat na hotel sa Chinatown, sa Binondo.
Ang pagkakaalam niya, hawak ng grupo nila Norman Karihalan ang teritoryong iyon.
Si Norman Karihalan, Secret Agent Rank Number Three. Code Name: The Markhor. Half-Pinoy, Half-Indonesian.
Bilang Secret Agent rin na may ranggo, minsan na niyang makita ang naturang lalaki sa isang malaking event na dinaluhan nila noong magkakapatid. Aaminin niyang nakaramdaman siya ng kilabot nang makaharap niya ito. At parang may kahawig itong isang taong kinatakutan niya noong bata palang siya. At tignan mo ngang nagawa nitong angkinin ang Binondo kahit maraming nagsasabing teritoryo iyon ng mga Chinese Businessman.
Walang ideya si Yuki kung ano ang ginagawa ni Dominic sa lugar na iyon? At bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba?
"Boss, mag-iingat kayo!"
Nadinig ni Yuki ang babalang iyon mula sa mga secret agent niyang palihim ring nagbabantay sa naturang lugar. Alam nilang magiging mapanganib sa kanilang grupo, sa oras na matuklasan ng grupo nila Norman ang palihim nilang pagpasok sa teritoryo nito.
Itinabi ni Yuki sa isang madilim na eskinita ang kanyang motorsiklo. Pagkaraan ay tinaklob niya sa kanyang ulo ang hood ng kanyang black jacket. Pumuwesto siya sa pinakamalapit na eskinita kung saan tanaw niya ang main entrance ng hotel na pagmamay-ari ni Norman.
Ilang minuto lang ang hinintay niya. Mula sa kanyang kinaroroonan ay natanaw niya ang paglabas ni Dominic sa naturang hotel kasama si Norman.
Kumabog nang malakas ang dibdib ni Yuki. Hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng kilabot sa tuwing makikita niya ang lalaking ito. Pero kailangan niyang labanan ang takot niya kung gusto niyang makuha ang kanyang target.
Huminga ng malalim si Yuki. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili.
"Boss, evacuate the area! Natunuguan nila ang kinaroroon ni Daniel!"
Hindi maiwasan ang mapamura ni Yuki nang marinig niya ang babalang iyong ng kanyang Agent sa earphone niya. Talagang matitinik ang mga agent ni Norman, at kaagad sila nitong natunugan.
Pagkaraan ay nakita niya ang ilang sasakyang dumaan sa main road.
Umarte si Yuki na isang local na sibilyan sa lugar na iyon. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ng kanyang motorsiklo. Pero paglihis niya sa isang eskinita ay may dalawang lalaki na ang kaagad na sumalubong sa kanya.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...