🍊 Chapter Sixteen 🍊
PINAGMASDAN NI MAYO ang hawak niyang baso na naglalaman ng red wine. Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Kakulay kasi ng dugo ang naturang alak. Tandang-tanda pa rin niya ang mga panahon na halos sa tuwing makakakita siya ng dugo noon ay hinihimatay siya. Natatawa na lang siya sa kanyang sarili sa tuwing naaalala niya ang nakaraan. Hindi niya akalain na kaya pala niyang harapin ang mga bagay na kinakatakutan niya. Hindi niya akalain, magagawa niyang baguhin ang kanyang sarili.Pero nagbago na nga ba talaga siya?
Bakit suot pa rin niya sa itim niyang kapa?
Napatingin siya sa itim na sedang nakabalot sa kanyang katawan. O, nananatili pa rin niyang kinukulong ang kanyang sarili sa nakaraan?
Nagpakawala siya ng marahas na hininga. Pagkaraan ay tinungga na niya ang natitirang red wine sa kanyang baso.
Naisipan na niyang hilahin ang tali banda sa kanyang dibdib. Pagkaraan ay hinubad na niya ang kanyang itim na kapa.Tumindig siya.
Naramdaman niya ang hangin na dumampi sa kanyang balat. Malamig. Naglakad-lakad siya sa kanyang kuwarto. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili, hanggang may bumulong sa kanya sa lumabas.
Napatingin siya pintuan. May nagtutulak sa kanya na lumabas ng kanyang silid na hindi suot ang kanyang kapa. Gusto niyang subukan ang kanyang sarili kung kaya na ba niyang humarap sa ibang tao na walang suot na kapa.
Muli siyang nagpakawala ng marahas na hininga bago niya pinihit ang doorknob, at binuksan ang pintuan. Simulan na niyang ihakbang ang kanyang mga paa palabas ng kanyang kuwarto.
Malakas na rin ang loob niya dahil wala nang gaanong agent ang naglilibot-libot sa kanilang training camp sa ganoong oras.
Madilim na ang buong paligid. Ramdam na niya ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat. Wala sa loob na napayakap siya sa sarili.
Sa kanyang paglalakad, hindi niya namalayang nakarating na siya sa bakuran ng mga Tangerine. Napadako ang tingin niya sa gazebo. At nagsimulang kumabog ang dibdib niya nang makita niya roon si Yuki.
Napakunot ang noo nito nang makita siya.
Wala siyang suot na kapa. Hindi niya magawang ikubli ang kanyang sarili.
Parang nanigas si Mayo sa kanyang kinatatayuan nang makita niyang tumindig si Yuki, at saka siya nito tinawag. Noong una ay nag-aalangan siyang lumapit pero binantaan siya nito.
"Kung ayaw mong lumapit, ako ang lalapit sa'yo!" singhal nito sa kanya.
"Oo na!" ganti na lang niya.
Muli siyang humugot ng malalim na hininga. At saka na siya lumapit rito. Nakita niyang mukhang uminom rin ito dahil may ilang alak sa lamesa.
"Halika, saluhan mo ako!" utos nito.
Nagawa na niyang umupo sa isang bakanteng upuan. Nagawa na rin siya nitong tagayan ng alak sa bakanteng shot glass.
"Cheer!" umarko pa ang isang kamay ni Yuki.
"Cheer!" nagtatakang sumunod na lang si Mayo sabay ang tungga ng alak.
Bahagyang napangiwi si Mayo nang maramdaman niya ang pagguhit ang whisky sa kanyang lalamunan. Nalasahan din ang pait nito sa kanyang labi.
Hindi niya alam kung kanina pa ba umiinom mag-isa si Yuki. Pero napansin niyang namumula na ang mukha nito, at mapungay na rin ang singkit itong mga mata.
"May problema ka ba, bakit umiinom ka mag-isa?" nakuha na niyang itong rito.
"Lagi naman akong may problema, wala namang nagbago!" natatawang sagot nito saka muling tumungga ang alak.
Hindi kumibo si Mayo.
"Tell me, anong mayroon sa inyong dalawa ni Dominic?" biglang tanong nito.
Gulat siyang napatingin rito. Ano naman kaya ang nakain nito, at bigla-bigla itong nagtanong about sa kanila ni Dominic.
"Nireport sa akin ni Sydney ang paghaharap ninyong dalawa ni Dominic kanina," ani Yuki.
Hindi na kumibo si Mayo dahil alam naman niyang ginawa lang ni Sydney ang trabaho nito bilang assistant niya.
"Ang hindi ko lang nagustuhan iyong nagbitaw ka ng utos kay Sydney na imbestigahan si Dominic na hindi mo muna nirereport sa akin!" seryosong saad nito.
Napalunok siya.
"Tell me, anong mayroon sa inyo ni Dominic?" seryosong tinignan siya nito, "Maski noong nag-aaral pa tayo! Napansin ko, iba ang trato niya sa'yo."
"Kababata ko si Dominic. Lagi kami noong nagkakasama sa mga event ng barangay at school namin," tugon niya.
"Kababata lang ba?" tanong nito saka napatingin ito sa kanya.
"Bakit mo ba tinatanong?" nagtatakang tanong niya.
"Sabihin mo na lang sa akin ang totoo!" pautos nitong sabi.
"Si Dominic naging ka-MU ko noon. Pero hanggang doon lang iyon. Sabi niya, after ng kampanya, at kapag nananalo ang mga Papa namin, aakyat na siya ng ligaw. Hindi naman iyon natuloy!" inis niyang tugon.
Bahagyang natawa si Yuki sa sinabi niya.
"Nang-iinsulto ka ba?" na-offend niyang tanong rito.
"Hindi. Sorry. Natawa lang ako, bigla! Alam mo kung bakit? Kung talagang gusto ka ni Dominic, hindi na niya kailangang sabihin iyon. Nakita mo naman ang resulta ng botohan. Kaya hindi natuloy ang plano niyang--"
"Bakit ba gusto mong malaman ang tungkol sa aming dalawa?" singhal niyang tanong rito.
Natigilan si Yuki, at seryosong tumingin sa kanya.
Parang natauhan si Mayo dahil mukhang napagtaasan niya ito ng boses.
"Dahil I think... I'm falling with inlove with you!" tugon nito.
Natigilan si Mayo. Hindi niya inie-expect na lumabas sa bibig ni Yuki ang mga katagang iyon.
"Asar!" inis na napakamot ng ulo si Yuki.
"Y-You think?" bawi ni Mayo sa pagkakagulat, "Meaning hindi ka pa rin sure! Alam mo kung bakit? Dahil si Ella pa rin--"
Hindi na natuloy pa ni Mayo ang kanyang sasabihin ng biglang kinabig ni Yuki ang kanyang batok, at mariin siyang nitong hinalikan sa kanyang labi.
Nabigla siya sa ginawa nito, pero nagawa naman niyang tumugon sa halik na iyon. Hindi ito ang first kiss nila. Dapat nga ay itulak niya ito palayo sa kanya, at bigyan ito ng sampal. Pero hindi. Dala na rin ng alak kaya nagawa niyang tumugon sa halik na ito.
Saglit na napahinto si Yuki, at malalim na tumingin sa kanyang mata na parang bang binabasa nito ang tumatakbo sa kanyang isipan.
"I'm so glad na makita kang hindi mo suot ang kapa mo," masuyong bulong nito.
Napalunok si Mayo.
Muling naramdaman ni Mayo ang pagsayad ng mga labi ni Yuki sa kanyang mga labi. Sa pagkakataong iyon, hindi na iyon marahas. Hindi na iyon isang pag-uutos na kanya. Naramdaman niya ang gentle-side ni Yuki sa pamamagitan ng mga halik nito. Kaya hindi na siya nagdalawang-isip na muling tumugon.
Hinayaan niya ang kanyang sariling makalimutan ang nakaraan, at ipaubaya ang kanyang kinabukasan sa mga halik ni Yuki sa kanya.
Itutuloy....
🍊🍊🍊🍊🍊🍊🍊
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...